ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rachelle Ann Go on having Christian Bautista as guest performer in her concert


Magkakaroon ng sariling concert si Rachelle Ann Go, na pinamagatang Rise Against Gravity, sa Music Museum, ngayong Biyernes, October 26. Sumalang sa live guesting sa H.O.T. TV si Rachelle upang i-promote ang kanyang concert na siya rin ang producer at ididirehe ni Rico Gutierrez. Dito nag-exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) sa dressing room ng H.O.T. TV nitong nakarang Linggo. Ilan sa confirmed guests ni Rachelle ay ang dating boyfriend na si Christian Bautista. Bungad ni Rachelle, “Si Christian, may spot number siya. “May duet kami ni Christian. Medley yun," patuloy niya. Kasama rin ni Rachelle ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. “Yung kay Sarah tungkol naman sa pagkakaibigan…ano siya, e. “Kung ano yung gagawin naming production number, ibinase namin sa kung ano yung connection ko sa kanila. “Si Ms. Regine naman, yung mga winning songs ko noong bata ako. “Sumasali ako sa contest kasi gusto ko maging katulad niya. “So, siya ang reason kung bakit ako sumasali sa mga competitions before." THROAT PROBLEM. May mga birit daw si Rachelle sa mga numbers niya sa concert kaya naman nakakaramdam siya ng matinding kaba ngayon. Pagtatapat niya, “May problem kasi ako sa throat ngayon, may nodes kasi ako… yung bukol. “Sa pagod, sa strain, pagka yung birit na… 'ayun. “Siguro 'pag puyat, 'tapos may kanta ka, mai-strain yung lalamunan mo. “Ang tagal na nito...one month. Kaya nga medyo ano ako sa Party Pilipinas, e. Yung mga kanta ko, mga mababa lang. “Yun nga, matagal na. 'Tapos nagpa-check up kailan lang, sobrang lala niya. “Sabi nga ng doctor ko, first time niyang makitang ganoon kalala yung condition ng vocal chords. “So, nag-vocal rest ako magmula four days. “Cancel lahat ng mga shows. Para siyempre, in preparation dito sa concert," malumanay niyang kuwento. Matagal na raw problema ni Rachel ang sakit niya sa lalamunan. “Bumabalik-balik siya. Siguro reminder na rin na huwag abusuhin yung boses. “'Tsaka...yun minsan, matagal akong di nagbo-vocalize. Reminder na rin lang." Ipapa-treat ba niya ang lalamunan or ipapaopera? “A, hindi naman kailangan ng operation. May medicine naman akong iniinom. “Sabi ng doctor, hopefully. Galing ako sa kanya noong isang araw, medyo okey-okey na kaysa nung nakita nga niya na sobra raw. “Sabi niya, hopefully by Friday, okey na raw… Sana okey na, Lord," asam niya. “Pero ngayon kasi, medyo cracky siya. So, before the concert, ipapa-check up ko uli siya para sure." Sigurado bang makakanta siya nang maayos? “Iniisip ko… oo na lang." nangingiti niyang sabi. “Yung mga birit-birit, ingat na lang. Placement… Tamang placement na lang. “Kasi 'pag minsan, ang tendency ko, gusto ko, sa isang number, itodo ko. “Yung parang wala nang bukas. Minsan nasosobrahan ako, nasisira." VOICE CHANGE. Halos parehas raw sila ng problema ni Sarah, pero ang sa Popstar Princess ay magaling na. Ang sa kanya ay pasulput-sulpot. Hindi nga raw naniniwala si Rachelle na bumaba ang pitch ng singing voice ni Sarah noong gumaling ito. Pag-amin niya, “Ako bumaba ang boses ko. Feeling ko, ha... Tumatanda." Sa mga nagdaang interview namin noon kay Sharon Cuneta, sinabi rin nitong mula nang manganak siya, tumaas daw ng dalawang notes ang boses niya. “Siguro depende naman. Si Ms. Regine hindi naman bumaba ang boses niya. Tumaas pa ‘ata. “Ako lang talaga, reminder lang na disiplina sa boses "Ang problema ko talaga, puyat. Hindi ako nakakatulog. “Sabi ko sa doctor ko, humihingi ako ng…[sleeping pills]. “Ayaw niya akong bigyan. Baka raw masanay. “Sabi niya, sanayin ko na lang na maagang matulog." Nasubukan na raw ni Rachelle na uminom ng sleeping pills pero wala itong epekto sa kanya. Kuwento niya, “Na-try ko before sa States… jetlag. “Binigyan ako ni Kuya Arnel Pineda para makatulog ako. Half lang, pero walang epekto. “The next day isang buo na, wala pa ring epekto. Dilat ako three days! As in walang effect. “Sabi ko nga, ‘Ano ba itong utak ko? Gumagana pa rin siya. Siguro nga parang nilalabanan ko." -- Rey Pumaloy, PEP