
Agad na ipinaliwanag ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Cinema News ang balitang hindi raw sila nagpansinan ng ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes nang magtagpo ang landas nila sa opening ng bagong branch ng Belo Medical Clinic sa The Fort last February 12. Sa panayam kay Karylle sa nakaraang Velvet The Oscars Party 2013 noong nakaraang Miyerkules, ikinuwento ni Karylle na nagbatian sila ng ex, taliwas sa sinasabi ng iba na may isnabang naganap sa kanila. “I had the feeling that he will be there and I saw him inside, sinilip ko siya coz I think he’s migrating in one of the rooms. When I saw him, nag-hi lang kami but from afar," kuwento niya. “Siyempre, medyo mahirap makipag-usap o makipagkuwentuhan sa ganung lugar but pag iba namang event or medyo private event, okay na yun." Ayon kay Karylle ay maraming pagkakataon na rin naman silang nagkita sa ibang event ni Dingdong at sa mga pagkakataong ito ay nagbatian din naman sila. “Maraming beses na rin naman kaming nagkita... it’s a small world," dagdag niya. “Sa Bench [fashion show] nagkita rin kami, palaging from afar. I guess for now that’s more than enough, as long as he knows it’s a genuine smile."
NO NEGATIVE VIBES. Siniguro rin ng TV host/actress na wala na siyang nararamdamang anumang negative feelings para sa ex lalo’t nakapag-usap na naman sila nang maayos after their break-up. “Okay na naman ang lahat, e. Nakapag-usap na rin kami, siyempre di niyo na rin alam yun pero di naman kailangan na may camera dun. “Matagal na matagal na yun. If I’m happy for him?... Oo naman!" Tinanong namin si Karylle kung open ba siyang makasama muli sa trabaho si Dingdong kung saka-sakaling may mag-alok sa kanya. “I don’t think there’s an offer... mahirap namang mag 'what if?'... di naman ako producer. “I think more than anything, kung anuman ang kuwento... ganyan. “Dun na lang natin malalaman talaga, kailangang pang-Oscars. Wala pang Best Foreign Film na nanggaling sa Pilipinas, kung kasing-worthy nun, e di why not? --
Melba R. Llanera, PEP