Mas naging close daw siya kay Simon Greatwich kaysa kay Neil Etheridge, ayon sa
Kung Aagawin Mo Ang Langit female star na si Michelle Madrigal. Pinag-usapan kasi ang tweet noon ni Neil na, "In love with Mitch Madrigal" kaya na-link sila. Pero never daw naging sila. "Kasi 'di ba, you know pagka foreigner ka, or kahit minsan tayo when you say... yung tweet niya kasi "In love with Mitch Madrigal", ina-admire mo lang yung tao. "Na parang kunyari, ikaw makita mo si Brad Pitt, 'Oh my God, I'm dying. Ang guwapo niya!' "Pero, it doesn't literally mean na mamatay ka talaga," pahayag ni Michelle. "Nabighani, nagandahan lang [siya]. Sinasabi naman niya sa akin, or sa best friend ko na, 'Yeah, she's beautiful!' "Pero siyempre, nag-thank you na lang ako. Hindi talaga naging kami. "Hindi naman siya ang naka-date ko. Iba po ang nag-try manligaw sa akin. Si Simon Greatwich, hindi siya!"
NEIL OR SIMON? Hindi man lang ba siya na-attract kay Neil? Halimbawang niligawan siya nito, sasagutin ba niya? "Hindi rin po. Mas okay na friends lang kami para tumagal ang friendship. Ayoko ng complications! "Ang lagi kong nakakasama, like we go on friendly dates, group dates, si Simon. "Siguro, mas kakilala lang, kasi siyempre, mas sikat si Neil. "Aminin natin, siya ang goalkeeper [kaya] siya yung laging naka-front. "Pero hindi naging kami. Parang we were just going out. "Kaming lahat ng mga kaibigan ko, na parang getting-to-know [you]. Yun lang." Ano ang nangyari sa kanila ni Simon? Bakit parang hindi natuloy ang getting-to-know-you nila? "Because they don't live here. He doesn't live here. But we still keep in touch. "Nag-uusap pa rin kami, pero mas lamang yung friendship ko sa kanila. "Parang mas gusto kong i-keep yung friendship na mero'n kami. "Even with Simon, or Neil, kesa yung like magka-boyfriend with them. "Kasi, alam ko sa sa¬rili ko, I'm not ready to have a relationship now. "Right now, ha? At this point. "Never kaming nagkaroon ng mga romantic whatever. "Na parang naisipan na, baka puwede kaming mag-date in the future. "Wala kaming ganung moment ni Neil." How about with Simon? "In a way siguro. Like, kasi yung getting-to-know [each other]. "Like we'd talk, minsan tatawag siya ganyan. "Nag-i-Skype [kami]. So siguro, kung may intention na ganun [manligaw]. "Hindi mo naman tatawagan yung tao [pag wala lang]." So, mas na-attract siya kay Simon kaysa kay Neil? "Siguro, oo." Pero, hindi rin daw ma¬sabi ni Michelle na kung based sana dito sa Pilipinas si Simon ay sasagutin niya ito. Dahil feeling niya ay hindi pa talaga siya ready para sa isang panibagong relasyon.
NEIL IS HOT! Sa isang banda, aminado si Michelle na napaka-hot ni Neil, lalo na sa Folded & Hung underwear pictorial at vide¬o nito. "Yes, kahit ako naman sinabi ko talaga sa kanya nung lumabas yung video. "I've seen it like before that [came out]. I've seen, like the pictures before pa i-launch iyon." Best friend kasi ni Michelle ang agent ni Neil na si Joanne Samson. "Kaya siguro kami na-link, kasi kaming tatlo ang laging magkakasama. "E, hindi nila kilala si Joanne. Dahil ako artista, tapos si Neil athlete kaya siguro kami ang natsismis."
LIKING HUNKY MALES? Type nga ba ni Michelle ang mga hunky at malalaking tao? "May ganun? I've changed, I've changed! Hahanap na lang ako ng iba," sabay-tawa ni Michelle. Ayaw raw niya ng fling, mas gusto na niya ang seryosong relasyon. "Siguro dati. Like, kaya ko pa. Parang tumatanda na rin ako. "Parang ayoko na. Gusto ko na ng seryosong relasyon. "Ayoko na ng date-date, tapos alam mong wala namang pupuntahan." Ang alam ni Mitch ay walang girlfriend si Neil at seryoso ito sa football. "Lahat sila [Azkals], mas seryoso silang lahat sa football."
ENVY OF GIRLS. Aware siya na mara¬ming girls and gays ang nainggit sa kanya nang maging close sila ni Neil. "Oo! Ang dami kong naging haters nung time na yun, after niyang mag-tweet. "Parang, 'Why Michelle? She's a bitch! I hate her!' Ganyan. "Sabi ko, 'bakit nila ako hate?' "'Wala akong ginagawa sa kanila.' Sinabi ko sa kanya, 'Alam mo, nang dahil sa yo, parang gusto na akong ilublob ng mga babae sa ano," at muling tumawa si Michelle. "Wala talaga kaming...pag nagkikita kami ni Neil, parang alam kong friends lang talaga." Physical attraction or "kuryente"? "Wala! E, minsan, magkatabi naman kaming magkaupo. Wala, friends lang talaga." Hurting pa rin ba siya sa breakup nila ni Jon Hall kaya hindi pa siya ready? "Ay, no, no, no! Nakapag-move on na ako. Siya rin, mero'n na siyang ano, may girlfriend na." -
Rommel Gonzales, PEP