ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rafael Rosell: 'So far, it’s been the greatest years of my life… single'
Walang maibigay na definite plan o itinerary si Rafael Rosell para sa Holy Week vacation niya. Sabi niya, “Hindi ko pa talaga alam kung saan, e. “Kasi yung usual plan ko, since lahat ng nasa Manila lumalabas pag Holy Week, wala sila dito sa Manila… “Parang ghost town dito, parang gusto kong mag-Manila na lang. “Kaso nag-invite si Mommy na mag-spend ng Holy Week sa Singapore. So, two options—either sa Manila or Singapore. “But definitely pagbalik ko after Holy week… surf! Magse-surf ako. “Although tapos na rin ang tapings namin ng Temptation of Wife kaya may oras naman para magbakasyon,” kuwento ni Rafael. CONFIDENTIAL. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael last Sunday, March 24, pagkatapos ng live appearance niya sa Party Pilipinas. Tanong agad namin kung meron nang follow-up na bagong TV project para sa kanya ang GMA- 7 ngayong tapos na ang taping niya sa Temptation of Wife? Saad niya, “Hindi ko muna puwedeng i-disclose pero maraming mangyayari sa future, very exciting." Magpapahinga ba muna siya nang matagal? “Hindi, hindi. Pero mag-yu-US tour muna kami… pupunta kami ng US at Canada kaya excited ako doon,” ang sagot niya. SATISFIED. Mukhang happy siya sa status ng career sa GMA-7 base sa glow ng mukha ni Rafael. “Yes, very happy,” kumpirma niya. Si Rafael ay dating talent ng ABS-CBN kung saan siya nagsimula. Dugtong ng binata, “No, I was happy naman sa kabila. I didn’t move naman because I wasn’t happy. “Lumipat ako because I was looking for change. So, nahanap ko yung change that brought me happiness rin.” Ano yung change na sinassabi niya? Tugon niya, “Eto… new people, new environment with the same old ano… pero ano… “Ahmm… change in terms of working experience, new environment, different bosses, different politics.” CHRISTIAN'S TRANSFER. Gaya ni Rafael, ang dating Kapamilya na si Christian Bautista ay lumipat na rin sa GMA-7. Magkasama dati sa ASAP ang dalawa at ngayon ay muli silang magkasama sa Party Pilipinas. Ano ang masasabi niya sa paglipat ni Christian? “Actually, I saw that coming but don’t tell anyone, but put it down on record na,” mabilis niyang sagot. “I had a weird premonition. Ang weird ng premonition ko. “Kakalipat ko lang dito, one week after nakausap ko siya. I just thought about na parang… baka kaya? “But then [setting it] aside, hindi siguro. Kasi we don’t usually speak, e… we don’t really talk. “And then noong tinawagan niya ako after I transferred, nagtanong siya, ‘Paano mo nagawa yun?’ “Sabi ko, ‘You just follow your heart. Hanapin mo kung ano ang gusto mong hanapin, sundan mo ang puso mo.’ “And then, hindi ko na nakausap uli and then noong sinabi sa akin na, ‘O, si Christian Bautista pala, lumipat na.’ “Sabi ko, ‘Ah, okey! I had a feeling!’” Ibig sabihin, tinawagan siya ni Christian kahit hindi naman sila madalas mag-usap noong nasa ASAP pa sila? “Oo, tumawag siya para mag-congratulate at para i-greet ako. Tapos, isiningit na rin niya yung tanong kung paano ko nagawa. “And mula doon, nagkaroon na ako ng kutob na baka nga, pero hindi ako sigurado.” Patuloy pang kuwento niya, “I told Christian na it took a month, I meditated. “Nag-soul journey ako sa nature. Nag-venture ako in solitude… “Don’t confuse solitude with loneliness— I wanted to be alone. Nag-meditate ako… nag-pray ako kay Lolo— search for God. “And napansin ko na palaging akong nae-excite pag nasa bagong environment ako or may nami-meet akong mga bagong tao. “So, sabi ko, ‘Siguro, I just need a change of environment sa buhay ko.’” FRIENDLY ADVICE. Anong sinabi niya kay Christian noong nagkita sila sa Party Pilipinas? “Congrats! You followed your heart! Then sabi niya, ‘Yes!’ Sabi ko naman, ‘Welcome! This is a new beginning for you.’” Bakit nga ba naglilipatan ang mga talents ng isang istasyon sa ibang network? Gusto rin kaya ni Christian ng change? “Siguro nga, gusto rin ng change or looking for other opportunities. But in the end, we are all for other opportunities.” STAYING SINGLE. Kumusta naman ang lovelife ni Rafael? “I love life!” mabilis at nakangiti niyang sagot. “Tulad ng philosophy ko, yung philosophy ko sa Twitter na love life above all, as in always.” Pero nasa relasyon ba siya ngayon? “I’m into girls… yeah. But I’m not into a relationship. I don’t like relationships for now… hindi muna para sa akin. “It takes away my focus from my life,” giit niya. “Ganoon kasi ako pag may mahal, igi-give up ko lahat ng nasa buhay ko at tutukan ko yung babaeng mahal ko… So, pahinga muna. “So far, it’s been the greatest years of my life… single.” - Rey Pumaloy, PEP Tags: rafaelrosell
More Videos
Most Popular