Bumabandera sa Facebook, partikular na sa grupo ng mga bading, ang sexy photo ni Rocco Nacino na kuha sa special supplement ng Cosmopolitan magazine na Cosmo Men noong 2010. Ito yung nakasuot ng boxer brief ang Kapuso actor habang nakapatong sa kamay niya ang isang malaking ibon. Pawang magagandang komento ang naka-post sa larawang ito ni Rocco at sinasabing isa siyang tunay na “Filipino hunk" at “certified brown beauty." Ano ang masasabi ni Rocco sa mga papuring ito sa kanya? “Wow, I feel flattered!" bulalas ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa labas ng dressing room ng
Bubble Gang sa Studio 6 ng GMA Network noong Lunes ng gabi, August 13. Nasa taping ng nasabing gag show si Rocco para bisitahin ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili na guest sa programa. Sinasabi ring siya na ang susunod kay Aljur Abrenica bilang pantasya ng mga kababaihan at ng mga bading. “For someone who’s just starting out sa business and second year ko pa lang ata… and to be able to be placed, according to them, alongside Aljur, nakakatuwa naman." Natutuwa rin si Rocco na inihanay siya kina Aljur at Dennis Trillo sa bagong station ID ng Kapuso network. Saad niya, “Nung station ID ng GMA, kasama ko si Aljur at si Dennis Trillo. “Isinama nila ako doon. I was really flattered na ilinya sa kanila. “So, I’m happy at gusto kong i-maintain yung image na yun. Gusto kong alagaan itong image na ito."
NOT YET READY. Alam naman daw ni Rocco na may mga sexy photos siya na kumakalat sa Facebook. “Yes! Yun nga ang objective ko, e, just to pose for Cosmo one time and not doing it again for a long time. Pero hindi ko alam kung kelan ako uli magpu-pose." Nabanggit din niya na maging ang Bench Body—ang underwear line ng Bench—ay interesado rin daw sa kanya. “Hinihiritan na nga ako ng Bench Body, e, pero hindi ko pa kaya. Hindi pa ako ready… hindi ko alam, e. “Hindi ko lang ma-imagine ang sarili ko na nagpu-pose," sabi ng Bench endorser. Hindi ba niya gustong makita ang sarili niyang billboard na naka-underwear? “Hindi ko pa kaya, e. Hindi ko pa kaya yung gano’n. “Pero sabi ko kay Sir Ben [Chan, Bench owner], darating rin yung time. “Inalok ako ni Sir Jojo [Liamson, Bench advertising manager] at ni Sir Ben para mag-Bench body, pero hindi ko pa kaya. “Puwede akong mag-topless, pero to go that beyond that, hindi ko pa talaga kaya." Hindi man tinanggap ni Rocco ang pagpu-pose nang naka-underwear para sa Bench Body, kasama pa rin daw siya sa 25th anniversary show ng Bench ngayong September. Wala pa nga lang ideya si Rocco kung ano ang magiging partisipasyon niya at ano ang isusuot niya. Pero pinaghahandaan na niya ito. “Kanina nga salmon lang ang kinain ko, e!" natatawa niyang pagpapatunay. “Baka nga mag-topless ako kaya mag-iisip ako kung ano ang puwedeng gawin para mag-enjoy ang audience."
PASSING ON OPPORTUNITY. Marami ang nangangarap na maging image model ng Bench Body, pero umayaw dito si Rocco. Hindi ba siya nanghihinayang sa isang malaking opportunity na pinakawalan niya? Posible kasing umakyat pa nang husto ang kanyang career kapag nagpa-sexy na siya. Sabi ng 25-year-old actor, “Nasabi rin sa akin na, ‘You’re there na for the experience, bakit hindi mo gawin?’ “May mga nagsasabi rin sa akin na, ‘Ngayon na lang kaysa umabot ka ng 30s mo saka ka magga-ganyan [pa-sexy].’ “Yeah, nakikinig naman ako sa kanila. Pero if I’m gonna do it, I wanna do it wholeheartedly. Yung walang regrets. “So, sabi ko, for now, kung gagawin ko ‘yan, baka magsisisi pa ako… “Feeling ko, maaga pa, e. Saka kaka-start ko pa lang sa showbiz, marami pa akong puwedeng gawin bago ako sumabak sa gano’n." Ano ba ang iba pang mga plano ni Rocco bago siya sumabak sa sexy genre? “Focus muna ako sa mga dramatic acting, play different kind of roles. “And i-maintain itong image na ito… kasi raw they look up to me as a role model dahil nakapagtapos ako ng Nursing. “It’s nice nga raw, sabi rin ng mga kabataan, na gusto nilang mag-showbiz pero aral raw muna daw sila. “E, di mabuti, ganun ang influence ko sa kanila." --
Rey Pumaloy, PEP