Rocco Nacino, bida sa indie bilang Lam-ang, costume niya ay bahag
Ginagampanan ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang karakter na Lam-ang sa isang independent film o indie na sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy ang pag-shooting sa Ilocos Sur.  Sa indie na Biag ni Lam-ang, si Rocco ay nasa direksyon ni Anna Abagin. Makakasama ni Rocco si Rochelle Pangilinan bilang leading lady.  Ang Biag ni Lam-ang ay isang epikong Ilokano ni Pedro Bukaneg tungkol sa buhay ni Lam-ang, isang malakas at matapang na lalaking mandirigma. Isinilalaysay sa wikang Ilocano ang orihinal ng epiko.  Puspusan ang preparasyon  Ayon sa ulat ni Jojo Gabinete ng PEP.ph, bahag lamang ang costume ni Rocco sa bago niyang pelikula.  Alam ng aktor na ito ang costume niya kaya pinaghandaan niya ito.  Naging madalas ang pagpunta ni Rocco sa gym upang mawala ang mga ekstrang timbang.  Kasama ang boxing at ilang martial arts para sa preparasyon niya sa mga fight scenes ng indie film.  Nitong Abril 27 lamang ay isinugod siya sa isang hospital sa Ilocos Sur dahil namaga ang kanyang mukha at mga pantal sa katawan dahil sa pagkain niya ng tahong at exotic food na itlog ng malalaking langgam o mountain ants mula sa Ilocos.  Ayon sa text message ni Rocco sa PEP.ph: "Well, my face is swollen. Pero doctor says Iâll be fine basta ituloy ko yung gamot na ininom ko kanina. Eto puro pantal ang katawan. Namamaga ang leeg at mukha." â Mac Macapendeg/ELR, GMA News