Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young male star na si Dion Ignacio nitong January 6 sa Marilao, Bulacan. Ito ay sa taping ng epicserye na
Amaya. Ang unang itinanong namin kay Dion ay kung ano ang masasabi niya sa panibagong dagok sa batch 1 ng
StarStruck na kung saan nagmula si Dion. Ang naturang dagok ay ang pagkamatay ni Tyron Perez kamakailan. "Comment ko dun, yung problema... hindi ko din alam kasi wala rin akong..." Hindi ba sila close ni Tyron? "Close kami pag nagkikita kami." Hindi siya nakapunta sa burol at libing ni Tyron. "Hindi ako nakapunta, nasa probinsiya ako, e. "Wala rin akong communication sa kanya, hindi rin kami nagkikita pero siguro kung nag-o-open siya sa aming mga kaibigan niya, hindi sana magkaka-ganun, e. Matutulungan din namin [siya]. Puwede naming iinom yan e, 'Iinom na lang natin yan, magkita tayo, huwag kang pakamatay!' "Isa lang buhay natin, pag 'Pak!', wala ka na. "Wala talaga kaming komunikasyon, e. Close kami pag nagkikita."
PREGNANT NEWS. On a different note, may tsismis na may nabuntis daw si Dion. "Nabuntis? Wala! Wala na kami ng girlfriend ko, pero alam ko hindi siya buntis." Mahigit isang taon na raw silang hiwalay ng ex-GF niya na hindi taga-showbiz. "Ganyan talaga, e. Tadhana lang makapagsasabi niyan, e." Magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon. Wala raw GF si Dion ngayon. Tinanong naman namin kung totoo bang naging girlfriend niya ang EB Babes na si Saida. "Hindi, hindi, wala iyon. Kakilala ko dati yun. Parang kakilala ko lang nung hindi pa nagsu-showbiz." Nag-date raw sila dati. "Dati, parang labas-labas pero wala lang yun, hindi naging kami. Magkakilala lang, nag-date lang, ganun lang." Matagal na raw silang hindi nagkikita.
ON AMAYA. Ang hindi makakalimutan ni Dion sa
Amaya ay ang pagiging malapit nilang lahat sa cast. Magtatapos na ang nasabing epicerye next week sa GMA-7. "Ito yata yung show ko na parang lahat naging close ko. "Iyon ang hindi ko makakalimutan, yung bonding, yung saya. "Ito yung show na isang taon, buong 2011, nagtatrabaho ako ng dire-diresto. "Ito yung longest show na masasabi ko kasi nga halos buong 2011... halos buong December panay taping, hindi na namin masyadong naramdaman yung December, e. "Tapos ang galing ng direktor namin, si Direk Mac [Alejandre], sobrang ramdam ko yung mga ginagawa ko sa in-instruct niya. "Siguro iyon yung magmamarka sa akin." Si Mike Tan ay nabigyan na ng chance na magbida sa
Kung Aagawin Mo Ang Langit, isang afternoon soap sa GMA-7. Dion is one batch ahead ni Mike, but the former has yet to be launched as a major lead star. Hindi ba siya nagtatampo sa GMA o naiinggit kay Mike? Hindi ba siya nag-aasam na maging bida rin? "Oo, kahit sino namang artista inaasam na maging bida. Pero hindi ako naiinggit kay Mike. Okay lang. Life goes on," at tumawa si Dion. "Siguro pana-panahon lang yan. Kasama naman ako sa
The Good Daughter after nitong Amaya. "Okay lang na dahan-dahan lang, baka mamaya mabigla ka e, pag minadali. "Okay lang yung ganito, walang masakit sa damdamin ko, walang ganun." Si Nadine Samonte na ka-batch rin niya sa
StarStruck ay big star na, lalo pa nang lumipat ang female actress sa TV5. "Siyempre happy ako kasi ka-batch ko rin yun tsaka kabigan ko rin si Nadine." Hindi pa raw ino-offer-an si Dion ng TV5. Hanggang February of 2012 ang kontrata ni Dion sa GMA-7. Kapag in-offer-an siya ng TV5... "Parang okay pa ako sa GMA, e. After ng
Amaya, meron [pa akong project]. "Malay mo ngayon pa lang papataas [ang career niya], 2012, 2013, 2014, di ba?"
HE'S USED TO IT. Sanay na raw si Dion na mag-bahag bilang si Kuling sa
Amaya. "Oo! Nung umpisa hindi, feeling ko... naartehan nga sa akin si direk nung una. Sobrang nag-sorry nga ako sa kanya. "Pero lahat naman kasi nakabahag, tsaka hindi naman pinapansin, okay lang naman, hindi naman pinagtatawanan. "So nasanay na ako, nung bandang huli, sumasayaw-sayaw na ako, bumubuka-bukaka na ako, natatawa na si direk." Handa na ba siya gumanap sa mga daring at sexy roles? "Hindi, ayoko pa! Siguro ganito, ito yung pinakagrabe lang. "Parang maganda rin yung value, di ba? So hanggang bahag lang, kung may role na Igorot, kaya ko yun kasi nasanay na ako dito sa Amaya." Gumanda ang katawan ni Dion, pumayat siya at nagkaroon ng muscle. "Ngayon actually, pumayat, tapos bumabalik, kaya after nitong
Amaya, ayun na magdidiretso na yung work-out ko." Isisingit niya raw ang pagdyi-gym sa taping naman niya para sa
The Good Daughter nina Kylie Padilla at Rocco Nacino na kung saan mabait ang papel ni Dion. "Oo mabait na mayaman, tapos girlfriend ko si LJ Reyes. Tapos magkakagusto yata ako kay Kylie, ewan ko, wala pa akong script. "Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan ko," kuwento ni Dion tungkol sa bago niyang show sa Kapuso network. At least back-to-back ang shows niya. "Blessings ni God yan." Hindi pa raw ino-offer-an si Dion ng TV5. Hanggang February of 2012 ang kontrata ni Dion sa GMA-7. Kapag in-offer-an siya ng TV5... "Parang okay pa ako sa GMA, e. After ng Amaya, meron [pa akong project]. "Malay mo ngayon pa lang papataas [ang career niya], 2012, 2013, 2014, di ba?"
HE'S USED TO IT. Sanay na raw si Dion na mag-bahag bilang si Kuling sa Amaya. "Oo! Nung umpisa hindi, feeling ko... naartehan nga sa akin si direk nung una. Sobrang nag-sorry nga ako sa kanya. "Pero lahat naman kasi nakabahag, tsaka hindi naman pinapansin, okay lang naman, hindi naman pinagtatawanan. "So nasanay na ako, nung bandang huli, sumasayaw-sayaw na ako, bumubuka-bukaka na ako, natatawa na si direk." Handa na ba siya gumanap sa mga daring at sexy roles? "Hindi, ayoko pa! Siguro ganito, ito yung pinakagrabe lang. "Parang maganda rin yung value, di ba? So hanggang bahag lang, kung may role na Igorot, kaya ko yun kasi nasanay na ako dito sa Amaya." Gumanda ang katawan ni Dion, pumayat siya at nagkaroon ng muscle. "Ngayon actually, pumayat, tapos bumabalik, kaya after nitong Amaya, ayun na magdidiretso na yung work-out ko." Isisingit niya raw ang pagdyi-gym sa taping naman niya para sa
The Good Daughter nina Kylie Padilla at Rocco Nacino na kung saan mabait ang papel ni Dion. "Oo mabait na mayaman, tapos girlfriend ko si LJ Reyes. Tapos magkakagusto yata ako kay Kylie, ewan ko, wala pa akong script. "Hindi ko pa alam kung ano ang pangalan ko," kuwento ni Dion tungkol sa bago niyang show sa Kapuso network. At least back-to-back ang shows niya. "Blessings ni God yan." -
Rommel Gonzales, PEP