Isa sa napapansin at napupuri sa kanyang pagganap sa epicserye ng GMA-7 na
Amaya ay si Rochelle Pangilinan, who plays the role of Marikit. Marami ang nangyayari sa character niya sa ilang buwan pa lamang na pag-ere ng
Amaya. Ngayon naman, dahil sa mga insidente sa kanyang buhay, naging baliw naman ang kanyang character. Natatawang hirit nga niya nang kumustahin namin si "Marikit" sa nakaraang Biblio launch at second year anniversary ng PPL Entertainment, Inc, sa Establishment, The Fort, "Hayun, luka-luka pa rin. "Pero nag-e-enjoy ako sa role kasi, nalalaru-laro ko siya." Inamin ni Rochelle na nang malaman niyang magiging baliw siya sa serye, kaba muna ang naramdaman niya. "Una, kinabahan ako. Kasi, parang, 'Ano 'to? Sinaunang luka-luka?' "So, paano mangyayari yun?' Tapos, prinsesa ako na naging luka-luka. "So, 'Ano 'to?' Sabi kong ganoon. Hindi ko siya matanggap sa una. Parang, 'Paano 'to? Paano ko 'to gagawin?' "Hindi ko alam kung paano siya titirahin kumbaga. "Pero, nagtanung-tanong ako kila Tita Gina Alajar, Tita Irma Adlawan. "'Paano po 'to? Baka po puwedeng ano?' Tapos sabi nila, 'Ano lang, paglaruan mo lang siya.' "Tapos, 'Ano ka, itodo mo. Pumunta ka sa edge. Hanggang doon. "'Huwag kang mahiya. Ilabas mo lang. Ano ba ang nakikita mo?'"
POSITIVE COMMENTS. Masaya nga raw siya dahil na rin sa mga nakakarating na comments sa kanya. "Sabi kanina ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7's SVP for Entertainment TV] kaya ang saya-saya ko ngayong araw, sabi niya, 'Ang galing-galing mo sa Amaya.' "Para sabihin ni Tita Wilma yun, ang puso ko lumabas. "Ang sarap-sarap sa pakiramdam. "Yung hirap. Yung iyak, yung ngawa, wow, may nakaka-appreciate! "Ang sarap naman. Parang alam mo yun? Bukod sa thank you, wala na akong masabi."
HAPPY SET. Isa pa raw sa ipinagpapasalamat ni Rochelle sa pagiging bahagi ng
Amaya ay ang samahang meron sila sa show. "Ang saya-saya namin sa
Amaya. Consistent ang saya namin sa set. Wala namang pagbabago. "Walang nangyayaring, ano [masama]. Wala akong napapansin na pangit. "Okay naman ang flow. Walang nega."
NO PROBLEM WITH MARIAN! Madalas ngang natatanong si Rochelle about Marian, how she is as a co-star. Consistent si Rochelle sa pagsasabi kung gaano sila nagkakasundo at kung anong klaseng co-star ang bida ng kanilang epicserye. "Actually, nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon, naiintriga pa siya. "Kung tutuusin, hindi lang naman ito ang unang beses naming magkasama. Yung
Show Me Da Manny, isang taon mahigit din yun. "Tapos, itong
Amaya.... "Actually, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon [naiintriga siya]. Kasi, wala naman akong nakikitang negative sa kanya."
FAMILY AFFAIR. Bukod sa co-stars sila ni Marian, magpinsan din ang boyfriends nila na sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap. Sa ginanap na launching ng Biblio, kitang-kita ang pagiging malapit ni Rochelle sa pamilya ni Arthur. At ayon nga kay Rochelle, "E, kasi, sobrang ang bait-bait nila. "Kahit na alam mo yung hitsura pa lang nila, parang anong [mataas na] family. "Pero, parang haping-happy ako na i-accept nila ako as ako. "Na nagpapaseksi sa TV, sumasayaw na kuntodo sa TV. "Pero, sa personal naman, hindi naman ako ganoon. Pero, ang nakita nila, yung ako." Kuwento pa rin ni Rochelle, "Yung nanay ni Carlo [Gonzalez], nakakatuwa. "Palagi niyang sinasabi na, 'Uy, alam mo, idol na idol kita.' "Si Tita Baby Gonzalez, palaging sinasabi nga ng nanay ni Arthur na kamukha ko nga raw si Tita Baby. "Noong makita ko siya, oo nga. At saka, isa pang maganda sa kanila, wala sa kanila yung pangmamaliit factor. Wala talaga."
IS HE THE ONE? Nakikita ba niyang sila na nga ni Arthur? "Sana. Sabi nga sa church, walang sana-sana prayer. Ito na yun. "Hindi puwedeng walang sana-sanang prayer kay God, e. Ito na yun! "So, hopefully, after two or three years, makaipon lang kami. "Alam ninyo naman ang trabaho natin, hindi puwedeng laging nasa taas. Puwedeng any time [malaos], di ba?"
LIKE A PRINCESS. Nagkaroon na rin siya ng ibang mga nakarelasyon. Anong nakikita niyang difference ng relationship niya ngayon with Arthur? "Well, palagi naman na kapag nagkakaroon ka ng present relationship, palaging sinasabi mo na ito na ang masaya, di ba? "Pero sa akin, itong ngayon na nangyayari, ewan ko, ngayon lang ako naging masaya na ganito. "Ngayon lang ako... na kung yung ibang ex ko, tinatrato ako noon bilang babae. Ngayon, tinatrato niya ako bilang prinsesa. "So, yun ang pagkakaiba. Kaya ang saya-saya." --
Rose Garcia, PEP