Walong buwang hinanapan ng materyal at kuwento ng GMA-7 si Kylie Padilla bago niya naumpisahan ang bagong teleseryeng nababagay sa kanya. Pagkatapos ng ilang buwang paghihintay, nabuo ang
Unforgettable na magsisimula nang mapapanood sa Lunes, February 25, sa Afternoon Prime ng GMA-7. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa press conference ng
Unforgettable noong Miyerkules, February 20, sa GMA Network compound. “Masaya po ako kasi maganda ang concept at story. “Matagal din akong naghintay—eight months," nakangiting pahayag ni Kylie. Pagkatapos kasi ng
The Good Daughter, dapat ay nasundan na ito agad ng
Haram ngunit na-shelved ang proyekto. Ipinalit naman ang
Pahiram ng Sandali, pero mismong si Kylie ang nag-backout sa teleserye dahil hindi pa raw nito kaya ang ilang intimate scenes na gagawin dito. Ayon kay Kylie, malaki ang kaibahan ng
The Good Daughter sa
Unforgettable. “Sa
Good Daughter kasi, nakaka-relate ako nang sobra. This one, malayo. “Tapos, yung mga ugali namin, ano siya, medyo seryoso. Hindi mo maintindihan—seryoso na takot magmahal. “E, ako in real life, mas masayahin at mas hyper ako sa kanya," sabi ni Kylie patungkol sa karakter niya bilang si Anna sa
Unforgettable. FORMER CO-STARS. Ang mga leading men niya rito ay sina Mark Herras na isang ghost at si Benjamin Alves ay lawyer ng kalaban niya pero mai-in love ito sa kanya. “
Unforgettable nga lang si Mark," sabi ni Kylie. Si Mark ay hindi na bagong makatrabaho ni Kylie. Nakasama na niya ito noon sa
Joaquin Bordado. Samantalang si Benjamin naman ay nakakasama niya sa
Party Pilipinas. Kuwento pa ni Kylie tungkol kay Mark, “Nakatrabaho ko po siya sa Joaquin, pero hindi kami nag-uusap noon. “Si Papa [Robin Padilla] kasi, palaging nakatingin noon, e. Pero ngayon, nakakasama ko naman siya sa
Party P kaya medyo po kilala namin ang isa’t isa."
WORTH THE WAIT. Masasabi ba niyang sulit naman ang paghihintay niya sa materyal na pupuwede na niyang gawin? “I guess," sagot ni Kylie. “Ibang challenge sa akin. Hindi siya madaling i-access yung character… talagang kailangan kong aralin. “Si Bea [her role in The Good Daughter], kilala ko na siya. Hindi naman ako yun, pero kilala ko siya. “Ngayon, si Ana, medyo stranger pa siya sa akin." Sabi niya, si Ana ay seryoso at takot na magmahal. Hindi ba siya ganoon sa totoong buhay? “Actually, in a way, but not as much. Takot akong maiwan ako!" natatawa niyang sabi. “Siya kasi, takot siyang ipakita na sweet, touchy. E, ako kasi, kapag mahal ko ang tao, ganoon."
RELATIONSHIP. Mabilis at nakangiting sagot naman ni Kylie nang tanungin kung sila pa rin ba ni Aljur: “Oo naman." Pero ayaw sabihin ni Kylie kung ilang taon na ang relasyon nila ni Aljur. “Sa amin na lang po yun," sabi niya. Pero sinabi rin niya na mahigit na sa isang taon. Bakit ngayon yata, biglang open na sila ni Aljur sa anumang namamagitan sa kanilang dalawa? “Hindi ko rin po alam, e. Biglang naging ganoon na lang. “Siguro, nag-evolve na rin… Naramdaman namin na it’s time to be open na." Napag-usapan ba nila na umamin na lang kapag may nagtanong sa kanila? “Hindi... napapanood ko na lang binabanggit niya ako sa mga interview," nakangiting sagot ni Kylie. Hindi itinago ni Kylie na nata-touch siya sa pagiging vocal ni Aljur tungkol sa relasyon nila. Pero ang kanyang ama na si Robin Padilla, open at okay na rin ba sa relasyon nila ni Aljur? May mga limitasyon ba si Robin sa kanila? “Okay naman," nakangiti niyang sabi. “Open naman, pero siyempre, he’s still protective—may curfew."
RELIGION. Masaya ba ang Papa niya sa relasyon niya kay Aljur kahit na sa kanilang relihiyon na Islam ay puwedeng sabihin na bawal na ito? Saad ni Kylie, “Hindi po ako practicing. Kasi, what I’m doing, umaarte, yun pa lang po kasi, haram na, bawal. “So parang ang bigat naman sa akin na sabihing I’m a Muslim. “Tapos, lahat po ng nanonood sa akin, nakikita nila na sumasayaw ako nang sexy, nagsusuot ako ng... well, mukha na po akong ipokrita at yun ang ayoko. “Gusto ko lang pong linawin na right now, I’m focusing on my job." Ano na ang kinabibilangan niyang relihiyon? “I still believe in Allah. Tawag ko kay God, Allah. It’s personal. Me and God. “Ayoko po kasing maging ipokrita." Aminado naman si Kylie na nalulungkot ang Papa niya sa naging desisyon niyang ito. “Siyempre po, nalulungkot si Papa, pero naiintindihan din niya ang pagmamahal ko sa trabaho ko. “Kasi, ganun din naman siya. At saka, hindi naman nawala ang Diyos sa puso ko, He’s still there." Dahil hindi siya practicing Islam, malaya ba siyang makipagrelasyon? “Hindi yun connected," mabilis niyang sagot. “Palagi kong sinasabi na not because I’m not practicing, puwede na akong makipag-boyfriend… na-in love lang talaga ako sa tao. “Nag-promise na nga ako sa sarili ko na hindi ako magbo-boyfriend ng showbiz."
“PLAYBOY." Ano ang mga katangian ni Aljur na nagpamahal sa kanya sa kabila ng nabansagang “playboy" ang Kapuso actor? “Nakilala ko kasi kung sino talaga siya. Hindi yung showbiz na side. “So, na-in love ako sa hindi showbiz." Pareho naman ang naging sagot nina Aljur at Kylie sa ginawa nila noong Valentine’s Day. Kuwento ni Kylie, “Siyempre, nagbigay siya ng bulaklak. Pinagluto niya ko ng spaghetti na pang-diet. “Tapos, nanood kami ng
The Notebook." Hindi raw natuloy ang stargazing na gusto niya sanang gawin? “Hindi po. Kasi, dapat may taping ako noong araw na yun. Alam po namin na may taping ako, pero hindi natuloy." Masaya ba siya noong Valentine’s Day? “Mas kinilig ako noong birthday ko," pag-amin niya. Ito raw kasi yung noong January 25 kunsaan hinarana siya ni Aljur. “Iba kasi ang feeling, mas kilig yun," sabi niya.
BASHERS. Nag-post si Aljur sa kanyang Twitter account ng pakiusap sa mga diumano’y bashers ni Kylie. Ano ang naging pakiramdam niya nang mabasa niya ang naging tweet ni Aljur? “Siyempre, personally, masaya as a girlfriend. Pero, parang mas gusto ko na huwag na lang. “Kasi siyempre, yung mga fans nila, mas nauna naman sila, e. “Kasi, naging fans sila bago ako naging girlfriend, nirerespeto ko yun. “Pero sometimes, masyado nang masakit ang sinasabi ng mga fans." Ano ang pinakamakasakit na sinabi sa kanya? “Wala akong kuwenta... ang dami. “Possessive naman kasi." Iniiyak ba niya kapag nakakabasa ng mga hindi magagandang tweet sa kanya o hindi na lamang niya pinapansin? “Sensitive kasi ako, especially if I am having a bad day. Tao lang ako. “At saka, ayokong mawala yun. Baka otherwise, hindi ako makaarte nang maayos. “Kasi, kapag pinapatay ko ang nararamdaman ko, parang feeling ko, nagna-numb lang. Hindi ko magagamit sa acting." Noong nag-tweet si Aljur, sinabihan ba niya ito ng nararamdaman? Sagot ni Kylie, “Hindi, kasi tina-tag din siya. At saka, nakikita niya na naapektuhan ako. “Bigla na lang yun na nag-tweet siya. Nakita ko na lang after ng first tweet niya. “Pero, okay na. Sinabi ko rin na huwag na lang." --
Rose Garcia, PEP