ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Donna Cruz sustains injury from marathon accident in Corregidor


Noong December 2, Linggo, ay nakatanggap ng tawag ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gusto raw naming ma-interview si Donna Cruz. Nasa Manila kasi ang Cebu-based semi-retired actress-singer para makipagkita sa kanyang fans sa isang grand get-together and Christmas party. Medyo naantala ng dating si Donna, pero matiyagang naghintay ang kanyang mga fans sa Belissisimo Ristoranti kung saan ginanap ang celebration. Pero nauna rito ay nalaman namin na naaksidente si Donna sa 3rd Corregidor International Half-Marathon noong December 1. Nadapa siya at tumama ang kanyang mukha sa bato. Kaya nakita ng PEP na may munting sugat siya sa ilalim ng kanyang ilong. “Heto, mukhang nabugbog! Ay, ang pangit ng term, baka intrigahin!" paunang salita ni Donna nang kumustahin siya ng PEP. Dagdag niya, “Happy ako sa aking family at sa running. “Pero kahit na nadapa ako sa race kahapon, hindi pa rin ako magku-quit." MARATHON ACCIDENT. Hinayaan namin na si Donna ang magkuwento nang naganap na aksidente sa kanya sa marathon sa Corregidor. “Hindi kasi talaga ako sanay sa trail running, pero 'di ko naman first time ito. “Pero dahil hindi ako sanay kaya ayoko sana mag-join. “Kaya lang, nag-request si Yong [Larrazabal, her husband] na sabay kaming tumakbo. E, siyempre naglalambing ang asawa ko. “Tapos kaya naman niya talagang mag-race. Mabilis tumakbo ang asawa ko, e. “Pero sabi niya, sasabayan niya akong tumakbo. Dahan-dahan lang daw kami sa mga rocky part, sa mga grassy part, kaya medyo walking-walking lang kami. “E, may isang girl na nasa harapan ko so gusto ko siyang abutan. Very competitive pa rin kasi ako. “'Pag sa road race kasi nauunahan ko siya. 'Pag sa trail, nauunahan niya ako. “Dahil nakikita ko siya, sabi ko, uunahan ko na siya. “Sa bilis kong tumakbo, napatid ako sa bato and then tumama ang face ko sa another malaking bato. “Grabe! Kasi nagkasugat-sugat ako, sa balikat, sa tiyan... “Hindi naman ako nadala sa hospital, pero pagdating namin sa Cebu, magpapa-X-ray ako para sure." Half-marathon ang sinalihan ni Donna at nasa 12 km mark nang siya ay madisgrasya. “Grabe! Iyak nang iyak kasi akala ko may nangyari na sa face ko. “Akala ko nabali na ang ilong ko o kaya naman nasira ang mga teeth ko. “Wala akong pakialam sa sugat ko sa tuhod. Imagine, nasira ang tights ko, e, matigas iyon. Talagang sugat-sugat ako. “Ang concern ko talaga was my face. Sabi ko, ‘My face! My face!’ “Sabi siguro nila sa clinic, ‘Ang arte naman ng babaeng ito.’ “Pero super miracle na ganoon lang ang nangyari. I thought may nangyari na sa face ko." SHOWBIZ COMEBACK. Wala na ba talaga siyang balak bumalik sa showbiz? Sagot ni Donna, “Kung ano po ang darating, why not? “Kung may offers, kung matuloy, talagang para sa akin. “Kung hindi, happy naman ako kung nasaan man ako ngayon. “Sobrang kuntento ako sa family ko." LOYAL FANS. Patuloy ni Donna, “Tapos, nakilala ko ang mga fans ko sa Facebook and we became close kasi we formed a group na. “Close kami kasi nag-open na ako sa kanila. “If you notice, di ako naglalagay ng pictures ko sa postings ko kaya di ninyo nakikita mga pictures ko. “Iilan lang kaming members, tapos dun ako sa group namin nagpo-post ng pictures. Lahat kami magkakilala. “Enjoy ako kasi kahit na hindi na ako active, o kahit isipin ng iba na iba na ang katayaun ko ngayon sa career ko, sabi ko, mas talo ko pa nga yung sobrang sikat dahil may fans ako na super loyal at talagang ganyan para sa akin. “Hindi na ako active, pero grabe pa rin ang suporta nila sa akin. “Kahit birthday ng kids ko or ni Yong, nagpapadala sila ng gifts sa akin. Nag-aambag sila. “Sabi ko, huwag na silang sobrang gagastos. “Kaya naisip na magkaroon ng get-together today at gusto ko na every year ito mangyari. “Inayos ko ang get-together na ito para pasasalamat sa friendship." Kuwento pa niya, "Mga four months ago namin ito napag-usapan. “Sabi ko sa kanila, pupunta kami ng Manila for Yong’s convention so isabay na rin namin ang get-together. “Four days kami sa Manila so puwede namin itong isingit. “Nakakatuwa na may nanggaling pa ng probinsiya tapos may nanggaling pa ng abroad. “Grabe talaga ang suporta nila." -- Ricky Calderon, PEP
Tags: donnacruz