Isa sa mga rason ni KC Concepcion sa pagtanggap niya ng Tanduay Rhum endorsement ay ang reputasyon at pagiging Filipino product nito. Ilang beses niya itong sinabi sa press launching bilang image model at calendar pin-up ng nabanggit na alcoholic brand. Naganap ang launching noong Huwebes ng gabi sa Skye Lounge Roof Deck sa Bonifacio High Street, The Fort, Taguig City. âNa-impress po ako talaga and narinig ko na that Tanduay is the 'King of Rhums,' not just in the Philippines but worldwide," sabi ni KC sa mga kausap na miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Dagdag pa niya, 1800s pa lang daw ay tuluy-tuloy lang sa paggawa ng rhum na ine-export pa sa iba't ibang bahagi ng mundo ang kumpanyang kanyang ini-endorso. âIbig pong sabihin noon, they make the most in terms of volume than most rhums [brand] in a given period of time in the whole world," paliwanag ni KC.
SIGNATURE DRINK. Nakapatong sa isang high chair sa stage ang isang orange-colored drink na sinasabing signature mix-cocktail drink ni KC na tinawag niyang âKC Kaleidescope." Pag-amin ni KC, ang paghahalo ng cocktail drink ay isa raw niyang talent na hindi alam ng marami. âActually, I learned that in Paris⦠[pero] hindi lang naman yun ang inaral ko sa Paris," biro niyang sabi. Patuloy niya, âBut I learned that in Paris, believe it or not! I used a lot of coffee in my concoction. âMinsan nilalagyan ko rin po ng egg white âyan para ma-neutralize at least yung acid. âSaka nilalagyan ko rin minsan ng dalandan syrup at calamansi syrupâ¦masarap ilagay sa mga cocktails. âI can make my drink, the âKC Kaleidescope,â" pagmamalaki niyang sabi. Sa pagkakataong ito, nahilingan si KC na mag-mix ng drink niya sa ibaba ng stage kung saan nag-set up ng mini-bar. âNgayon lang ako allowed uminom pag anoâ¦bilang work," pasubali muna ni KC. âWork ba talaga ito?" tanong tuloy ni KC habang natatawa. Pagbaba ng stage, nagsimula na si KC sa pagtitimpla ng kanyang signature drink. Pagkatapos niyon ay nag-serve na ang mga waiter ng âKC Kaleidoscope" sa lahat ng guests, bago muling umakyat ng stage si KC para ituloy ang tanungan. Muling tinanong si KC kung paano niya natutunan ang paggawa ng mixture ng drinks. âSa totoo lang po, isa po sa mga hilig ko âyan talaga. âIâm not just saying it dahil nasa Tanduay po ako, but noong nasa Paris ako. âMeron po silang speak-easies na mga bar na talagang loungy lang, na after work to de-stress. Hindi naman po yung club talaga. âAnd meron akong mga favorite drinks doon. And nagpaturo po ako kung paano gawin. âPati po yung paglalagay ng ice, pag-shake, kung paano po yung mga parts. âKung gaano katagal ilalagay yung ice para hindi masira yung drink, para hindi mag-melt yung ice⦠ganoon po. âAnd when they asked me to do Tanduay, first time ko pong nag-mix ng drinks sa isang meeting at nag-inuman po kami talaga with my bosses. It was exciting. âBut doon [Paris] ko po talaga natutunan and I have friends here, who owns club also."
NOT THE FIRST. Nauna nang nag-pose ng sexy si KC sa isang panlalaking magazine, at ngayo'y nagpakita muli siya ng kaseksihan sa photo shoot ng kalendaryo ng nabanggit na rhum brand. ((
CLICK HERE to see photos.) Handa naman ba siyang sumabak sa pagganap ng sexy roles? âSexy roles? Iâm not afraid to be typecast. But I think when youâre a female⦠Kapag po babae at hindi sexy, medyoâ¦hindi naman sa kulang. âPero mas magandang tingnan ang isang babae na may konting opennessâkahit konti langâsa pagka-sexy, sa pagka-sensual. âParte po yun ng buhay nating lahat and I donât want to sugarcoat. âI donât want to...you know, try to sound not real. As much as possible, I wanted to be as natural as possible." Ipinakita rin sa launching ang audio-visual presentation ng mga layout ng mga kalendaryo kunsaan puro sexy ang poses ni KC. Apat ang ipinakitang layouts. Tatlo rito ang kinunan sa beach. Ang una ay ang shot na nakasuot siya ng white bathing suit habang nakadantay sa isang bato sa beach. Sinundan ito ng kuha niyang patagilid na nakahiga sa isang kama suot ang isang manipis na lace gown na may mababang backline at aninag ang kanyang katawan. Sumunod ang larawan na nakasuot siya button-open denim shirt at denim shorts. Nakasilip nang bahagya ang kanyang dibdib. Ang huli ay kuha ni KC na nakasuot siya ng bra-top at high-waisted shorts habang nakaupo sa buhanginan ng beach. Bago pa gawin ang mga kalendaryo, usap-usapan nang magpo-pose nga nang sexy si KC para sa isang alcoholic brand. May mga nagtanong na raw agad sa kanya noon na, âAre you doing the calendarâ¦?" Sagot daw ni KC: âYes. I am." Balik niya raw sa mga nagtanong sa kanya: ââDoes it shock you?â âAnd theyâd say, âYes, it does!â" Hindi kasi basta-basta ang mag-pose sa kalendaryo ng nabanggit na brand na nag-feature na rin sa mga naggagandahan at nagseseksihang celebrity endorsers na tulad nina Nina Jose, Ehra Madrigal, Paw Diaz, Iya Villania, at Carla Abellana. Nagpapasalamat naman siya sa creative freedom na ibinigay sa kanya ng kumpanya, pagdating sa photo shoot. Paano nga ba pinaghandaan ni KC ang photo shoot para sa kalendaryo? âPlana forma. I do plana forma⦠Narinig na po ba ninyo yung plana forma?" tanong pa ni KC sa kausap na press. Ang plana forma ay isang uri ng workout program na pinagsama-sama ang mga routines ng yoga, pilates, at pagsasayaw. âI do that in QC and thereâs a studio here [The Fort] also. âMore than that, itâs really trust⦠Yung trust na meron ako for Mark, Celeste, Pam, and Juan Sarte, of course," banggit pa niya sa photographer na si Mark Nicdao, hairstylist Celeste Tuviera, stylist Pam Quinones, at makeup artist Juan Sarte, na pawang nakatrabaho niya sa photo shoot para sa kalendaryo.
MOMâS REACTION. Nakita na ba ng mommy niyang si Sharon Cuneta ang mga kalendaryo? Sagot muna ni KC, nakita na raw ni Mega ang sexy pictorial niya noon sa panlalaking magazine na lumabas nung Enero ng taong ito. âKung nakayanan po niya yun⦠mas makakaya niya po itong Tanduay. Mas grabe pa po yung ginawa namin sa [panlalaking magazine]." Sa apat na layout ang paborito raw ni KC ay ang vintage beach shots na parang inspired ng 1990s photo shoots ni Cindy Crawford. Ito yung naka-bra top at yung naka-button open denim shirt siya. Pero para sa halos lahat ng press na naroon na nakakita sa mga kalendaryo, tila nakakaintriga ang shot na naka-lace gown siya. Bukod sa plunging backline kasiây see-through pa ang gown. Aninag tuloy ang tila hubad na katawan ni KC. âAh, iyon po yung Brigitte Bardot-inspired," paglalarawan niya sa shot na nabanggit. Gaano katagal ba bago siya nakapag-decide na ilabas na ang kanyang sexy side? Tugon niya, âHindi po ako nakapag-decide. âParang yung sa magazine cover ko po nitong January, it was my way to creatively, artistically express myself. âSo, noong nagawa ko po yun, sabi ko, âWow! Kaya ko pala!â âBasta pala maganda yung pinanggalingan at hindi naman masama yung intensyon. âIt was just something that I wanted to express with artistic people. âSo, I worked with the same team [for the calendars] that I worked with in [that magazine]⦠Mas madali ba sa kanyang mag-decide na tanggapin ang project na ito at mag-sexy photo shoot dahil wala siyang lovelife? âWow!" nabanggit na reaksyon muna ni KC. âParang wala naman po yatang⦠âI think, hindi naman po ako tumatakbo sa alcohol pag nalulungkot po ako," biglang anggulo ni KC sa produktong iniendorso. âAt hindi rin po ako malungkot dahil single po ako. âAh, itâs something I enjoy whether with a boyfriend or with my friends." --
Rey Pumaloy, PEP