ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gianna Revilla discloses dad Bong's 'bawal pang ligawan' policy


“A, okay naman po, nag-enjoy po kami ng family and it was one of the best summer vacations namin,” kuwento ni Gianna Revilla tungkol sa Boracay escapade nilang mag-anak nitong nakaraang Holy Week. Taun-taon nila itong ginagawa. “Kasi po actually one of the best nga po kasi everytime po na nagbe-vacation kami kasi minsan-minsan lang po yan kasi lahat po kami busy lalo na sina papa at mama kaya iyon po.” Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potral) si Gianna nitong Huwebes, April 4, sa Carron Dreampark sa Nueva Ecija sa taping ng Teen Gen, ang youth-oriented show ng GMA-7 na napapanood tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng Party Pilipinas. Malapit na ang eleksyon, at isa rin ito sa mga pinagkakaabalahan ng baguhang female star since parehong kumakandidato ang mga magulang niyang sina Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at Cavite Congresswoman Lani Mercado. “Opo, tumutulong pag may time kasi taping,” pag-amin niya. Mas madalas raw siyang sumama sa kampanya ng ama niya. Sa Teen Gen, ang ka-loveteam ni Gianna (bilang Madison) ay si Seth Isay na gumaganap bilang si Itos. Nakilala na raw ng parents niya si Seth Wala naman daw naging comment ang mga ito tungkol sa kapareha niya. Hindi ba siya kinakabahan kapag nakilala na ni Seth ang parents niya? “Hindi naman po kasi trusted naman po nila ako,” diin niya. Si Seth ba ay trusted rin ng parents niya? Tawa lang ang isinagot dito ni Gianna. Pareho silang seventeen years old at parehong taga-Alabang, pero magkaiba ang school nila. Napag-alaman naman ng PEP na kaka-graduate lang ni Gianna ng High School sa Dela Salle Santiago Zobel-Alabang nitong March 22. Nag-attend ang parents niya, pero sa tanong kung ano ang graduation gift sa kanya ng mga ito, tumatawang sinabi ni Gianna na… “Wala pa po!” BSBA-HRM naman ang kursong plano niyang kunin sa College of St. Benilde. Birthday wish Pero sa eighteenth birthday niya sa August 15 ay may gusto raw siyang hilingin sa mga magulang niya. “Siguro po car kasi iyon yung most efficient way and hindi na lang… yung hiniling ko po car na lang kasi pag nag-debut [party] pa ako mas magastos,” kuwento niya. Kaya wala siyang engrandeng party. Hindi pa raw niya nahihiling ang kotse at hindi pa niya alam kung anong klaseng sasakyan ang gusto niya. “I don’t know po kasi magastos ngayong eleksyon,” banggit niya. “Kahit ano basta may car. “And sabi ko magpapakain na lang ng food sa mga children na ano.” Mga streetchildren ang tinutukoy ni Gianna. Kaya kahit minsan lang ang debut sa buhay ng isang babae ay willing siyang i-give-up ang pagkakaroon ng debut party. “Opo, kasi po parang ano... kasi palagi namang masaya yung ano... yung life namin so it’s okay to give up something na kahit this birthday ko lang kasi next year puwede naman mag-celebrate.” Kaya si Gianna mismo ang nagdesisyon na ayaw na niya ng bonggang party. “Opo, para makatipid po rin.” Hindi naman din daw siya ine-encourage ng mommy niya na magkaroon siya ng debut party. Ang kotse na ginagamit niya ngayon… “Yun pong van na kaming magkakapatid ang gumagamit.” No suitors allowed Hindi rin guwardiyado sa taping ng Teen Gen si Gianna kahit anak siya ng mga pulitiko. In fact, sa first taping day lang siya sinamahan ng mommy niya. Hindi rin daw mahigpit ang daddy niya, pero bawal pang ligawan si Gianna. Kaya kahit si Seth ay hindi nanliligaw sa kanya. Pareho silang taga-Alabang ni Seth, kaya kung sakali ay madali siyang mapupuntahan o mabibisita nito para ligawan. “Bawal po,” pag-amin niya. Hindi ba niya type si Seth? “Hindi naman po sa ganoon.” Wala rin daw crush na kahit sino si Gianna. Wishes for more projects Wala pa siyang soap, kaya ang Teen Gen pa lang ang show niya. Pero kung mabibigyan ng pagkakataon gusto niyang magkaroon ng soap o drama series. “Okay lang po pag bibigyan ako ng project.” At bukod sa mommy niya, gustong tularan ni Gianna ang career path ni Angelu de Leon na kasama rin sa Teen Gen, along with Bobby Andrews. “Kasi parang super-natural lang sa kanya yung mga sinasabi niya and iyon, tapos nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya, hindi stressed and suwabe lang,” pagtukoy niya kay Angelu. Pep.ph