Nagsimula na nitong Martes, April 18, dakong ika-8:30 ng umaga, ang unang araw ng shooting ni Nora Aunor, sa pamamahala ni Direktor Brillante Mendoza, ang
Thy Womb (working title). Ito ang kinumpirma ni Boy Palma, Nora's personal manager, nang kontakin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Nasa isla ng Tawi-Tawi ang buong grupo nina Nora, Kuya Boy, Direk Brillante at buong cast, staff at crew ng
Thy Womb, para sa principal photography ng indie film na inaasahang matatapos ang shooting sa April 30. Nasa shooting set mismo si Boy Palma, sa tabing dagat, nang sagutin niya ang tawag ng PEP.ph. "Magsu-shoot na sila! Guy [Nora's monicker] looks like a Badjao na!" masayang pagbabalita pa ni Kuya Boy tungkol sa kaganapan sa set, at sa hitsura ngayon ni Ate Guy. Ginagampanan ng Superstar ang papel ng isang katutubo (Badjao) na mula sa south; kabilang sa liping minorya, sa kaduluduluhang bahagi ng Pilipinas, ang isla ng Tawi-Tawi. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maging "mahaba ang buhok" ni Ate Guy. "Wala palang Badjao woman na maiksi ang buhok. Part ng kultura at tradisyon nila. And they don't believe in seeking medical treatment, in hospitals." Ang papel ni Nora ay isang Badjao at katutubong hilot o komadrona (midwife). Siya ang nagpapa-anak sa mga babaeng kagampan at mayroong tradisyong sinusunod ang mga kasalukuyang miyembro ng naturang lipi. Nabalitaan ng PEP na totoong magpapaanak si Ate Guy na bahagi ng ilang mahahalagang eksena sa pelikula. Kaya nang umalis papuntang Tawi-Tawi ang grupo nina Ate Guy at Direk Brillante, naghihintay na doon ang mga fans ni Nora pati na ang mga buntis na malapit nang magsilang. "Pitong buntis ang naka-linya," wika ni Direk Brillante nang makausap din ng PEP.ph noong April 14, minutes before mag-take off ang eroplanong sasakyan nila ni Ate Guy. Isa namang PEP source mula sa produksiyon ang nagsabing naaalagaan ng husto ang mga pregnant women. Sa katunayan, ang isa sa kanila ay kailangang kunan sa aktuwal nitong pagsisilang ng sanggol. Cannes Film Fest award-winning director, Brillante Mendoza, opts for authenticity in his new indie film project, kaya mala-dokumentaryo din ang magiging approach niya sa pag-depict sa buhay o kultura ng mga Badjao.
ADDING HAIR EXTENSIONS. Maging sa "physical look" ni Ate Guy, ginusto ni Direk Brillante na maging mas natural at totoo ang mahabang buhok nito, sa pamamagitan ng mas magastos at mabusising pagkakabit ng hair extension kay Nora. "Naku, ang cute-cute ni Nora sa mahaba niyang buhok!" naibulalas naman ni Ms. Glenda Kennedy, ang personal friend and confidante ni Nora Aunor, na mayroon ding mahalagang papel sa
Thy Womb. "Ang shooting namin ay sa Badjao Village, kung saan nakatira sina Nora at Bembol [Roco]. "Ang role ko ay... daughter ko si Lovi [Poe]!" masayang pagbabalita rin ni Manay Glenda. "Sobra akong sinu-suwerte talaga! Ang bait ni God sa akin!" Nabanggit din ni Manay Glenda sa PEP, through text message, na "the other day (April 15), lahat kami nina Guy ay nag-swimming under the heat of the sun, for several hours... "Pero baka lagyan na lang ako ng dark make-up, kasi ayaw umitim ng skin ko, kahit magbabad ako sa init maghapon!" When asked kung ano ang mga inaasahan at inaasam niya sa bago niyang pelikula: "Maging maayos po ang takbo ng aming shooting... at matapos nang walang aberya." Sa telepono ay maganda at masigla ang boses ng superstar, tanda ng maayos na pahinga bilang paghahanda sa gagawin.
IMMERSION. Bahagi ng preparasyon nina Nora Aunor at mga kasamang artista, tulad nina Lovi Poe, Mercedes Cabral, at Bembol Roco, among other native actors, ang immersion sa buhay at kultura ng mga Badjaos [liping minorya sa Mindanao]. Ang mga Badjao ay nakatira sa mga native huts na nakalutang sa tubig; wala silang mga pag-aaring lupain na pinagtatayuan ng kanilang mga bahay. Kaya ang pagsasagwan ay bahagi ng kanilang gawain at kaalaman; na pinag-aralan nina Nora at Bembol sa unang araw ng paghahanda nila sa kanilang papel bilang mag-asawa. "Natuto na si Guy magsagwan at maghabi [weave] ng banig," pag-inform din ni Boy Palma. Noong unang araw ng pagdating ng grupo sa Tawi-Tawi ang unang araw din ng immersion. Ang Yaya Amy naman ni Ate Guy ang nagbalita sa PEP: "Nagpunta na kami sa Badjao [village]. Pinag-aaralan ni 'ma'am' [tawag ni Yaya Amy kay Nora] ang lahat ng mga ways nila; nag-aaral sila ni Bembol magsagwan... "Masayang-masaya si 'Ma'am' [Nora]!" pagtukoy pa ni Yaya Amy. Sina Lovi at Mercedes Cabral ay mayroon ding mga sariling paghahanda, akma sa papel na gagampanan. Anupa't higit ang demands sa aspetong emosyunal ng mga tauhang gagampanan ng mga major actors ng
Thy Womb. Puno ng reserbadong emosyon ang nag-iisang superstar, dahil sa maraming masalimuot na karanasan niya sa buhay, sa kanyang edad (nearing 58 years old) at mahigit na apat na dekadang pagiging bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino. --
William Reyes, PEP