ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Andrea del Rosario on Vin Diesel: 'I will not go out of my way to see him'
Ikinagulat ng aktres at dating Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario ang pagdating sa Pilipinas ng Hollywood action superstar na si Vin Diesel. Ilang araw manananatili sa bansa si Vin para sa red-carpet premiere at Asian promo torun ng bago niyang pelikula na Fast and Furious 6. Kung bakit nababanggit si Andrea sa pagdating ni Vin sa Pilipinas ay dahil na-link ang aktres sa Hollywood actor nang magkita sila sa Amerika ilang taon na ang nakararaan. Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa condo unit niya sa San Juan kagabi, May 15. Ayon sa aktres, hindi niya nabalitaan ang pagdating ni Vin sa Pilipinas. “Hindi ko nga alam na nandito, e,” bungad niya. “Nalaman ko na lang nung nandito na siya. “But siyempre, hindi naman na… as if, you know, we’re that close. “It was like eight years ago also and so many things happened after that. “So, okey lang. Dumating siya, nandito siya… but he’s busy naman. “Kasi iba naman ang mundo naming dalawa, di ba? “Saka I don’t wanna bug him. “Kasi ang paniniwala ko, if he remembers me, fine. “If he wants to see me, okay. And if he doesn’t, okay din lang. “I don’t really expect that he stills remember me, di ba? “But I hope… and according to his interview with Ricky Lo, he [Vin] said he remembers me. “So, ewan ko now, kasi ang tagal na nun.” Hindi naman itinanggi ni Andrea na gusto rin niyang makaharap uli nang personal si Vin. Paliwanag niya, “I just wanna know kung ano ang magiging reaksiyon niya pag nagkita kami at kung maaalala pa niya ang hitsura ko. “Kung mangyayari, okay lang. Kung hindi, like what I said, okay din lang.” LAST MEETING. Ang huling pakikipag-usap daw ni Andrea kay Vin ay sa email lang. “I think that was 2005. Imagine, ilang years na yun? “And after that, hindi na kami nagkausap. “I don’t know if he’s still using that mail.” Base sa mga balitang lumabas noon, nabihag daw ni Andrea ang puso ni Vin. Kahit nandito na raw sa Pilipinas ang aktres ay kinukumusta pa rin siya ng Hollywood star. Ano ang nangyari at biglang naputol ang kanilang communication? Sagot ni Andrea, “Siyempre, hindi naman ako nag-aambisyon na it’s gonna be more than that. “It’s just one of those random things na nangyari… na na-meet ko siya, nagkaroon ng bonding moment. Ganun. “Kumbaga, let’s leave it at that. “And if he’s here, it’s nice to know he’s finally here in our country. “If I see him, okay, but if not, it’s not a big deal… ganun, e.” Ibig sabihin, hindi niya priority na makita si Vin? “Oo, e,” mabilis niyang sagot. "I mean, kung makita ko siya, and to see if he still remembers me, mangyayari pag talagang mangyayari. “But I will not go out of my way to see him, alam mo yun “Hindi ako yung, ‘Hey, did you see me?!’ No. “Kasi, even when I met him before, hindi ko naman sinabing artista ako. I never really pushed myself to get his attention. “Nandun si Michelle Bayle, she saw everything, e. She’s my witness. Nandun kami sa bahay niya [Vin].” Si Michelle ay dating kasamahan ni Andrea sa ABS-CBN na ngayo’y naka-based na sa States. Patuloy pa ni Andrea, “He invited me so many times to come back [sa bahay ni Vin] and he wanted me to stay there. And I said no… “That was 2005 noong magsama kami.” Ilang beses silang nagkita ni Vin sa Los Angeles? “Dalawang beses bago ako umalis pabalik ng Pilipinas. “Of course, he wanted to see me after the two meet-ups. But I said I can’t, I have to go back [to Manila]. “It was nice a meeting kahit sandali lang,” sabi ni Andrea. COMMON DENOMINATOR. Napangiti si Andrea nang matanong kung bakit madali silang nagkapalagayan ng loob ng foreign actor. “We have a common denominator. Yun bang nagka-connect kami agad. “May twin siya, e. Ako rin may twin. “So when I mentioned to him na I have a twin brother, natuwa siya. “Yun ang magandang naging connection namin. “Nanghihingi nga ako ng picture ng kapatid niya. Naaliw nga ako, naaliw din siya sa akin. “Actuallly, mostly ganun tumakbo yung usapan namin—more on family. “Iwas nga akong sabihin sa kanya na artista ako dito sa atin.” Paliwanag ng aktres, “I did not made an effort to get to know him kasi talagang magkaiba naman ang mundo namin. “Kung mangyayari, mangyayari. Kung hindi, hindi. “Kita mo nga nangyari nung in-interview siya ni Ricky Lo, kinumfirm [confirmed] naman niya. “So, lumabas na hindi ako gumagawa ng istorya.” Kung nag-effort si Vin at ipinahap siya, pupuntahan ba niya ito? “Why not? Kumbaga, trip lang, di ba? “Nag-abala na nga yung tao, tatanggihan mo pa ba? “Kung nagkita kami, sasabihin ko sa kanya na, ‘Remember, I accidentally dropped a glass inside your house?’ “Lasing na ako nun… ay, hindi pala, nakainom lang. Naalala ko pa, e. "Hindi ko napansin yung baso na nasa gilid pala ng computer table, so natabig ko. “How can I forget that moment, e, muntik ko nang masira yung computer niya,” nangingiting kuwento niya. Isa pa sa mga naalala ni Andrea ay ang muntik nang pagkakaroon nila ng litrato ni Vin. “I remember I took a photo of him, kasi nga nagpi-picture taking siya. “So, sabi ko kay Michelle Bayle, ‘Um-effort ka na!’ “But medyo natakot or nailang siya… umiinom kami at that time. “Parang naano siya [Vin] na baka kumalat yung photo niya. “So, sabi niya, ‘Why are you taking pictures of me?’ “'Oh, it’s ok. I will delete it.’ So I deleted it. “But he gave me his email address. In fairness, nagpadala naman siya ng email message niya.” CHANCE MEETING. Wala talagang kamalay-malay si Andrea na magku-krus ang landas nila ni Vin sa Hollywood. Ang intensiyon daw nila ni Michelle ay mag-enjoy sa pinuntahang bar. Kuwento ni Andrea, “Wala, chill lang kami ni Michelle and then, yun nga, lumapit siya [Vin] at nagpakilala. “I didn’t recognize him at first. “So, tsika-tsika and then he invited us to his home, may house party raw siya. So, nandun kami, everything. “Dun lang nag-swak sa isip ko na it’s him, siya nga yung Vin Diesel. “Okey naman, usap-usap ... and that was the time na he asked me, ‘Oh, you can stay here in my house. You can use my car.’ “Sabi ko naman, ‘I don’t drive here.’ “’No, you stay. I’ll show you the room…’ Gumaganun siya. “He was nice naman kasi talagang ini-entertain niya kami.” Natakot ba siya kay Vin na baka may gawin itong labag sa kalooban niya? “Hindi ako natakot kasi mabait naman siya. Pero wala, e… wala lang.” tugon ni Andrea. Wala siyang interes kay Vin nang magkakilala sila? “Well, puwedeng ganun, pero kasi it wasn’t the right place for us to really work on anything. “Kasi nga house party yun and everybody was happy. Happy-happy lang kami nun. “Kung type ko, e, di hindi na ako nagpakipot. Walang masama kasi wala siyang girlfriend nun. "Saka bagets-bagets pa ako noon, e. Hindi ko pa bet mag-boyfriend na tiga-States. “Saka yung mode ko nun, dahil bakasyon nga, was just to enjoy my stay. Nandun lang ako sa vibe na ganun.” - Rey Pumaloy, PEP Tags: vindiesel, andreadelrosario
More Videos
Most Popular