ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Second sexy magazine cover ni Isabelle Daza, aprub kaya sa kanyang inang si Gloria Diaz?
Si Isabelle Daza ang latest cover girl ng Cosmopolitan Philippines Magazine, at kapansin-pansin na medyo sexy ang concept ng pictorial niya para sa summer-themed April 2013 issue na ito.
“This is my second sexy cover na pinagbawalan ko ang mom ko na magpunta sa photo shoot, kasi… alam mo na!” sabay tawa ni Isabelle nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) backstage sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.
Matatandaang naintriga noong nakaraang taon ang pictorial ni Isabelle para sa cover naman ng Rogue Magazine.
Naging issue ito dahil sa napabalitang pagsugod, pagtataray, at paninita umano ng kanyang inang si Gloria Diaz sa mga staff ng magazine dahil sa sexy concept ng shoot.
Pero masayang ibinalita ni Isabelle na iba raw ang naging sitwasyon ngayon sa photo shoot niya sa Cosmo.
“Excited ako dahil napakaganda ng magazine. Napakaganda ng theme.
“Yeah, I’m excited for it to come out kasi pang-summer.”
Suot ni Isabelle sa naturang cover ang isang sexy pink one-piece swimsuit na may mababang cut sa may dibdib.
Ano ang naging reaksiyon ng kanyang inang si Gloria sa cover photo niyang iyon?
“Nakita na ng mom ko. She’s happy naman. Wala na siyang violent reaction this time.
“Oo, proud siya!” sabay tawa ulit niya.
Isa pa sa pinag-ugatan ng problema nila ng kanyang ina noon ay dahil hindi umano ipinaalam ni Isabelle sa kanyang ina na gagawa siya ng isang sexy pictorial.
Ngayon ba ay nagpaalam na siya sa ina?
“Um, kahit hindi ko ipinagpaalam sa kanya, I just did it.
“After ko na lang sinabi kasi kung ipagpapaalam ko pa ‘yon, baka… pumunta na lang siya do’n!” muling pagbibiro ni Isabelle.
“But at least, ngayon, happy na siya. She’s okay naman with it.
“Kasi I’m older na naman, at saka summer naman nga ‘yong concept, e. Hindi naman puwedeng puro covered off,” paliwanag niya.
Hanggang ngayon ba ay pinagbabawalan pa rin siya ng ina na magpa-sexy sa photo shoot?
“Okey lang naman sa kanya basta may limit, and… same sexiness lang naman ‘yong ginawa kong pictorial doon sa first ko.
“Pero I think this one is just more for the girls. For girls kasi ‘yong magazine.
“But I’m so equally proud as my other one,” nakangiting wika ng dalaga.
HOLY WEEK IN BALI. Dahil napag-uusapan na rin lang ang summer, tinanong ng PEP kung saan nakatakdang magbakasyon ngayong Holy Week si Isabelle.
“Siguro I’m gonna go abroad. I’m gonna go to Bali [Indonesia] with my friends.
“And also, my mom will be there with my family, so iyon, para maiba. That’s my summer get away.
“After that, puro work na naman.” - Ruben Marasigan, PEP.ph
Tags: isabelledaza, gloriadiaz
More Videos
Most Popular