ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos, priority ang career kaysa love life


Magsisimula sa karakter ni Rhian Ramos bilang si Diwata Magayon ang kuwento ng Indio, ang bagong epic fantaserye ng GMA-7. Sa special screening na ginanap noong January 9 sa Cinema 5 ng SM Megamall, makikita si Rhian bilang Diwata Magayon na tagapag-protekta ni Indio na ginagampanan naman ni Senator Bong Revilla Jr. Sabi nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian, ang laki ng partisipasyon niya sa pilot episode pa lamang ng Indio.           Kumpirma niya, “Ano lang... kasi yung karakter ko ang makaka-witness ng buong story. “The writer [Suzette Doctolero] thought that it would be a good idea na simulan siya na nina-narrate ko. “Pero throughout the show naman, some episodes, there’s me; some episodes, less." EVER PRESENT. Masuwerte si  Rhian dahil ang karakter na napunta sa kanya ay ang karakter na tila nandoon hanggang sa matapos ang Indio. Yung iba, halos sa pilot pa lamang ay mamamatay na at tuluyan nang mawawala. “Hindi kasi tumatanda ang karakter ko kaya nandoon lang siya the whole time," paliwanag niya. Bilang diwata, isa si Rhian sa tatlong magiging leading ladies ni Indio, bukod pa kina Jennylyn Mercado at Maxene Magalona. Ayon kay Rhian, “Kaka-stalker mode ko sa kanya, bilang palagi ko siyang sinusundan, makikita ko ang magaganda niyang qualities." Ngayon na lang ulit mapapanood sa isang teleserye si Rhian mula noong nagbida niya sa Ilumina noong 2010. Katambal niya si Aljur Abrenica sa nasabing serye. Pag-alala niya, “Matagal na akong wala sa TV as an actress, naghu-host lang ako. “Pero feeling ko, this is the perfect soap to come back. Kasi, I’m not sure... honestly, I’m not sure kung kaya kong magbida agad. “Kasi, parang feeling ko, sobrang feeling ko, nagsimula ako ulit. “May time dati na kapag napapanood ko ang sarili ko, nawala na yung kilig, nawala na yung tuwa... nasanay na ako. “A, okay, trabaho ko ‘yan. Kapag nakita ko ang sarili ko sa TV, okay. "Pero ngayon, bumalik, e. Kinikilabutan ulit ako," nakangiti niyang sabi. KILIG. Kailan niya nasabi sa sarili na bumalik na yung sinasabi niyang kilig kapag napapanood ang sarili? “Noong nag-start ulit akong magtrabaho. "Noong napanood ko yung Kontrabida Girl at Sosy Problems. Feeling ko, nag-first movie ako ulit… "Billboard din. Noong makakita ulit ako ng billboard na nandoon ako, parang hindi ako makapaniwala na nandoon ako. “So, ayun, parang feeling ko, gusto kong mag-start ulit ng ganoon." Dugtong pa niya, “Hindi naman puwedeng magbida ulit kapag first time, di ba? “So, parang yun ang feeling ko, parang perfect time to come back. “Show ni Senator Bong tapos ganito pa kaganda—at grabe ang support!" Natatawa pang kuwento ni Rhian, “Napansin ninyo ba, iniiwasan nila ang tiyan ko bilang wala pa akong abs? “So, na-touch naman ako na grabe ang support ng lahat ng tao sa show… Ang galing-galing ng director namin [Dondon Santos." Ngayon daw, mas iba na ang perspective ni Rhian pagdating sa trabaho kumpara noong bago pa dumating ang ilang  “unos" sa kanya. Sabi nga niya, “Parang I feel like I’m more hungry for it now. “I make more efforts in terms of my work—mas concerned na ko sa performance na binibigay ko. “Mas concerned na ako sa isinusuot ko kung maganda, mas concerned na ako sa katawan ko. “I started working out, which I never did before." PRIORITY. Mabilis na sinagot ni Rhian ang tanong kung ano ang mas prayoridad niya sa ngayon—career o lovelife. “Career," mabilis niyang sagot. “Alam naman ng lahat yun at walang nagtatampo, okay lang. “We’re on the same stage. Alam niya [KC Montero] rin na career ang priority ko." Sa nakikita niya sa sarili, matatawag ba niyang blessing in disguise ngayon ang masalimuot na kabanata ng buhay niya noon kay Mo Twister? “I don’t know," tugon ni Rhian. “I have the knack for turning things into something positive… I wouldn’t say it’s a blessing. “I wouldn’t say that pero I can turn something negative into something positive." Masasabi ba niyang nabura na sa kanya lahat ng hindi magandang nangyari noon? “Yes, I can say yes," natatawang sabi niya. Ang boyfriend ni Rhian ngayong si KC Montero, nakatulong ba sa kanya noong panahon na iyon para mabura ang hindi magandang nangyari? “Well, actually, no," sabi niya. “Really, I had… parang yung priority ko muna bago magkaroon ng relationship is to heal myself. “So, I had to do it myself. “It took a while, pero yung nagpabilis ng proseso, yung talagang umalis ako. “I spent time with my family. You know, they helped me. “I spent time with the people that I love na mahal din ako. That’s why, parang mabilis. “I went from so broken-hearted to now, I’m happy and I think I’m strong, smarter." REVENGE. Sa kabila ng pagiging okay na niya ngayon, paano kung buweltahan siya ulit? Nangiti ito at sabay sabing, “Actually, ano… sa totoo lang, hindi naman siya tumigil. “I think, yung tao ang tumigil. Hindi na lang sila nakinig na. "Pero hindi naman siya tumigil talking about me or anything. “So, I don’t think buweltahan ako ulit is a concern." Paano kung isa sa mga araw na ito, magkita sila? Okay lang kaya sa kanya? “Well, no…would you be okay? “Pero, di ba, what do you think is a normal person’s reaction? "That’s my reaction because I’m just like anyone else." Ano nga kaya ang magiging reaksiyon niya kung sakali? “Honestly, never kong napag-isipan. I don’t think he’ll come back naman. “Kasi, why pa? Ako, okay naman ako dito and mukhang okay naman siya doon." May pagkakataon ba itong nakipag-communicate sa kanya? “No. I changed all my numbers, I blocked all my accounts. “And if ever na napag-uusapan niya ako, I just don’t respond. “At sobrang konti na lang ang mga taong nagsasabi sa akin na, ‘Uy, napag-usapan ka ulit.’ "So, parang hindi rin umaabot sa akin." EXCLUSIVE. Sila ni KC, anong level na nga ba ang relasyon nila, gaano na ito kaseryoso? “We’re definitely exclusive for the both of us. He’s just so supportive. “He was there kanina. Hinatid nga niya ako rito. He’s just so supportive. “He’s the type of person that I need for the stage I’m in… “Because parang kung gaano ko pina-prioritize ang trabaho ko, pina-prioritize niya rin ang trabaho ko. “He’s exactly what I need right now." -- Rose Garcia, PEP
Tags: rhianramos, , Rhian, Ramos, sets