Jennica Garcia denies love life hinders her career
Mariing pinabulaanan ni Jennica Garcia ang balitang kaya hindi siya nabibigyan ng projects dahil mas inaatupag niya ang love life kaysa sa career. Hindi kaila na boyfriend ni Jennica ang dating Star Magic actor at ngayoây nasa TV5 na si Alwyn Uytingco. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennica sa GMA Annex Building, at sinabi nitong hinahanapan lang ng siya ng Kapuso network ng project na babagay sa kanya. Saad niya, âYung last series ko was Kasalanan Bang Ibigin Ka. âNoong matapos iyon, wala pa silang mabigay na bago sa akin, so puro guestings lang muna ako at mga regional shows. âHindi po totoo na tamad-tamaran ako. Ako pa ba ang tatamarin? âSaksi si Mama [Jean Garcia] na gusto kong mag-work parati. âHinahanapan lang ako ng tamang project ng GMA-7." LATEST PROJECT. Ayon pa sa balita, tinatanggihan pa raw ni Jennica ang ibang projects dahil sa madalas na pagsama nito sa boyfriend na si Alwyn Uytingco, na dahilan din para hindi siya mabigyan ng assignments. âHindi rin po totoo na tumatanggi ako sa trabaho," mariing sabi ng young actress. âBakit ko naman ako tatanggi sa grasya? Blessing po ang trabaho at hindi âyan tinatanggihan." Natuwa nga si Jennica nang isama siya sa cast ng bagong afternoon soap ng GMA-7 na Bukod Kang Pinagpala. âNoong banggitin nga nila sa akin na may bagong project ako, siyempre happy po ako⦠magiging busy na naman ako. âInisip ko rin na mawawala na ang impression ng iba na tamad ako mag-work. âNatatawa nga si Mama kasi may nakakasalubong siyang mga reporters at tinatanong kung totoo bang ayaw kong mag-work. âSinasagot naman sila ni Mama na hindi totoo. Wala raw sa personality ko ang maging tamad sa trabaho. âGusto lang ng GMA-7 na ibigay sa akin ang project na tama sa akin. âLike ito ngang Bukod Kang Pinagpala, first time ko pong makakasama si Camille Prats. âNagkakasabay na kami noon sa mga guestings pero ngayon lang kami talagang nagkaroon ng bonding sa trabaho. âSi Jackie Rice naman, kailan lang kami nagkasama kaya alam ko na kung paano siya pakisamahan. âSi Mark Anthony Fernandez naman, nakasama ko na siya before sa Ako Si Kim Samsoon⦠kuya-kuya ko siya roon. âTapos, partner ko ulit si Carl Guevara. Bale ikatlong pagtambal na namin ito ni Carl after Bantatay at My Beloved." DIFFERENT. Nagpapasalamat din si Jennica dahil sa success ng pilot week ng Bukod Kang Pinagpala. Patunay raw na hanap talaga ng marami ang kakaibang istorya ng isang pamilya. Sabi ni Jennica, âHindi nga naman pangkaraniwan na kuwento ang Bukod Kang Pinagpala. âNatatakot nga kami na baka hindi masakyan ng mga manonood. âPero natuwa kami sa pilot episode pa lang ay mataas na kamiâit means na mabilis nilang naintindihan ang istorya at inaabangan nila. âKaya maraming-maraming salamat po!" PRIORITY. Ipinagtanggol naman ni Jennica ang kanyang relasyon kay Alwyn Uytingco. âYung tungkol naman po sa amin ni Alwyn, hindi naman ako laging sumasama sa kanya. May trabaho rin po yung tao. âNagkikita lang po kami kapag libre siya. Ayoko siyang abalahin sa work niya. âNakakalungkot lang po kasi na siya ang ginagawa nilang reason bakit daw ako tinatamad magtrabaho. âPlease naman⦠sana huwag na po nating idamay si Alwyn kasi wala po siyang kinalaman sa nangyayari sa career ko. âAko ang naaawa sa kanya kasi siya ang itinuturong dahilan. Huwag naman po siya," pakiusap ni Jennica. GOD-CENTERED. May tatlong taon na ang relasyon ni Jennica kay Alwyn kaya lumawak na ang tiwala nila sa isaât isa. Pareho rin daw kasi silang active sa Bible study kaya nakadagdag daw iyon sa maganda at matibay na relasyon nila. âPrayers lang po talaga kaya ganito kami katibay ni Alwyn. âKahit na may mga tsismis na hindi maganda, nananatili kaming matibay dahil kay Lord. âDumaan na rin kaming dalawa sa mga pagsubok, but it only makes us stronger sa relasyon namin. âAlam ng mga taong malapit sa akin ang takbo ng relasyon ko with Alwyn. âBasta masaya kaming dalawa because we have God in the center of our relationship," pahayag ni Jennica. -- Ruel J. Mendoza, PEP