ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Andi Eigenmann on reconciling with Jake Ejercito: 'As of now, there’s no chance'


Dalawang linggong nagbakasyon si Andi Eigenmann sa London. At kapag nababanggit ang bansang London na si Andi ang kausap, ang dating boyfriend na si Jake Ejercito agad ang naiisip ng entertainment press. Nang makausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited press si Andi sa ginanap na press conference ng Coming Soon (ang indie movie na prinodyus ng Fearless Productions at Brownsugar Entertainment) kahapon, April 5, ang tungkol sa naging bakasyon nito sa London ang isa sa mga unang kinumusta sa kanya. Still communicating with Jake Si Jake nga ba ang pinuntahan niya sa London? “Hindi po, si Harry Potter ang pinuntahan ko ro'n,” natatawa niyang sabi. Nandito ngayon sa bansa si Jake, tumutulong sa kampanya. Pagkumpirma naman ni Andi, “Yes, he’s campaigning for his father and his niece, Janella Ejercito.” May komunikasyon sila ngayon? “Meron po, magkaibigan naman po kami. Minsan, tinutulungan ko ang kanyang pamangkin. Sa anak po ni Jinggoy [Estrada], si Janella Ejercito po.” E, sa ama ni Jake na si dating Pangulong Joseph Estrada, wala ba siyang planong ipangampanya rin ito? “Siyempre, I’ll gladly help as long as naniniwala po ako na karapat-dapat maupo sa puwesto ang tumatakbo, I will always gladly help. Pero, kung hindi naman po kailangan ang tulong ko, ang kapal ko naman para pumunta ro'n at tumulong.” Happy now Mas seksi pa ngayon si Andi at mukhang masaya naman nga ito sa buhay niya ngayon. Pero kung tatanungin nga ba siya, kumusta na nga ang personal na buhay niya? “Masaya 'ko,” nakangiti naman niyang sagot. “Masaya lang. Si Ellie, nagpapasaya,” natatawa niyang sabi. Bukod kay Ellie, sino pa ang nagpapasaya sa kanya? “Nanay ko,” natatawang sabi rin niya. All's well with mom Jaclyn Nangangahulugan ba ito na magkabati o nagkaayos na sila ng mommy niya na si Jaclyn Jose? “Opo, okay na kami ng Mommy ko. I think, normal lang naman yun sa lahat ng mag-ina na nag-aaway.” Paano sila nagkabati? “Wala, siguro pagbalik ko ng London, siguro na-miss niya 'ko,” sabi niya. May naging usapan ba sila ng Mommy niya na tipong hindi na ito magbibigay ng anumang komento o pahayag sa press pagdating sa kanya? “Okay lang po,” natatawa niyang sagot. “My Mom naman, never naman siyang nanghimasok. She felt... parang nasaktan din siya. “Parang nainsulto siya na parang ang sama-sama namang tao ng anak ko para ikahiya o para i-deny. It's just that my Mom didn’t get it and my Mom felt the need to defend me. “Because my Mom wanted people to understand na... yun nga, hindi naman ibig sabihin kahiya-hiya ako if ever na i-deny ako. Siyempre, nasaktan din siya.” Wounded, but moving on Kung tatanungin siya, anong estado na nga ba ng puso niya para kay Jake? Naka-move-on na ba siya o umaasa pa rin siya na may posibilidad pa rin na magkabalikan sila? “Well, dati po kasi, it’s all about hoping. I’m not saying that I want to be with someone else, but right now, I’m happy. Yeah, I’m happy but towards him specifically... siyempre, ano pa rin... wounded pa rin. “Siyempre, masakit naman kasi,” saad niya. Kanino siya madaling nakapag-move-on, kay Jake o kay Albie Casiño noon? “Of course, madali akong naka-move-on kay Albie because that’s the reason why I left him is because I wanted to be with someone else and I didn’t love him anymore.” Hindi ba love in rebound yung nangyari kay Jake? “Ay hindi, kasi, kaya ko nga iniwan is because I don’t wanna be with him na. Kung hindi naman, hindi ko siya iiwan.” May pag-asa pa kayang magkabalikan sila? “Well, that’s what I always say, I care for him a lot. And because I care for him a lot, the thing is, he broke my heart. As of now, there’s no chance. Yun nga po, masakit, e,” paglinaw niya. “Parang, why is it because me, I’m just a normal person and you, somehow of royal blood because you’re the son of President Estrada and does that mean everything has to be in your favor? I’m still a lady and I still deserve to be respected and treated well. “So, I’m not gonna...di ba, just because bumalik ka, okay na agad lahat... forgiven na?” Sa mga interbyu ni Jake, nasasabi nito na “better off as friends” na lang sila. Kapag nakakabasa siya o nakakarinig ng ganoon mula kay Jake, na-o-offend ba siya? “Yes,” mabilis niyang sagot. “I used... hindi naman po sa nagmamayabang o mataas ang tingin ko sa akin. Pero sa tingin ko naman po... I mean, wala na po. Medyo masakit po na kinakahiya ka.” Ganoon ang nagiging impresyon sa kanya? “Opo… bakit hindi niya kayang sabihin kasi, kinakahiya niya 'ko or hindi niya ako kayang ipaglaban to be able to tell the truth, hindi po ba? “So, for me, I believe na kung wala naman akong ginagawa or kung hindi nahihiya ang tao na sabihin na ako ang mahal niya, dapat hindi siya nahihiya to fight for me. “Dapat alam niya na there’s nothing wrong with that,” diin ni Andi. Dating? Ngayong “single” siyang muli, open na rin ba siya sa pakikipag-date muli sa ibang lalaki o mag-entertain ng posibleng bagong maging boyfriend? “On dates?” napaisip niyang sabi. “I’m not open to it. I mean, I went on a date, parang before I left for London, pero, wala… yun nga po, parang I’m just trying... basta, I’m okay. Life goes on. If we’ll not get back together or he doesn’t want to be with me, so be it.” Non-showbiz naman daw ang naka-date na yun ni Andi. Reconciling the moms Nagpahayag si Jake na gusto nitong magkaayos muli ang mga mommy nila— si Laarni Enriquez at si Jaclyn. Ano naman ang masasabi niya ro'n? “I don’t think I’m in the position or it's my job to do that. Because even I got hurt,” saad niya. Dugtong pa niya, “I mean... I know I made mistake, probably at one point, kasalanan ko kung bakit hindi ako natatanggap ng mommy niya. Pero, wala po akong ginagawang masama, especially my Mom. “My Mom never did anything wrong.” Pero nandoon din ba ang hangad niya na magkaayos din ang mga nanay nila? Aniya, “Siyempre po naman, in time, of course, all I wanted was his Mom to like me. So, di ba, sa tingin ko naman, kasunod na yun. If by some miracle, his Mom would accept me, e, di my Mom din... kasi, nanay ko naman siya. “We’re a package. But I guess, that would only be necessary kung magkakaroon kami ng relationship ulit ni Jake na I can’t say for sure kasi, di ba po, it’s not easy.” Naitanong tuloy namin kay Andi kung simula’t sapul ba, hindi na siya tanggap ng Mommy ni Jake? “I’m not sure po, I’m not sure,” saad niya. Dati ba, kumusta ang relasyon niya kay Laarni? “She’s known me since I was a little girl, kasi family friend. Yes po, kilala ko ang Mom niya.” May nabago lang sa relasyon o pakikitungo nito sa kanya noong naging sila na ni Jake? “Honestly I can’t... I don’t want to say that, kasi hindi naman po ako ang Mom and wala po akong alam talaga. So, parang it’s pretty late na nang malaman ko na I wasn’t accepted pala,” banggit niya. Ang nanay naman daw niya na si Jaclyn, naka-suporta lang naman talaga sa kanya palagi. “My mom always supports me. You know, even if she doesn’t agree. Even if she would get hurt at some point, she’d still support me. Parang dati, sinuportahan niya ko kahit against siya ro'n. “Ngayon, naniniwala siya na yung mommy ko, parang kung kami naman talaga ni Jake ang meant for each other, of course, she will do that for me. I mean, of course, she would want her and his mom to be okay because that’s what I want.” Andi as producer Sa isang banda, isa rin sa producer ng Coming Soon si Andi na ipapalabas na sa April 17. Sabi naman agad ni Andi, “Oo, producer ako, pero, hindi naman kasing-laki [ng investment] nilang tatlo [Ronald Singson, Neil Arce at Boy 2 Quizon]. Small percentage lang.” Posible kayang simula na ito ng pagpasok niya sa pagpo-prodyus ng mga pelikula? “Para sa akin, okay naman. Okay, I’d want to get into that. Pero sabi ko nga, kung may gagawin ako besides being in front of the camera as an actress, parang gusto ko, screenplay writing or directing,” pangwakas niyang saad. Pep.ph