ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chariz Solomon names her idols in comedy


Praktikal at hindi ambisyosa ang description ni Chariz Solomon sa kanyang sarili. Hindi kasi siya nangangarap na balang-araw ay mabibigyan din ng break upang maging bida sa TV man o pelikula. Kuntento na kasi ang kikay na komedyana basta't mayroon lang siyang mga regular na proyekto. Kaya ayaw raw niyang mag-expect na darating din ang time na magiging bida siya. "Hindi na po ako nag-iisip ng ganoon, na magiging bida rin ako. "Nakakatakot kasi, baka mabaliw ako, praning din kasi ako, e!" nakatawang saad ng komedyana nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Dagdag pa ni Chariz, "Hindi ko na po iniisip 'yon, basta may trabaho lang lagi ay okay na 'yon sa akin. "Well, sana kung may darating, pero hindi ako nag-iisip ng mga ganoon po talaga, e. "Basta kung ano na lang po ang dumating, come what may lang, ang mahalaga ay laging may trabaho e. "Masaya na ako na nakakapagbayad ng bills, masaya na ako kapag hindi nababakante sa work. "Okay na 'yong naa-appreciate rin ng iba ang ginagawa ko, yung may nagmamahal rin sa akin, okay na ako doon." STARSTRUCK. Wala raw sa hinagap ni Chariz na mapapasok siya sa mundo ng showbiz. Five years ago, huminto si Chariz ng pag-aaral sa University of Santo Tomas dahil sa planong magtrabaho sa Japan. Subalit hindi ito natuloy at ito ang nagbigay sa kanya ng chance para maging isang artista. Kuwento ni Chariz, "Kailangan na kasi namin ng extra hand financially, so 'yong mother ko po, isinasama na niya ako to work in Japan. "Pero hindi po natuloy dahil na-deny ang visa ko. "Kaya wala na akong gagawin dahil hindi pa ako naka-enrol dahil sabi sa UST ay sa second semester na raw ako puwedeng pumasok. "So, ang nangyari, si Tito John Fontanilla [talent manager/PEP contributor], niyaya niya akong sumali sa StarStruck. "Eksakto 'yon na last day na ng audition sa GMA-7. "So, nag-try na rin ako at nakapasok naman, kaya tinuluy-tuloy ko na. "Gusto ko naman kasi ito ever since—ang sumayaw, kumanta, umarte." BREAK AS A COMEDIENNE. Sinabi rin ni Chariz na masaya siya sa pagkakaroon ng break na maging isang komedyante. Saad niya, "Masaya po ako sa ginagawa ko, lalo na kapag nabibigyan ako ng mga role na talagang nakaka-challenge. "Katulad po noong sa Jejemom, hindi ko po ine-expect 'yon. "At dahil doon ay nagkaroon ako ng aking first-ever acting award mula sa Golden Screen TV Awards." Nagwaging Outstanding Supporting Actress in A Comedy Series si Chariz sa Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) para sa pagganap niya sa defunct comedy show ng GMA-7 na Jejemom. Aniya pa, "Pero sa totoo lang, katabi kong matulog ang aking trophy, na-inspire ako ng sobra dahil dito at ito ang pinakamasayang Pasko ko." HER IDOLS. Maraming idols na komedyana si Chariz, pero nangunguna sa listahan niya sina Rufa Mae Quinto at Eugene Domingo. Saad ng Kapuso comedienne, "Bawat isa sa kanila ay kumukuha ako ng idea sa kanila tapos, kumbaga, pinag-aaralan ko 'yon. "Pero ang unang-unang idol ko ay si Ms. Rufa Mae. "Kasi, natural na natural talaga siya, e. "Bata pa lang po ako ay idol ko na talaga siya. "Naalala ko pa nga, noong bata pa ako ay hindi ako nakapanood ng pelikula ni Rufa, yung Super B. "Iyong mga kapatid ko nanood, pero pinaiwan ako ng tito ko dahil kailangan kong maglinis ng bahay, kaya iyak ako nang iyak. "Talagang naka-fetal position ako dahil feeling ko ay kawawang-kawawa ako," muwestra pa niyang nakabaluktot ang katawan na animo fetus habang natatawa. "Kaya nang na-meet ko si Rufa at nakatrabaho ko siya, ang saya-saya ko talaga. "At nalaman ko na nakakatawa pala talaga sa personal si Ms. Rufa. "Na-realize ko na ganoon pala talaga siya, natural pala talaga sa kanya ang ganoon." Sino pang komedyana ang pangarap niyang makatrabaho sa pelikula? "Si Ms. Ai-Ai [delas Alas] po, di ko pa siya nakakasama. "I'm sure may mapupulot ako sa kanya dahil sa galing niya bilang komedyante. "Isa kasi siya sa pinakamagaling natin. Kumbaga, classic si Ms. Ai-Ai kaya isa rin siya sa idol ko. "Hopefully ay makatrabaho ko siya next year. "And of course, isa pang gusto kong makatrabaho uli at idol ko rin ay si Ate Uge [Eugene] dahil talagang ang paghihiwalay namin sa Jejemom ay biglaan, e. "Hindi namin talaga ine-expect ang ganoon na sa text lang kami bale nakapag-communicate at nakapag-bye-bye [nang nawala ang show]. "Kaya ang lungkot naming sobra talaga. "Marami akong natutunan kay Ate Uge. "Number one ay kung paano makipagtrabaho sa isang tulad ni Eugene Domingo. "Kasi noong una talaga, hindi ako makaarte noong kaeksena ko siya. "Kaya nang nakaeksena ko na sina Ms. Gloria Romero, mas kaya ko na po, mas may confidence na po ako. "At nakuha ko ito kay Ate Uge at marami talaga siyang itinurong idea sa akin sa Jejemom. "Ginawa niyang mas madali ang trabaho para sa akin at wala siyang ere talaga." Okay lang ba na ang maging image niya ay parang kikay na praning na babaeng bakla? "Okay lang po 'yon, kahit naman kasi ano'ng role ang ibigay sa akin ay nakaka-challenge at learning experience." MY KONTRABIDA GIRL. Ikinuwento rin ni Chariz sa PEP ang ginagawa niyang pelikula na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica mula sa GMA Films, ang My Kontrabida Girl. "And dito po, maraming artista ang lalabas ng cameo roles. "Pero ako po, PA/best friend ni Rhian. "Artista po kasi si Rhian dito na isang kontrabida," banggit ni Chariz. Hindi ba magpapahinga raw muna si Rhian sa showbiz? Paliwanag ng comedienne, "Kasi po sa movie na ito, hindi rin naman siya sinasagad. "Naka-dalawang shooting na kami, pero hindi lagi, depende pa rin sa schedules ni Rhian." Bukod sa My Kontrabida Girl, kasama rin si Chariz sa upcoming primetime series na Legacy. Gaganap siya rito bilang kaibigan ni Lovi Poe. Anong mga role ba ang gusto niyang natotoka sa kanya? "Gusto ko iyong My Kontrabida Girl, ang ganda ng istorya nito, kasi gusto kong maging kontrabida, e, pero comedy pa rin. "Iyong tipong nakakainis, pero may comedy... "Kasi si Ate Uge, ginagawa niya ang mga ganoon dati at natutuwa ako sa kanya. "At saka gusto ko rin, sana mabigyan ako ng mga project na may aksiyon." CHANGES. Ano'ng masasabi niyang pagbabago ang ginawa ng showbiz sa kanyang buhay? "Parang bagong buhay po, sobra...at saka ang daming natulungan ng kinikita ko. "Siyempre ang mga kapatid ko, nalipat ko sila sa mas magandang bahay. "Dahil dati ay maliit lang ang bahay namin, e, parang masyadong masikip, pero ngayon ay mas maluwag na. "So, kahit may mga negative na nangyayari, may natututunan ako doon, e. "And definitely, malaki ang dapat kong ipagpasalamat dahil binago ng showbiz ang buhay ko, for the better. "Kaya thank you, showbiz, salamat!" pabungisngis na pagtatapos ni Chariz. -- Nonie Nicasio, PEP