ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AI update: Jessica Sanchez amazes anew with 'Everybody Has A Dream'


Umariba na naman sa American Idol Season 11 ang galing ng ating kalahi na si Jessica Sanchez. Napahanga na naman kasi ang audience at judges nang kantahin ni Jessica ang Billy Joel classic na "Everybody Has A Dream." Ang kantang ito--kahit na hindi kasing-popular ng ibang kanta ni Billy Joel, tulad ng "Just The Way You Are," "She's Always A Woman," at "Honesty"-- ay kinukonsidera ng music critics bilang isa sa mga mahuhusay na obra ni Joel mula sa kanyang 1977 album na The Stranger. Para sa week na ito, ang mentor ng contestants ay ang rapper-producer-fashion mogul na si P. Diddy, na dati namang boyfriend ng A.I. judge na si Jennifer Lopez. video uploaded in YouTube by IdolxMuzic Tinapat ni Diddy si Jessica sa mentoring session na hindi siya naniniwala rito. Masyado raw kasing ma-vibrato at masyadong ma-effort. Hinamon ni Diddy si Jessica na pa-believe-in niya ito. At nagtagumpay naman si Jessica. Sa performance naman ni Jessica, mahusay niyang nakanta ang "Everybody Has A Dream" na nagmukha tuloy ginawa ang kantang ito para lang sa kanya. Ito kasi ang mismong komento ni Jennifer pagkatapos ng nakakakilabot na rendition ni Jessica ng klasiko ni Joel. "I love that song, like it was written for you," sabi ng babaeng A.I. judge. "Like he [Billy Joel] wrote that song for you a long time ago. "That was like a defining moment for you, for me. A defining song. "'Cause I really feel like, that's you. You have this dream, and you're here. You're seizing the moment and you're living it in every second and we get to feel that. That's a beautiful thing. Congratulations!" dagdag pang paghanga ni J.Lo. -- PEP