ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Former loveteam partners Chuckie and Isabel reunite in Survivor Philippines


Itinuturing na "reunion" ng former child stars na sina Isabel Granada at Chuckie Dreyfuss ang pagsali nila sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. Dating magka-loveteam ang dalawa na lumabas sa maraming pelikula ng Regal Films. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) kina Isabel at Chuckie sa grand launch ng reality show noong Martes ng gabi, November 8, sa Studio 6 ng GMA Network, ikinuwento ng dalawa kung paano sila napabilang sa castaways ngayong fourth season. Sabi ni Chuckie, "I think I called Isabel when I found out about this. "I got the call first, then I called her up right away. "I was told nga from GMA-7 na si Isabel nga ang magiging partner ko." Dugtong naman ni Isabel, "Isa pa 'yan siguro sa nagpapayag sa amin kasi ever since, dati na kaming magkasama sa movies, sa trabaho." Banggit pa ni Chuckie, "We're the very first ones who got the call, e." Noong kalagitnaan daw ng September this year nang kunan ang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown sa San Vicente, Palawan. Natapos ito noong huling linggo ng October. At sa November 14 na ito magsisimulang mapanood sa GMA-7. ISABEL'S AILMENT. Pinagtakhan ng marami kung bakit sumali si Isabel sa isang physically-challenging game show samantalang nabalitang nagkaroon siya ng karamdaman. Saad niya, "Oo nga. Yung unang tsismis, namatay ako. "Eto nga ang pagpapatuny na buhay ako at nandito nga ako sa Survivor... "Nagkaroon ako ng sakit, pero hindi naman siya cancer. "And thank God, hindi gano'n ang sakit ko." Inamin ni Isabel sa PEP kung ano talaga ang naging sakit niya. Pagtatapat niya, "Ang naging problema ko before is ovarian cyst. "Wala na akong ovary sa right kaya hindi ko pinuproblema yun." Pero umaasa raw siyang magkaka-baby pa rin siya dahil isa pa lang ang anak nila ng mister niyang si Geryk Genasky Aguas. "Actually, nahihirapan akong magbuntis kaya nga hanggang ngayon, isa pa lang ang anak ko because of what happened. "Hindi dahil mahirap manganak. Nandun yung takot na baka may mangyari na namang something sa akin. "We're very happy naman with our son Hubert. "In fact, Hubert is very supportive ang career ko. Naiintindihan niya lahat ito. "Yun naman ay blessing sa aking career." AWAY FROM THEIR FAMILIES. Bagamat na-miss daw ni Isabel ang kanyang anak, malayo ito sa naramdaman ng kaibigan niyang si Chuckie nang mawalay ito nang matagal sa kanyang pamilya. Sabi ni Isabel, "Actually, ang difference lang sa amin ni Chuck...kasi si Chuck, talagang first time niyang malalayo sa pamilya. "Ako naman, I've been doing shows abroad. "Yung paglayo physically, medyo masakit, pero meron pa ring communication dahil may phone kami, may Internet. "Pero ito talaga, wala. Totally, wala talaga." Umayon naman si Chuckie sa paliwanag ni Isabel. Aniya, "Oo, dalawa anak ko. "Katorse [14] na yung lalake ko, nine years naman yung girl. "Alam mo, noong una, pinuproblema ko kung ano yung feeling na mawala, pinuproblema ko how will I cope pag nasa labas. "Pero pag nandun na, wala ka nang choice, e." Patuloy ni Chuckie, "Ilang beses dumaan sa utak ko. "Day one pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko na, 'Ano ba itong pinasok ko?' "Talagang ang hirap na talaga, e. "Kaya lang, inisip ko na lang na Survivor ito. "Kasi, bago pa lang akong pumasok, sinabi na nila na lahat ng napapanood mo sa TV, totoo 'yan. "Yung gutom, yung hirap, lungkot...lahat!" SHOWBIZ COMEBACK. Matatandaang si Chuckie ang isa sa pinakasikat na child star noong '80s. Isa sa mga naging pelikula niya ay ang Idol (1984) kunsaan nakasama niya ang yumaong si Rudy Fernandez. Napabilang din si Chuckie sa youth-oriented show noon ng GMA-7 na That's Entertainment. Marami ang naniniwalang ang pagsali niya sa Survivor Philippines ay posibleng paraan ni Chuckie para makapag-artista uli at magkaroon ng projects. Ayon kay Chuckie, "Actually, ang plano ko talaga no'ng umalis ako sa showbiz 15 years ago, ayoko... "Kasi, ang hirap na na-identify ako na child actor ako. Totoo yun. "Tuwing nakikipag-usap ako sa ibang tao, ang nai-identify nila yung child actor, e. "So, alis ako. Babalik na lang ako ng repackaged, payat and all. "And hindi ko iniisip na magkaka-Survivor na ganito. "I was already prepared for a comeback. "And I got a call from Survivor at napakalaking opportunity na kung babalik at babalik ako, at least, nasa Survivor ako." Ikinatutuwa naman ni Isabel ang unti-unting pagbabalik ni Chuckie sa showbiz. Kuwento ni Isabel, "Actually, nakakatuwa kasi no'ng minsang nag-guest kami sa isang show sa GMA-7, si Mommy Cindy [ina ni Chuckie], dahil nga sa sickness niya, nai-guest din ako doon, e. "Siguro, doon sila nagka-idea sila na ibalik yung tandem namin. "By that time na nagkita kami...I'm here to support you sa gagawin mong comeback sa showbiz. "Eto nga, nagkataon na sabay pa kaming... Ako kasi, one year nang walang project sa GMA-7. Ang last ko was Panday Kids. "So, suportahan na lang." THEY NEVER BECAME AN ITEM. Kailanman daw ay hindi naging magkasintahan sina Isabel at Chuckie noong younger days pa nila. Hindi rin nila maipaliwanag kung bakit hindi sila nagkagustuhan. "Ang dami na ngang nagtanong sa amin 'yan!" nagtatakang sabi ni Isabel. "Bakit nga ba, Isabel?" tanong naman ni Chuckie sa dating ka-loveteam. Sabi ni Isabel, "Hindi ko masabing kami, e. Wala kaming formal relationship kasi bata kami, e. "Alam namin na gusto namin ang isa't isa when we were younger. Pero wala, e." Ayon naman kay Chuckie, nagkaroon lang sila ng mutual understanding noong una. -- Rey Pumaloy, PEP