Aminado si Alessandra de Rossi na hindi siya masaya sa pag-aartista kaya siguradong iiwan niya ito balang-araw. “Oo naman, definitely! Four years pa ang bahay ko, huwag kayong mag-alala!" ang natatawang pahayag ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng
Pahiram Ng Sandali noong Martes ng gabi, November 20, sa Cocoon Boutique Hotel. Bakit hindi siya masaya? “Masyadong mahirap i-explain." Mahirap bang maging artista? “Ah, oo naman!" Magaling naman siyang aktres, bakit siya nahihirapan? “Sana kung hindi pare-pareho ang ibinibigay sa akin, malalaman kong magaling akong aktres. “E, bilang iisa lang naman ang ginagawa ko, hindi na tuloy alam kung magaling ako o hindi, di ba?" natatawang sabi ni Alessandra, na kadalasang gumaganap ng kontrabida roles sa mga teleserye. Ano ang gagawin niya kapag huminto na siya sa pag-aartista? “Iyon ang iniisip ko talaga ngayon. As in, talagang nag-iisip ako ng plan B sa buhay ko. “If ever naman, feeling ko naman connected pa rin siya [sa showbiz], like puwede akong magsulat. “Ngayon, ginagawa ko yung musical scoring ng
Death March ni Adolf Alix. “So, puwede akong malinya doon, puwede akong magpa-rent ng equipment, puwede akong mag color-grading… yung mga ganyan. “Pero artista talaga, parang out na ako." Matagal na raw itong nasa isip ni Alessandra. “Matagal na! Sobrang tagal na." Definite na rin daw ang desisyon niyang ito. “Of course, it will happen." In four years? “Hindi naman in four years. Malay mo yung four years, bumili pa ako ng villa. O, paano yun? “O, di twenty years to pay yun, di twenty years pa." So puwede pang ma-extend ang pag-aartista niya? “Sana hindi. Honestly, sana hindi," sagot ni Alex, palayaw ng aktres.
WITH ALL HER HEART. Inamin ni Alex na sa ngayon ay nagho-hold on lang siya sa pag-aartista dahil sa bahay na binabayaran niya. “Yeah! Pero ginagawa ko naman yung trabaho ko with all my heart kasi mahal ko naman ang pag-arte. “Kung merong isang bagay na magaling ako, actually, kaisa-isa, iyon lang yun. “Next na yung driving. E, hindi naman ako puwedeng maging taxi driver, di ba?" biro niya. More or less ay sixteen years na siyang artista. Kaya ba niya itong talikuran? “Bakit naman hindi? “Nanay nga natatalikuran ang anak, e. Hello, hindi ko naman anak ito!" sagot ng 28-year-old actress. Nilinaw ni Alex na mahal naman niya ang kanyang trabaho. “I love my job… I don’t like Alessandra de Rossi. I don’t like her" Dahil? “I don’t like her. I don’t like her, hindi ko siya type. “Wala siyang saysay na artista!" at muling tumawa ang aktres. Dagdag pa niya, “I don’t like her. Hindi ko siya gusto kung paano siya shinape [na-shape]." Hindi ba niya planong baguhin ang pagkaka-shape sa kanya? “Hindi na, nobody cares!" sabay-tawa niyang muli. Hindi ba niya nararamdaman na kailangan siya ng industriya? “As if! As if yung mga roles ko, ako lang makakagawa, e, iisa nga lang!" tawa na naman niya. “Maybe I can write, I can edit, I can direct, mag-produce. Makagawa lang ako ng something meaningful. “Because last time I checked, yung mga roles ko, wala namang naituturong maganda kundi kasamaan." Biro naman namin, bakit hindi na lang siya humiram sa bayaw niyang si Jules Ledesma ng pang-produce? “Wish ko lang! E, di sana hiramin ko na lang yung pambayad ng bahay ko, di ba? Di tapos na ito, wala na ako dito." Mami-miss ba niya ang showbiz industry kung sakaling iwan na niya ito? “I will always be around. Alessandra de Rossi is dead, Alessandra Schiavone is alive!" bulalas niya.
THE OTHER WOMAN. Sa ngayon ay mapapanood pa rin naman si Alessandra bilang artista. Kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na
Pahiram Ng Sandali. Gaganap siya rito bilang kabit ni Christopher de Leon. Tampok din sa teleserye sina Dingdong Dantes, Max Collins, Mark Gil, Sandy Andolong, Neil Ryan Sese, Isabel Rivas, Kristoffer Martin, at Lorna Tolentino. First time niyang gumanap na other woman? “I think so, ha?" Anong approach ang ginawa niya? “Hindi ko alam, honestly. “Pag nagte-take na, parang sinabihan lang ako na, ‘Alex, konting ano pa, konting landi pa,’ ganyan. “Honestly, hindi ko alam kung maganda." Mabibigyan ba niya ng justification ang mga kabit dito sa
Pahiram Ng Sandali? Na hindi lahat ng kabit ay masama? “Sana, iyon ang hiningi ko sa kanila, e. “Kasi nung una, parang manggagamit lang ako, e. “Tapos, parang naiyak talaga ako, sabi ko, ‘Mistress na, manggagamit pa?’ “Sabi ko, ‘Wala bang sasalba sa akin kahit minsan lang? Isalba ninyo naman ako once lang.’ “So, parang iniba nila, na mahal ko na siya. “Para at least naman kahit paano may redeeming factor naman." --
Rommel Gonzales, PEP