Sa pelikulang
Tiktik: The Aswang Chronicles ay isang aswang ang papel ni LJ Reyes. Sa isang eksena ay kinailangan niyang sumabit sa isang umaandar na jeep. Hindi gumamit ng double si LJ sa eksenang ito. Insured ba siya sa ginawa niyang pagsabit sa jeep? âHindi pala! Na-realize ko, hindi pala!" tila may naalalang sabi ni LJ nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). âKasi ang dating.. parang gumagapang ako sa gilid ng jeep, tapos aabutin ko si Ramon Bautista." Ito ang unang pagkakataon na gumanap si LJ bilang isang aswang. âOo. Dito kasi, ito, last year pa ito, so first time." Wala siyang pinanood na ibang aswang movie na ginayahan niya ng kanyang role? âWala... ayoko." Paano siya umarteng aswang? âInisip ko na lang na mukha silang pagkain! Hindi masyadong masarap yung mga blood effects, pero matamis siya!" tumatawang sabi ni LJ. Ano ang naramdaman niya na sa dami ng artista, isa siya sa kinuha at leader pa yata ng mga aswang sa
Tiktik? âHindi naman actually leader ng mga aswang, pero⦠basta mapapanood ninyo sa film. âFor me lang talaga, nung binasa ko yung script, tumatak talaga yung character niya. âPero hindi naman siya yung talagang leader ng mga aswang. âMapapanood ninyo sa movie... ayokong mag-spill masyado," pampasabik niya. Nag-audition ba siya for the movie? âHindi naman ako pinag-audition, pero nung kausap ko si Direk Erik Matti, pinabasa niya sa akin yung script. âTapos, dalawa kasi yung babae, tapos pinapili niya ako kung alin dun. âKay Cris Pastor yung isang role napunta."
SEXY LJ. Kapansin-pansin na kahit ngarag siya sa trabaho, blooming at napaka-sexy ni LJ ngayon. âKailangan blooming para maraming trabaho! Di ba ganun dapat?" sabay tawa ng
StarStruck alumna. Hindi rin daw niya iniintindi ang kung anumang intriga ang dumarating. âAy âwag na po, âwag na po!" iwas niya.
INFIDELITY. Naranasan na ba siya na "maaswangan" o maagawan? âNg dyowa? Parang hindi pa naman. Hindi pa naman. Parang wala namang ganun," sabay tawa ni LJ. Siya ba ay nang-aswang na ng boyfriend ng iba? âHindi ko pa rin na-try. Try natin sa next projects!" at muling tumawa si LJ. Kung may aaswangin siya, sino? âForeign? Delikado pag local, e. Kung may aaswangin ako? Huwag local... nakakatakot. âSi Robert Pattinson," dugtong kaagad niya. Si Robert Pattinson ay ang Hollywood actor na bida sa Twilight series.
TRANSITION. Sa primetime series ng GMA-7 na Aso Ni San Roque ay mabait si LJ, at sa Tiktik: The Aswang Chronicles ay aswang naman siya. Mahirap ba ang transition sa dalawang magkaibang roles? âHindi. Last year pa ito [Tiktik] na-shoot. Ang kasabay nito Time Of My Life, so parehong bruha lang ako sa parehong projects! âMagkaiba naman kasi siya, so nakakatawa lang kasi natatawa lang yung mga tao sa Time Of My Life. âKasi minsan, dadating ako sa set, duguan ako! âDun ako maliligo kasi wala kaming liguan dun sa warehouse, e, sa studio kung saan kami nag-shoot ng Tiktik. âE, sa GMA yung taping ng Time of My Life, so dun ako naliligo. âSo minsan, dugyot na dugyot ako, so sasabihin nila, âAnong nangyari sa âyo!?â âSasabihin ko, âSa movie.â âKasi nga minsan, dumidiretso na ako sa taping kasi minsan same day ang shoot at taping." REALISTIC PROPS. Hindi raw takot sa dugo at sa ibang props si LJ. âKailangan, kasi siyempre kumakain ako ng tao. Gumagawa sila ng dugo talaga." Yung Karo syrup at food coloring? âAy, hindi. Iba na yung ginagamit nila ngayon, hindi na Karo. âMay iba silang ginagamit alam ko, kasi iba na yung lasa, e. âMeron pa kaming... siyempre ngayon ko lang naaalala, kasi last year pa âyan. âMeron pa nga kaming parang naglalaway na scenes⦠mga ganun. âMinsan itlog, depende kung gaano ka-slimy yung gusto nila. âNung una kasi, parang medyo ano lang siya⦠syrup tapos hahaluan nila ng tubig. "Pero since kailangang malapot, minsan itlog. Ganun." May mga eksenang kumain siya kunwari ng lamang-loob ng tao⦠âOo, kinagat ko talaga." Ano ang props na ginamit? âHindi ko na maalala. Siguro nagsinungaling na lang sila sa akin na, âGawa lang namin 'yan!â âPero totoong lamang-loob yata talaga, kasi mabaho, e!" ang tumatawang kuwento ni LJ. Hindi naman siya nasuka o nandiri? âHindi. Para matapos na ang shootingâwow, professional! âSabi nga sa akin ng mga kasama ko sa Aso Ni San Roque, kung ano raw pala ang pinaggagawa ko sa pelikula... âMeron pang mga nagtatago ako sa ilalim ng lupa. Kung anu-ano talaga." Pero wala siyang reklamo? âPara po maganda ang kalabasan," sagot naman ni LJ. -- Rommel Gonzales, PEP