ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Cesar Montano comments on controversy involving Maricel Soriano


Posible na ma-move sa Sunday night timeslot ang sitcom ng GMA-7 na Andres de Saya, na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Iza Calzado. Sa kasalukuyan ay napapanood ito tuwing Sabado ng gabi. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar sa taping ng Andres de Saya sa Studio 6 ng GMA Network nitong Huwebes, July 7, sinabi ng aktor na walang problema sa kanya kung sakaling ilipat ng timeslot ang kanilang sitcom. "I'm very positive. Kasi, mas kumpleto ang pamilya sa bahay. "Kasi kapag Sunday, kailangang nasa bahay ka na no'n, both parents. Kailangan ang mga bata, nandodoon din. "Kapag Saturday, maiisipan mo pang lumabas. Minsan inaabot na kami ng gabi. Nakakauwi kami minsan nine na ng gabi, kasi galing manood ng sine. "Yung mga bata, mahilig na rin manood ng sine, sobra!" natatawang sabi niya. Ang game show ni Manny Pacquiao na Manny Many Prizes ang posibleng pumalit sa timeslot ng Andres de Saya. "Malamang malakas 'yan!" bulalas ni Cesar. "It's a comeback of Manny. I'm excited to see that na magge-game show siya because I haven't seen Manny hosting a game show. "I'm pretty sure na malakas 'yan." Masaya naman daw si Cesar sa reception ng mga tao sa kanilang sitcom. "Tinatawag nila akong Andres," banggit ng aktor. "Kahit AB crowd nanonood, e. Pati sa Cebu, kasi nagbi-Bisaya kami dito. Kaya sa Region 7, accepted. "Nakakatuwa kasi pamilya. Parang John En Marsha ang dating. "Ako kasi, I miss John En Marsha kasi. Product ako ng John En Marsha," pagtukoy pa ni Cesar sa dating sitcom ni Dolphy at ng yumaong si Nida Blanca. MARICEL SORIANO. Bago si Iza, si Maricel Soriano ang nakilalang misis ni Cesar onscreen dahil sa pinagsamahan nilang sitcom noon sa ABS-CBN, ang Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis. Hindi nga naiwasang itanong ng ilang entertainment press na dumalaw kay Cesar kung ano ang naging reaction niya sa bagong isyung kinasasangkutan ni Maricel ngayon. Ito ay ang pag-aakusa ng dalawang kasambahay ng pang-aabuso laban sa Diamond Star. (Basahin: Maricel Soriano’s ex-maid: ‘Dinirty finger niya po kami’) "Malungkot. Nalungkot ako do'n," napapailing na sabi ni Cesar. "I guess, the best thing to do is to keep quiet and pray na sana maayos din." Sabi pa niya, "Ako ang naunang nalungkot. Actually, mas nauna ko nga siyang naging wife kesa kay Sunshine [Cruz, Cesar's real wife]." - Rose Garcia, PEP