
Damang-dama namin ang excitement ni Janno Gibbs nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mini-presscon para sa kanyang upcoming concert na Janno Gives. Ginanap ang presscon sa Teresita's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, September 21. Ang Janno Gives, na gaganapin naman sa Music Museum on October 15, ay magsisilbi ring comeback at post-birthday concert ni Janno. The singer turned 42 last September 16. May ilang taon na rin kasi ang nakalilipas since Janno's last solo concert. Madalas ay nagge-guest lang siya sa concerts ng ibang artists. "Siguro more than five years na rin na hindi talaga ako nagso-solo concert," banggit ng singer-comedian. "Takot din ako sa responsibility. Ang hirap, e. "Mahirap magbenta ng tickets. Hindi naman madali ang buhay ngayon. "Gusto ko lang once in a while, para hindi nakakalimutan. "Although, nag-enjoy rin kasi ako sa guesting-guesting lang." Hindi naman itinanggi ni Janno na noon ay nagkaroon na rin siya ng concert na hindi "as expected" or "as successful" ang naging turnout. Kaya raw maingat din siya sa pagtanggap ng solo concerts. Pero sabi rin Janno, bahagi raw talaga yun ng pagiging isang artist. "Hindi rin naman kasi 'yan dahil sa ayaw kang panoorin, sometimes it also depends on the timing," sabi niya. Paano niya nasabi na ngayon ay right time na for him to do a major solo concert again? "Well, ako kasi, like in any fieldâsa acting, hosting, comedyâgusto kong maramdaman na bago ako gumawa ng isang bagay, gusto ko yung nami-miss ko na siya. "Halimbawa, soap. Nami-miss ko na ang mag-soap, mag-game show... same with the concert, ganoon din. "Sinabi ko kay Perry [Lansigan, Janno's new manager] na nami-miss ko na ulit mag-concert. "So, I think, kailangan kong maramdaman yun. "Kasi kung hindi, parang ginagawa mo lang... for the money, for exposure, or magawa mo lang. "Gusto ko, yung sa akin, ginagawa ko siya for the love of... kasi gusto ko." Kailan nagsimula yung naramdaman niyang nami-miss na niya ang pagku-concert? "Siguro last year," sabi niya. "Kasi, for a while, happy na ako sa
Party Pilipinas, kumakanta. Parang mini-concert na rin. "Last year, hanggang ngayon, I was busy with album promo. Mga probinsiya, pumupunta ako sa mall shows, happy na ko no'n. "E, ngayon, tapos na ang mall shows ko. So, sabi ko, gusto ko namang mag-concert."
SOMETHING NEW TO OFFER. Sa pagbabalik ni Janno sa music scene, marami raw bago na makikita sa kanya. "Maraming bago, pero siyempre, nandoon pa rin yung dati. "I mean, hindi naman puwedeng tanggalin yung mga songs ko talaga. Yung mga gusto nilang marinig sa akin. "May isang bagong [segment] na kapag nagko-concert kasi ako, may ginagawa akong impersonation. Ginagaya ko sina Gary [Valenciano], Martin [Nievera]... "Merong 10 years na siguro, gusto kong gawin 'to, yung video ng 'We Are The World,' yung original. "Ipapalabas ko yun sa screen, pero ako ang kakanta ng lahat ng boses nila." Marami ring guests si Janno sa concert niya, tulad nina Jaya, Jennylyn Mercado, Jolina Magdangal, Marian Rivera, Dennis Trillo, at Dingdong Dantes. The concert is for the benefit of Para Paaralan program of Yes Pinoy Foundation. Ayon pa kay Janno, "Pagpasok ko sa PPL, sinabi ko na isa sa gusto kong unahing project is a concert. "Tamang-tama, nag-coincide sa Yes Pinoy na they were looking for a benefit show nga. Nagtugma siya. "Lalo naman akong natuwa kasi may patutunguhan yung gagawin ko." Posible kayang pagkatapos ng Janno Gives ay sunud-sunod na ang paggawa niya ng concerts? "Hindi naman siguro sunud-sunod. "Maaaring simula 'to. And maybe, sa susunod naman, malaki na, like Araneta Coliseum. "Sana nga, Valentine's concert."
JANNO IS "HUNGRY." Hindi naman itinanggi ni Janno na for more than a year ay nawala ang drive niya sa kanyang career. Ito nga rin yung mga panahon na naintriga siya ng kung anu-ano. Pero ngayon, yung drive at passion ay nagbalik na raw sa kanya. "Yes, hungry ako, hungry. Basta hungry ako ulit na mag-perform sa harapan ng tao," saad niya. Pero ano man daw ang nangyari, no regrets at all si Janno. "Noong panahong hindi ako busy, hindi ako nagko-concert masyado, nagagamit ko rin yun, e. Yung time na yun. "Yun nga, parang naiipon. Naiipon yung drive mo. "I'm not the type na work-work. Gusto ko, nag-e-enjoy ako. "Ayoko ng pera-pera lang or exposure lang." At this point, sa tingin niya ba ay may kailangan pa siyang i- prove pagdating sa kanyang career? "Kailangan pa rin. Marami pa rin akong kailangang i-prove. "Una at isa sa mahalaga siguro, na kailangan kong i-prove, is kaya ko pa rin sumabay sa mga bago natin. "Kahit na maraming artists, kaya ko pa rin makipag-compete." --
Rose Garcia, PEP