
Nag-iba na ang ikot ng mundo para sa noo'y aspiring singer na si Zendee Rose Tenerefe matapos maging viral sa YouTube ang kanyang video habang kumakanta sa isang videoke kiosk sa SM Megamall. Mula noon ay nagsimula ang sunud-sunod na suwerte ng 21-year-old singer Nitong Martes, December 11, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Zendee sa Red Box, TriNoma Mall, Quezon City. Ito ay kaugnay ng release ng kanyang kauna-unahang single na "Runaway." Sinasabing ang single na ito ni Zendee ay akma sa kuwento ng buhay niya. Sabi ni Nico Bacani, marketing manager ng Warner Brothers, "Bagay kasi kay Zendee yung song na 'Runaway.' "Para kasing you are running away from something na hindi masyadong maganda." Kuwento naman ni Zendee, “Marami pong 'runaway, runaway' sa kanta ko. "Pero yung runaway po na yun, positive song po siya. "Parang running away sa problems, pero yung dreams, di iiwan sa pag-runaway mo sa mga problema." Gaano katagal ginawa ni Zendee ang kanyang debut single? “One and a half [months]. “Ako po yung nag-background, nag-second voice. “Bakit pa hahanap ng magba-backup, puwede naman ako?" pabirong sabi niya. Pero paliwanag ni Zendee, “Parang ang sarap po kasi na 'pag nakikinig ka sa isang kanta na, ‘Uy! Ako rin 'yang nagse-second voice!' "At least, di ba, sa 'yong sa 'yo?" Ano ang pinakagusto niya sa "Runaway"? “Yung beat. Hindi po kasi ako biritera, gusto ko po yung beat na nakakasayaw nang slow. “Yung nakaka-birit po ako, tapos yung birit po dun sa ibinigay na demo sa akin, iba. “Ako po yung gumawa ng mga styles dun. "Pinabayaan po ako ni Sir Moy [Ortiz] ng The Company. 'Kung ano'ng gusto mong version, gawin mo sa huli. Ano, birit ka? Birit ka!’ “So ni-record ko po, gumawa po ako ng mga style, hinayaan niya po ako. "Tapos pinakinggan po namin. Tapos, ‘Eto, ititira natin ‘to,’ ganyan. “So gusto ko po siya. "Nung napakinggan ko na po siya, mga four days po akong na-LSS [last-song syndrome]. “'My god! Ako ‘to?’ "Maganda po siya, bagay po siya sa boses ko. "Perfect yung song para sa akin... I guess po."
SUDDEN SUCCESS. Sabi pa ni Zendee, “Masaya po at saka thankful po ako kay God. "Araw-araw po ako nagpapasalamat kasi baka bukas, wala na. “Lalo na pag umaga, ‘Zendee, may gagawin ka!’ 'Thank you, Lord, finally.' “Kasi dati po, paikut-ikot lang ako dito sa Manila. "Pumupunta ako sa mga bars na walang entrance, baka puwede ako sumingit kumanta doon, baka may maka-discover. “Tapos ngayon, meron na akong guesting, di ba?" Kuwento pa niya, “Siyempre, probinsiyana po ako, galing po akong GenSan. Hindi ko po na-imagine talaga na ganito po. “Pangarap ko lang talaga before, manalo sa competition. "Super blessed, thankful po ako kay God."
ZENDEENATICS. Masaya na may halong hiyang binanggit ni Zendee ang mga karanasan niya sa mga tagahanga niya. “Yung autograph po, nahihiya ako. Sabi ko, ‘Picture na lang! I-hug ko pa kayo.' “Yung autograph kasi, parang napakaano na... “Kahapon nga po, yung nasa Baguio po ako, mga damit po nila yung pinapasulatan nila. “Sabi ko, ‘Habang buhay n'yo nang pagsisisihan ‘to! Susulatan ko na!’ “Sabi nila, idol nila ako. Parang ako, 'Wow! Ganito na ako, my god!’ "Basta, happy po ako." May hukbo na nga ng tagahanga si Zendee, at ang tawag nila sa kanilang sarili ay "Zendeenatics." Sabi ng singer, "Dito [Manila] po talaga yung Zendeenatics, tapos gumawa po sa GenSan, meron din po sa U.S. “Yung SM tour ko po yung paraan ko para sa meet-and-greet. Ang dami po nila, ang saya po. “Yun po yung ginawa ko sa SM Baguio, lahat po sila pinapunta ko dun tapos po nakilala ko sila."
BASHERS AND HATERS. Masayang-masaya si Zendee sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang pamilya at mga tagahanga. Pero kung may mga tagahanga siya, hindi rin mawawala ang haters o bashers. Minsan nga raw ay nakakatanggap siya ng tweets na hindi masyadong maganda. Inamin na Zendee na minsa'y pinatulan niya ang mga pambabatikos sa kanya sa Twitter. “Dati po, di ko maiwasan i-answer yung mga ganun, e. “Dati, may nagsabi ang yabang-yabang ko na, napasagot ako na, ‘Hindi n'yo naman po ako kilala kung ano ako, ganito po talaga ako kumilos, medyo childish.’ “Friendly po ako kahit hindi ko kilala, ganun po ako. “Sabi nila, ‘Feeling sikat,’ ganun po. "So, hinahayaan ko na lang po. Nire-retweet ko po yun para maka-gain po ako ng comfort sa ibang tao. “Mabuti na lang po yung mga fans ko, hindi nang-aaway. "Kumbaga, imbes na awayin po nila yung nangganun po sa akin, kinu-comfort nila ako. ‘Ate Zendee, wag kang susuko, ha? Stay strong, magaling ka kaya nga marami kaming nag-iidolo sa 'yo, e.’ “Kaya iniiwasan ko na lang po yung mga ganun. “Minsan po kasi, sine-search ko po yung pangalan ko, tapos lalabas Zendee, minsan nakakabasa po ako ng di maganda. “Pero iniiwasan ko na po yun. Mentions na lang po yung tinitingnan ko sa Twitter. Para iwas sa stress. "Tumataba po kasi ako pag stressed, e!" Bukod sa pagbabato ng kung anu-anong batikos sa kanya ay may ilan ding hindi naniniwala sa talent ni Zendee. Pero ang kanyang nakakatuwang sagot dito ay: “Maniniwala din po kayo balang-araw." Dagdag niya, “Hindi naman po sa pagbabanta, gagawin ko po ang lahat para kung ano po yung Zendee, hindi po magbabago, consistent lang po yun. “Mamahalin n'yo rin po ako. Basta, mag-iisp ako ng paraan “Kaya nung may nag-tweet sa akin na ‘ayoko talaga si Zendee,’ ni-replay-an ko: 'Magugustuhan mo rin ako balang-araw.'"
CHARICE VS ZENDEE. Hindi rin maiwasang maikumpara si Zendee kay Charice, bilang pareho silang nadiskubre sa pamamagitan ng YouTube. Ano nga ba ang nararamdaman ni Zendee tuwing ikinukumpara siya kay Charice? “Malayo na po kasi yung narating niya, tapos ako nagsisimula pa lang, tapos nakukumpara na agad. “Bakit yung ibang nakapag-Ellen, hindi ikinukumpara sa kanya? Bakit ganun? “Pero siyempre, yung mga tao, kinukumpara po ako kay Charice, sabi ko ‘Hindi ko naman sinabi na ikumpara n'yo ako kay Charice, kayo po ang nag-isip niyan, so salamat po.’ “Ganun pala yung mga peg ko, ganun po iniisip ko, nirerspeto ko yung opinion nila. “Basta no comment! Idol ko po si Charice, e, fan niya po ako." Pero sino nga ba ang mas magaling sa kanila? “My god! Ano ba 'yan? May iba’t iba po kaming style!" Biglang nagbiro si Zendee na, “O, walang lalabas!" Ang tinutukoy niya ay ang sagot sa tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Charice. “Ano po, e, may iba’t iba po kaming style. "Si Charice po, magaling mag-perform. Magaling po talaga si Charice. “Gusto ko po maging much better, hindi po para makasapaw, kundi para sa sarili ko. “Gusto ko lang po maging singer. “Basta ngayon, hindi ko po iniisip yung mga compare-compare na 'yan, kasi wala akong makukuha sa ganyan, e. “May career siya, may trabaho siya. "Ako rin po, nagtatrabaho. “Hindi po talaga mawala sa Pinoy yung pagkukumapra. Pero ako, kung puwede po, iwas na lang ako." --
RLorraine/CBenedicto/NOrsal, PEP