Ngayong Pasko, may nararamdamang lungkot si Rufa Mae Quinto dahil ito ang unang Christmas na ipagdiriwang nila ng kanyang pamilya na wala ang minamahal nilang si Luisa Vergara Peña—o mas kilala bilang si Lola Lucing. Pumanaw noong August 8, 2011, ang lola ni Rufa Mae dahil sa sakit na colon cancer. She was 86 years old. Inamin ng sexy comedienne na labis siyang nasaktan nang mawala ang taong itinuring niyang isang tunay na ina. Sabi ni Rufa Mae, "Lahat naman ng close sa akin, alam nila kung gaano ko kamahal si Mama Lucing. "Mawala na ang lahat sa tabi ko, mawalan na ako ng kakampi, basta si Mama nasa tabi ko, masaya na ako." Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae sa taping ng Christmas episode ng
Showbiz Central noong December 18. Dagdag pa niya, "Proud kong sabihin na lola's girl ako. "Si Mama [Lola Lucing] kasi ang nagpalaki sa akin. Siya yung nakalakihan kong nanay ko. "Lahat ng nangyari sa buhay ko, alam ni Mama, kaya masakit para sa akin na mawala siya. "Kaya ngayong Christmas, parang ang hirap isipin nga na she's gone. "Every Christmas kasi, may party sa bahay. Kahit kami-kami lang. Ang dami naman kasi namin. "Magpapa-raffle pa 'yang si Mama. Kaya ang saya-saya namin every Christmas. "Ngayon, medyo tahimik kami, kasi nga malungkot ang lahat. "Mahal naming lahat si Mama kaya saan man siya ngayon, alam ko na gusto niyang maging happy kami ngayong Pasko. "Kaya we will do our best para kahit papa'no, kahit wala na si Mama, merry pa rin ang Christmas namin."
SWAK NA SWAK. Hindi lang ang pagkamatay ng kanyang Lola Lucing ang malungkot na nangyari kay Rufa Mae nitong 2011. Ito rin ang taong makipaghiwalay siya sa kanyang mystery fiancé, na si Mr. M. Sabi nga ni Rufa Mae, suwertihan talaga kung mahanap mo ang tamang partner sa buhay mo. Nagkakataon daw na hindi siya compatible sa mga lalaking naiuugnay sa kanya. "Sabi nga nila, tsambahan lang, di ba? Yung tipong swak kayong dalawa sa isa't isa. "Yun ang hindi ko mahanap, yung swak sa akin!" sabay tawa niya. "Nakakatawa nga, di ba? "Ako itong dapat matagal nang ikinasal, pero mas nauna pang ikinasal si Regine [Velasquez-Alcasid] at si Pia [Guanio-Mago] kesa sa akin. "'Tapos, kelan lang, sila Jolina [Magdangal-Escueta] at Kyla [Alvarez] naman ang mga kinasal na. "Parang, 'Ano ba?' di ba? "Kaya naniniwala ako sa destiny. Kung siya yung nakatakda sa 'yo, kayo talaga, kaya swak! "Pero, who knows? Baka next year, doon ko na mahanap ang taong swak sa akin. Yung dadalhin ako to the highest level!"
EXTREMELY CLOSE. Hindi pa ba si Boy 2 Quizon iyon na matagal nang nababalitang karelasyon niya? "Extremely close lang kami ni Boy 2," mabilis na sagot ni Rufa Mae. "Tsaka na-mention ko naman na business partners kami, kasi nga babalikan ko ang pagiging producer via Brown Sugar Production. "Kami-kami nila Boy 2 at ibang mga friends namin. May gagawin kaming movies, TV shows, at albums. "Marami kaming pagkakaabalahan in 2012 kaya watch out na lang for us. "Kaya mahirap na to mix business with pleasure, di ba? "But, of course, I am not closing my doors or my windows!" sabi ni Rufa Mae na sinundan niya ng malakas na tawa. Ipinapagpasalamat na lang ni Rufa Mae na hindi siya nawawalan ng shows sa Kapuso Network. Bukod sa
Showbiz Central at
Bubble Gang ay nasa cast si Rufa Mae ng early primetime series na
Daldalita. Bago iyon ay nakasama siya sa telefantasya na
Dwarfina. --
Ruel J. Mendoza, PEP