ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LJ Reyes quashes boyfriend's gay benefactor rumors


Hindi naniniwala si LJ Reyes na kapag masaya ang lovelife ay hindi masaya ang career. Siya mismo ang best example nito dahil bukod sa maayos ang takbo ng career niya, maganda rin ang kalagayan ng kanyang love life at family relationships. Nakausap si LJ ng PEP.ph last Thursday, December 20 sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Q.C. “Wow! Oo naman, ano lang naman yan e, depende rin sa tao yan kung paano mo tatrabahuhin lahat.” Ano ang sikreto ng magandang pagsasama nila ni Paulo Avelino? “Si God!” Wedding bells? Napag-uusapan na ba nila ang kasal? “Well, oo napag-uusapan pero hindi yun something that will happen anytime soon. “Hindi pa kasi iyon ang priority namin ngayon kasi mas priority namin ang magtrabaho muna ng maayos. “Lalo na ngayon, ang dami-daming dumadating sa aming blessings, siguro we’re taking one step at a time kasi ang hirap naman na magpaplano ka ng ganyan, e ang dami-daming trabaho.” If ever ikakasal sila, may dream wedding ba si LJ? “Hindi ko pa alam e. Pero gusto ko, wala, may feeling ako, gusto ko sa beach. Pero minsan iniisip ko gusto ko ng old church, ganyan, yung traditional wedding.” Na si Aki ang ring bearer? “Yes!” mabilis niyang sagot. Dalawang taon na si Aki, turning three sa July next year. May one year and a half pang contract si LJ sa GMA, at sa PPL ni Perry Lansigan… “Kay kuya Perry, lifetime, magsa-sign up na ako ng lifetime,” sabay-tawa ni LJ. Never jealous Nasasaktan o nagseselos ba siya kapag may mga babae at bading na nagkakagusto kay Paulo? “Hindi! Bakit ako magseselos, nakakatuwa nga yun. “Oo, natutuwa ako. Ako, okay ako dun kasi hindi naman maiiwasan yun e, lalo sa trabaho namin pero siyempre depende na rin yun sa aming dalawa or sa kanya.” Kahit raw kay Julia Montes na nakapareha ni Paulo ay hindi nagselos si LJ… “Hindi, mabait si Julia.” Balak nila ni Paulo na magsimula nang mag-ipon para sa bagong bahay next year. “Basta siyempre meron pa din kaming sariling pera, meron ding para sa bata, iyon.” Nagkikita pa sila kahit na pareho silang busy? “Oo naman. May oras oo, especially may bata, e.” Pero kung silang dalawa lang? “Oo, meron naman.” Ang nararamdaman ni LJ kapag sa mga interviews kay Paulo ay halos hindi sila nababanggit ni Aki; na parang may pumipigil kay Paulo. “Okay lang naman kasi siyempre pag kunwari pinag-uusapan sa TV o kung saan man, siyempre hindi maiiwasan, ang daming opinyon ng mga tao, kung anu-ano pa ang sasabihin na hindi naman nakakatulong, di ba? “Kung kayo naman, okay naman kayo, hindi naman na … di ba?” Advantage rin ba? “Career-wise siguro oo, pero gusto ko ring maniwala na mature na yung audience natin na hindi naman kailangang kung ano yung nasa TV o sa pelikula iyon din ang nasa totoong buhay. “Gusto kong matutunan yun ng audience natin at tsaka ako naman lagi kong sinasabi kung magaling ka naman talagang artista, kung kunwari may i-partner sa yo, kaya mong pakiligin yung mga tao. “Hindi naman kailangan na totohanin para kiligin yung mga tao.” Pag may nali-link kay Paulo, tinatanong ba niya ito? “Hindi. Parang wala naman.” Gay benefactor rumors Ilang beses na ring naintriga si Paulo tungkol sa pagkakaroon ng gay financier o backer… “Nakakatawa naman. Gay benefactor? Sabi ko nga ‘Nasaan? Nasaan yung mga gamit? Nasaan ba?’” Baka pera lang? “Oh, nasaan? Hinanap muna! Asan ba yan?’ Joke lang,” ang tawa ng tawang reaksyon ni LJ. “Papayag lang ako pag si kuya Perry, usapan na namin yan! Ipamigay ba?!?,” at tumawa ng tumawa muli si LJ. “Hindi, wala, natatawa lang ako.” Tinanong ba niya si Paulo tungkol sa isyu? “Hindi. Hindi ba lahat naman ng lalaki sa showbiz, naiintriga na pag hindi bading, may dyowang bading. “Nakakatawa lang.” Halimbawang madiskubre niyang meron ngang gay lover si Paulo, ano ang gagawin niya? “Pengeng share! Hindi joke lang. Nanghingi,” at muling humalakhak si LJ. “Hindi ko alam, parang ang hirap namang humarap sa ganyang sitwasyon, hindi ko alam.” Never pumasok sa isip niya. “Hindi pa. Tsaka na lang pag meron na, tatawagan ko kayo. ‘Hello, nangyari na! Bibigyan ko kayong komisyon!’” ang tawa pa rin ng tawang pagtatapos ni LJ. Pep.ph

Tags: ljreyes