Tatlong araw ginanap ang audition para sa National Capitol Region (NCR) leg ng
Protégé, ang reality show ng GMA-7, sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City. Nagsimula ito noong Lunes, June 18, at natapos nitong Miyerkules, June 20. Ginanap ang call back nitong Miyerkules para sa mga napili noong unang dalawang araw. Dito na dumating at namili nang personal ang NCR mentor na si Roderick Paulate ng magiging protégé niya. Bukod kay Roderick, ang iba pang mentors sa second season ng
Protégé ay sina Ricky Davao (North Luzon), Gina Alajar (South Luzon), Jolina Magdangal (Visayas), at Phillip Salvador (Mindanao). Nagpakita na ng excitement si Roderick nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na bumisita sa audition. Aniya, âActually, kaya kami excited, parang ganoon ang tema⦠magkakaibigan kami, pero kailangang makakuha kami ng magagaling na artista. âNa bata pa lamang, pero masasabi nating potensiyal at panlaban talaga. âThatâs why siguro, kung makukuha ko rito ang mga breed of new stars, I will really talk to them. Mag-uusap kaming talaga. âKakarerin natin âto at kung sino ang lalabas na magsa-shine sa kanila." Bilang mentor, ano ang hinahanap ni Roderick sa kanyang magiging protégé? âOf course, ever since naman sa entertainment industry, plus factor talaga ang ganda, di ba? Plus factor talaga yung guwapo. âPlus factor talaga yung may tindig. Siyempre, pati yung looks at height niya. âBut ako, aside from that, hahanapin ko talaga yung may acting ability. Parang yun ang gusto kong makita rito. âPara naman yung character niya, hindi lang siya maganda, may texture. âMerong kakaiba sa kanya na makikita mo na dapat ilabas doon sa batang yun. âI believe, kung puro ganda lang âyan, maraming papalit na maganda. âKung guwapo lang âyan, maraming papalit na guwapo." Dagdag na paliwanag ng veteran actor, âAko, naniniwala ako dito na ang hinahanap ko, yung tatagal sa industriya. Na sasabihin niya na, âI am an actress and I am also a star.â âYun ang gusto ko, hindi pang pang-star, pang-actress din. âI really believe dito sa industriya natin, kailangan din natin na maka-produce tayo ng magagaling na artista. Hindi lang pa-cute. âSana, yun ang makita ko dito."
THE EYES. Sa mga nag-audition sa MOA, may mga nakita raw si Roderick na may mga potensiyal. âMas tinitingnan ko ang mata nila. Mas tinitingnan ko kung may sincerity. âThatâs why kanina, pinapa-close-up ko, gusto kong makita habang nagsasalita sila. âMadali kasing magsalita na ni-rehearse nila yun. âAt the same time, ang isa palang basehan ko kanina⦠parang excited ako âno?" biro niyang pansin sa sarili. âWell, of course, isa sa basehan ko kanina, kinu-konsider ko ang pananalita. âNaniniwala ako that a good actress, a good actor, dapat magaling sa pagbigkas. âVery important sa akin ang delivery of lines." Noon daw ay dumaan din si Roderick sa pag-o-audition. Yung ikalawang pelikula raw niya sa Lea Films ay nag-audition siya. âNakaka-relate ako. Although, of course ngayon, parang mas provided sila. âPero kami noon, parang nakakatakot yung mga director, parang âImpress us!â Ganoon, e. âNgayon, weâre very kind to them. We help them. We support them. â Ayon kay Roderick, hindi pa sila nagkikita ng mga kapwa niya mentors. Pero sabi rniya, âNoong nalaman ko na sila, na-excite ako. At gagalingan din namin kung sino ang mapipili namin." Aware si Roderick na bukod sa Protégé, may mga artista search din ang ibang networks. âYeah, pero ako, okay lang yun. Kasi, masaya naman ako para ma-accommodate naman. May mga station naman. âBasta at the same time, magaling lang. Dapat lang talaga. âAko, gusto ko itong mga batang ito, 60 sila, pero mukhang marami pa."
POLITICAL CAREER. Bukod sa pagiging artista, si Roderick ay naninilbihan ngayon bilang konsehal sa District 2 ng Quezon City. Unang termino pa lang niya ngayon, pero binabato na siya ng mga intriga sa pulitika. Nariyang may ghost employees daw siya. Aniya, âOkay lang âyan. But I will answer that in a proper venue, not in entertainment world. âIâm working. So, medyo may mali na, di ba? Isipin nâyoâIâm working," Basta hinihintay lang daw niya ang tamang panahon para mas malinaw ang lahat. Pero kung papansinin daw, may mga ibang kalaban siguro siya sa pulitika na ginagawan siya ng intriga para mapag-usapan. Sa kabila kasi ng intriga kay Roderick sa panunungkulan niya bilang konsehal, nangunguna siya sa isinagawang surveys sa apat na magkakaibang posisyon. âWell, I am learning. Bago ako, e. âPero ang sa akin lang, as long as you know yourself, let it be. âKasi kung hindi, magmumukmok ako, hindi nâyo na ako makakausap. Wala na ako sa
Protégé. âSo, you know how I am. Alam nâyo kung papaano ko hina-handle, ito na yun." Siguradong tatakbo pa rin daw siya sa 2013 elections. âOh, yes. And actually, nasagot ko na âto." Nakita ba niya ang kaibahan ng intriga sa politics at sa showbiz? âI guess so," sambit ni Roderick. âKasi before naman ako, may nakausap na kayong ibang artista diyanâsi Vilma [Santos], si Bong [Revilla]⦠âSo, you know, sinasabi nila na mahirap. Kasi mahirap kapag artista dahil mas pinag-uusapan. âKatulad ngayon, tinatanong mo âko, pero kung [kay] Juan dela Cruz nangyari ito, hindi mo tatanungin. âYouâre interested kasi showbiz ako. Gusto nâyo pag-usapan, ma-news. âBut because itâs their job to write, gusto nila." Dugtong niya, âYou know what, I tell you the truth⦠âKaya rin naman iniiwasan ko ang masyadong magsalita, less talk, less mistakes. âKasi, alam naman ng marami nating kaibigan na pinupulitika ako. âGusto lang ng tsismis para makarating hanggang election, pag-usapan, di ba? So, âwag ganoon. âI have friends in the industry na naiintindihan nila na letâs not talk about it." Hindi ba siya nangangamba na baka gamitin yung mga intriga na yun laban sa kanya, lalo na sa susunod na eleksiyon? âHindi naman. Kasi ito ang nakakatakotâmaganda ang rating ko pa rin kahit na ginagawan tayo ng mga tsismis. âKasi, nagna-number one, nagna-number two, kaya titirahin ka. âSo, hindi ko alam, thatâs why I keep quiet." Ano ba ang natutunan niya sa mga nangyayari? âDapat shut up!" natatawa niyang sabi. --
Rose Garcia, PEP