Frank Magalona, balik teleserye sa 'Hindi Ka Na Mag-iisa'
Ang unang serye ni Frank Magalona bilang isang Kapuso ay ang "Blusang Itim", kung saan naging kapareha siya ng bidang si Kylie Padilla. Pagkatapos nito ay puro guestings na raw sa GMA-7 ang ginawa niya sa loob ng halos dalawang taon. Ngayon lang siya ulit nabigyan ng isang regular show, ang afternoon soap na "Hindi Ka Na Mag-Iisa". Nakaramdam ba siya ng pagkainip sa mga panahong wala siyang regular series? “Hindi naman. Kasi, ako naman yung hindi ko naman pipilitin ang sarili ko. “Hinihintay ko lang na dumating sa akin ang mga blessing. “Right now, I’m very blessed na dumating sa akin ang opportunity na ‘to na lumabas ulit sa TV… na may bagong project. “Tuwang-tuwa ako na nakasama akong muli sa isang bagong proyekto na handog ng GMA-7.” Dugtong niya,“Although, hindi ko rin naman naiwasang hindi kuwestuyunin ang sarili ko na, ‘Bakit kaya ganoon?’ “Pero para sa akin, God has plan for you. "So ako, I just go with the flow. At the same time, I was also planning to do short film. “Shoot, produced short film, yung ganoon.” May mga kaibigan daw siyang young directors at siya naman ay isang Fine Arts graduate sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. “So siguro, natural lang na magkaroon ako ng idea na ganito. If ever, I’ll be the one acting in the film." Dati raw, noong nabubuhay pa ang ama ni Frank na si Francis Magalona, involved din daw siya sa paggawa ng mga music videos nito. “I used to accompany him. Tinutulungan ko siya sa mga craft niya. “After that, ngayon, parang gusto ko rin gumawa ng creation of my own. Like with video, short film.” His co-stars Si Frank ang lalabas na ka-love triangle nina Jennylyn Mercado at Sid Lucero sa "Hindi Ka Na Mag-Iisa". Ito ang unang beses niyang nakasama sina Jennylyn at Sid. Kuwento ni Frank, “Sid and I, we’re busmates in Ateneo. I was in grade school and he was already in high school. Pero magkasabay kami sa school bus. Yun. “Whatever happens regarding this love triangle, I will do my best to keep up with what the director wants to happen.” Kumusta naman sila ni Jennylyn? “Okay naman. Si Jennylyn, madaling makatrabaho. Magaan makatrabaho. “Si Sid, hindi ko pa siya nakakasama sa shoot, pero nagkita kami sa storycon.” Kapuso leading man Bini-buildup ba siya ng Kapuso network bilang isang leading man? “Siguro, pero ako kasi, gusto ko rin mag-play ng ibang character. "Pero kung igu-groom nila ako as leading man, siyempre ako, sobra akong… well, I’m really speechless na nagu-group ako sa ganoong level. “Pero ako, being the person, given this kind of opportunity, I will really take advantage of it and do my best just to show them that I deserve what has been given to me.” Not guilty Nadawit ang pangalan ni Frank sa “gulo” sa pagitan nina Albie Casiño at Andi Eigenmann sa Fiamma bar sa Makati ilang buwan na ang nakalilipas. Ang pangalan ni Frank ang isa sa unang nabanggit na diumano’y nambugbog kay Albie. Pero mabilis na nilinaw noon ni Frank na walang katotohanan na kasangkot siya rito. “Wala na akong naririnig na balita, e. The last time ko lang na narinig, yung mommy ni Albie. "Parang yun nga, lumabas kami sa TV, sa GMA and then sa ABS lumabas yung names namin. “Nagulat talaga ako na pinpointed ako. In the first place, I never saw Albie that night. “And you know, wala talaga, walang witness. No one could really say. "Ako, I cannot say what happened that night because I didn’t see anything. “Andi was there. She’s my friend but not my close friend. I said hi to her and that’s it. “I wasn’t with their group and I never saw Albie that night. Pero after that, parang wala na akong narinig na balita.” Hindi naman daw naapektuhan si Frank ng pagkakadawit ng pangalan niya sa isyu dahil alam naman daw niya sa sarili niya ang totoo. “Alam ko naman na I’m not part of it and God knows too. I’m just really confident about my disposition. “At saka, never pa naman akong napa-trouble. Actually, kahit i-check n'yo. "Like yung issue na yun, considered yun as bar brawl. "Pero kahit i-check n'yo sa kahit anong bar here in Metro Manila, I’ve never been a part of any incident like that." Love life? Sa usaping puso naman, tatlong taon na raw na single si Frank. “It’s my choice and I’m happy naman being single. So for me, happiness is a choice and I choose to be happy." Wala rin siyang dini-date? “Ako naman, hindi naman kasi ako yung nakikipag-date nang formal. Informal kasi akong makipag-date, so yun. "Hang out but nothing really serious for the past three years.” Ano ba ang hinahanap niya sa isang babae? “I think, I just haven’t found the right one for me. Basta ang sa akin, dumarating kasi. “Dumarating lang talaga kahit sabihin nating attraction is initial. Pero para sa akin, kahit maganda ang babae, parang bonus na lang yun. “Kumbaga, talagang ang hinahanap ko, ugali. "Sociable ako, pero wala pa lang talaga akong nahahanap na magpapatibok ng puso ko,” saad ni Frank. — PEP.ph