ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

A gunshot killed actor Tyron Perez


Isang tama ng bala mula sa 'di nabanggit na kalibre ng baril sa kanang bahagi ng ulo ang kumitil sa buhay ni Tyron Perez. Ayon kay Senior Inspector Arthur Quiñonez ng Valenzuela City police, ito raw ang findings ng mga imbestigador ng SOCO (Scene of the Crime Operative). "Suicide" ang tinitignang anggulo ng pulisya, lalo pa't "self-inflicted" umano ang gunshot. Pero hindi pa rin daw tinatanggal ang posibilidad na "set up" ang nangyari. Natagpuang wala nang buhay ang Starstruck alumnus sa loob ng isang Toyota Altis na nakaparada sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela. THE WIFE'S TWEETS. Naulila ng aktor ang kanyang asawa na si Liv Espino, isang flight attendant na pinakasalan niya noong May 27, 2009. Sa Twitter account ni Liv, tila hindi pa rin daw siya makapaniwala sa nangyari. Ang kanyang tweet bandang alas nuwebe ng umaga: "The hardest part of the day is choosing a casket for a husband and a best friend. Now everything is starting to sink in. Unimaginable!" Noong December 17, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tyron sa isang event na naganap sa Vigan, Ilocos Sur. Aniya, wala pa raw silang Christmas plans ng kanyang misis dahil "magkalayo sila." Noong December 20 naman, nag-tweet si Liv tungkol sa isang kotse na umano'y ninakaw sa kanya. Ayon sa kanyang public post: "My car has been stolen!If u see a Black Toyota Altis 2009 Model with plate number ZSP875,pls report it to authorities right away! Thank you!" Dumating ito ng bansa noong December 22, ayon na rin sa kanyang Twitter: "Landed last night, but just got home... I lost a car but I gained amazing people who love & appreciate! Thank you,Lord! I love you! Mornyt!" Sa report ng Radyo Inquirer, nag-Pasko raw ang Kapamilya actor sa tahanan ng isang malapit na kaibigan sa Barangay Ugong, Valenzuela. Sa tweet naman ni Liv, nag-"Christmas dinner" daw ang flight attendant kasama ang kanyang pamilya. May mga nagtatanong ngayon kung may sigalot sa relasyon ng mag-asawa. Bukas ang website na ito sa anumang pahayag ng maybahay ni Tyron. Inaabangan din ng PEP ang magiging pahayag pa ng mga awtoridad, na sa ngayon ay tumutingin sa anggulong suicide. -- Karen A. Pagsolingan, PEP
Tags: tyronperez