Ang Superstar na si Nora Aunor ang itinanghal na Best Actress sa awards night ng 38th Metro Manila Film Festival o MMFF 2012 na ginanap sa Meralco Theater nitong Huwebes ng gabi, December 27. Kinilala ang husay ni Nora sa pelikulang
Thy Womb na idinirehe ni Brillante Mendoza, na nagwagi namang Best Director. Tinalo ni Nora sa Best Actress category sina Angel Locsin at Angelica Panganiban para sa
One More Try, at si Judy Ann Santos para sa pelikulang
Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si AKO. Ang pagwawagi na ito ni Nora ngayong taon ang ika-walo na niyang tropeyo sa MMFF. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora pagkatapos ng awarding ceremony, nagpahayag siya ng kasiyahan sa kanyang muling pagwawagi. âMasaya ako dahil matagal akong nawala, matagal akong hindi nakagawa ng pelikula. âEto nga, muli na namang napansin ang ating nakayanan sa pelikula," sabi niya. Kinakabahan pa ba siya habang hinihintay ang announcement kung sino ang mananalo sa Best Actress? âAy, siyempre, po, hindi naman po nawawala yun," sabi ng multi-awarded actress. Hinintay ba niya uling manalo ng award pagkatapos ng huling niyang MMFF Best Actress trophy noong 1995 para sa
Muling Umawit Ang Puso? âOpo, ang huling pelikula kong nakasali noon ay ang Naglalayag [2004] at napakasaya ko dahil, unang-una, nagpapasalamat ako sa TV5⦠âHindi ko nga napasalamatan kanina, hindi ko nabanggit dahil nawala sa isip ko dahil sa nerbiyos ko. âNagpapasalamat ako dahil, unang-una, sa pagpayag nilang makagawa ako ng pelikula sa labas, dahil under contract ako sa kanila ng tatlong taon. âSo, sila ang nag-aapruba ng mga gagawin kong projects. âKaya gustung-gusto ko ang ginawa nilang pagpayag para gawin ko ang movie na ito [Thy Womb]."
PULLOUT FROM THEATERS. Nanalo man ng maraming awards ang
Thy Wombâgaya ng Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Director, Best Cinematography, at Best Original Storyânauna nang nabalita ang pagkaka-pullout ng print ng pelikula sa ilang mga sinehan. Ito ay dahil sa pagiging kulelat nito sa takilya at kakaunting moviegoers na pumapasok sa mga sinehang pinagpapalabasan nito. Ano ang reaksiyon ni Nora dito? âHindi ko alam⦠walang biro. Huwag ninyo nang itanong sa akin dahil hindi ko alam talaga," pakiusap niya. âBasta ang iniisip ko lang, makagawa ng makabuluhang pelikula. Nasa manonood na yun kung magugustuhan nila. âBasta ako, patuloy akong gagawa ng mga pelikulang gaya ng
The Womb."  Nabanggit ni Nora sa kanyang acceptance speech na itutuloy pa rin niya ang paggawa ng pelikula kahit iilan na lang ang manonood at siya na lang ang magpu-produce kahit malugi ito.  Pinatotohanan ni Nora ang kanyang mensahe na hindi siya nagbibiro. âAyun, sigurado yun! Gusto kong makagawa ng mga pelikulang magaganda talaga na kapupulutan ng aral," pahayag niya. Inaasahan ba niyang maibabalik sa mga sinehan ang pelikula niya laloât nagwagi ito ng maraming awards sa MMFF? âHindi naman ano⦠dahil may mga nangyari rin naman noon sa mga pelikula na kahit maraming napanalunan na, still, pagdating sa mga sinehan, hindi pa rin nagna-number one o number two. âSo, karamihan, ganun ang nangyayari talaga," sabi niya. Ano ba ang mensaheng puwede niyang ipaabot sa balitang na-pullout na sa ibang mga sinehan ang pelikula niya? âWell, nasa manonood yun. âBasta, gaya ng sinasabi ko nga, masaya ako dahil nakagawa ako ng pelikulang makabuluhan at kapupulutan ng aral ng mga tao. âAt hindi ako titigil sa paggawa ng pelikula na katulad nitong Thy Womb."
ERAP IS MY GUY. Si dating Presidente Joseph "Erap" Estrada ang nag-announce ng mga nanalo sa mga kategoryang Best Actor at Best Actress. Bukod pa rito, sina Erap at Nora ang ginawaran bilang Male and Female Stars of the Night. Ano ang masasabi ni Ate Guy sa presence ni Erap sa awards night? Naningkit ang mga mata ni Nora nang mapangiti nang husto. âMasaya ako sa pagkakapanalo niya," sabi ng Superstar na ang tinutukoy ay ang special award nilang dalawa. Medyo ibinitin pa nga ni Erap ang pagbabasa ng nanalo sa Best Actress na ikina-suspense ng lahat ng nasa Meralco Theater kagabi. Bago sabihin kung sino ang nanalo, nagbiro si Erap na hindi niya mabasa ang pangalan ni Nora at kunwariây nalaglag pa ang sobre. Narinig ba ni Nora ang biro sa kanya ni Erap? âAy, talaga? Hindi ko alam. Hindi ko narinig. Nasa likod kasi ako, e," sabi ni Ate Guy. Pero bago pa man ito ay nagbigay-bugay na ang Superstar sa dating Pangulo. Matapos niyang tanggapin ang Female Star of the Night award, pagkababa niya ng entablado ay dinaanan ni Nora sa kinauupuan niya si Erap. Hindi lang niya ito bineso kundi niyakap at kinamayan pa niya ito. Ano ang nagbunsod sa kanya para batiin ang dating Presidente? Matatandaang nagkaroon ng malaking tampuhan ang dalawa bago pa mapatalsik sa kanyang puwesto noon si Erap. May kinalaman sa pulitika ang kanilang tampuhan. Sagot ni Nora, âSiyempre naman, isang pagrespeto yun sa dating Presidente kaya hindi puwedeng hindi ako lalapit sa kanya. âSaka isang⦠marami rin kaming pinagsamahang pelikula na ginawa." First time ba nilang nagkita at nagkabatian pagkatapos ng mahabang panahon? Uhm⦠opo," sagot niya. Kumusta naman ang kanilang pagkikita? âWala namang nag-aaway. Okey naman," nakangiti niyang sagot. Bagamat may posibilidad na muling magsama sa isang pelikula sina Nora at Erap, wala pa raw silang napag-usapan ng dating Presidente. Sabi ni Nora, âWala pa naman, nagkabatian pa lang, walang pinag-usapan tungkol sa kung ano." Kung sakaling pakiusapan siyang mangampanya para sa dating leading man, na ngayoây tumatakbong mayor ng Manila, tatanggapin ba niya ang offer? Sagot ng aktres, âAy, wala namang problema sa akin. âAlam mo naman ako, pag kinausap ako⦠kung para sa kabutihan ng mga kababayan natin, bakit hindi?" --
Rey Pumaloy, PEP