Kylie Padilla dismisses comparison to cousin Bela Padilla; denies dating Mark Herras
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie Padilla sa taping ng Unforgettable sa Tagaytay City noong Martes, April 16. Tinanong namin si Kylie kung itinuloy ba niya ang pagiging interior decorator ng bagong bahay ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica. “Ha? Hindi naman, hindi naman... "Nag-suggest lang ako ng mga puwede niyang gawin para maaliwalas. Ginawa naman daw niya. “Hindi naman po ako ang nag-design!” natatawang sabi ni Kylie. In a separate interview, sinabi ni Aljur na gusto nito ang suggestions ni Kylie sa pagpapaganda ng bagong pagawang bahay ng Kapuso hunk. Nakapunta na raw si Kylie sa bagong bahay ng kasintahan, at sa Mayo ay malamang lumipat na doon si Aljur. ROCCO AND MARK. Samantala, masaya si Kylie sa pagpasok ni Rocco Nacino sa pinagbibidahan niyang afternoon soap sa GMA-7, ang Unforgettable. Unang nagkasama ang dalawa sa The Good Daughter. Si Rocco ang bagong love interest ni Kylie sa soap, bukod pa kina Mark Herras, Benjamin Alves, at Polo Ravales. Bakit hindi si Aljur ang ipinasok sa Unforgettable? Sabi ni Kylie, “May Indio siya, e. Bawal daw po yung dalawang show ang papasukan.” Hindi ba nagselos si Aljur? Hindi ba nito pinagseselosan si Rocco? “Hindi naman, hindi po. 'Pag sa show po, hindi siya nagseselos.” Itinanggi naman ni Kylie ang report na nag-date daw sila ni Mark. Aniya, “Oo nga, ano ba yan? Hindi po totoo yun. "Never kaming nag-date. Dito lang po sa set kami nagkikita.” RAPE SCENE. May rape scene si Kylie sa Unforgettable with Polo Ravales as her rapist. Unang beses daw na magkaroon ng rape scene si Kylie sa isang project. Pero paglilinaw niya, “But it wasn’t really yung… it wasn’t really gising ako, dinrug [drugged] ako tapos nung eksena na lang na naka-tube ako, nakakumot parang nakahubad, tapos na.” Napupuri ang acting ni Kylie, na hindi siya nauubusan ng luha sa mga madadramang eksena. Sabi niya tungkol dito, “Pero tinutulungan po kami ni Direk Gina [Alajar] always, every take. “Pag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang kay Direk Gina, tutulungan ka niya. “Tsaka tinuturuan din po niya ako ng mga technique kung paano. “Kasi ayaw ni Direk na mapagod kami, kasi siyempre almost every day, taping day, iiyak kami. “So, ayaw niyang masyadong yung hugot [ng matitinding emosyon]. “Nagustuhan ko yun, dito ko lang natutunan yun. “Yung pag-iyak, kailangan pa din ng effort, in character dapat.” KYLIE VS. BELA. May mga nagsasabi na mas magaling umarte si Kylie kumpara kay Bela Padilla, na napapanood naman sa primetime series na Love & Lies. Ngunit ayon kay Kylie, “No comment. Kasi pinapanood ko naman si Bela, magaling naman siya, e. “Lahat nga sa Twitter, ‘Ang galing ni Bela!’ “Pinapanood ko po siya.” Ano ang reaksiyon ni Kylie kapag ipinagkukumpara sila ni Bela at sinasabing mas mahusay siya rito? “Honestly, nasasaktan ako kasi pinsan ko yun. Pero hindi ko na lang po masyadong iniisip yun kasi nakakaano sa trabaho, e. “Pag iisipin ko yun, baka naman maging ganun nga yung tingin ko sa sitwasyon. “Ayokong isipin masyado.” Napag-usapan ba nila ang tungkol dito? “Noon sa workshop, napag-usapan, it was brought up. We just opened up the topic of us being compared.” DANIEL PADILLA. Nabanggit din ang tungkol sa isa pang pinsan ni Kylie, si Daniel Padilla. Ayon kay Kylie, “May isyu sa kanya! Yung kay Julie Anne [San Jose] daw at saka kay Elmo [Magalona]. “Nabasa ko lang din sa Twitter—‘yang Twitter na ‘yan, ‘yan talaga—na nayayabangan daw sila. “Kilala ko DJ [Daniel], kilala ko rin po si Julie Anne tsaka si Elmo. Wala naman pong mayabang sa kanilang tatlo. “Ang nangyari daw ha, hindi ko alam, inasar daw nila yung boses ni Daniel. Tapos yung sagot daw ni Daniel, mayabang. “Hindi naman mayabang si Daniel.” Hindi raw nagulat si Kylie sa mabilis na pagsikat ni Daniel. “May hitsura naman, e!” ang tumatawang sabi ni Kylie. Dagdag niya, “Nakilala ko siya nung hindi pa siya ganung kasikat, e.” ENDING. Kung si Kylie ang scriptwriter ng Unforgettable, paano niya tatapusin ang show nila? Bubuhayin ba niya si Mark, o magiging masaya na siya na either si Rocco o si Benjamin ang makakatuluyan niya? “Hopeless romantic ako, e—bubuhayin ko si Mark! “O mamamatay na lang din ako! “Puwede rin. Gusto ko happy ending.”-- Rommel Gonzales, PEP