Marjorie Barretto on family feud: 'I'm hoping na matapos na ang lahat'
Kung noong una ay nag-deny, eventually ay matapang ding inamin ni Marjorie Barretto na siya nga ang babaeng nasa controversial photos na kumalat sa social media kamakailan. Ginawa niya ang pag-amin noong nagsampa siya, kasama ng kanyang abogadong si Atty. Lorna Kapunan, ng kasong idedemanda niya ang sinumang magpu-post ng kanyang nude photos. Bagamat nakagawa na siya ng akmang legal action, hindi pa rin alam ng kampo ni Marjorie kung sino ang may kagagawan ng pagkalat ng nasabing mga photos. Pero kumbinsido pa rin sila na malinaw ang motibo nito para sirain ang reputasyon ni Marjorie bilang isang ina at bilang isang babae. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Marjorie, umiwas na itong pag-usapan pa ang issue lalo’t ayon nga sa kanya ay napakapribado niyang tao at kahit kailan ay di siya nahilig sa atensyon mula sa ibang tao. “I don’t wanna talk about it na. I’m not hoping, I am praying na lubayan na ako. I'm not the kind naman na nag-e-enjoy ng limelight, I really don’t like attention,” paglinaw niya. “I hide from attention, as much as possible lahat ng bagay sa buhay ko tinatago ko, di ba? Kaya para ilabas ng tao ang pribado kong buhay, it’s a clear violation.” Agad naming tinanong si Marjorie kung tuloy pa rin ba ang demanda niya sa nagkalat at patuloy na nagkakalat ng mga nude photos? “I don’t know with Atty. Kapunan, I have not spoken to her today. If we find the person, yeah, there is a law that we have to be respected,” diin niya. No communication with Dennis May ilang naglabasang balita na pilit inuugnay ang dati niyang asawang si Dennis Padilla sa isyu. Ayon sa balita, mayroon daw isang open letter na lumabas laban kay Marjorie na nakapangalan sa aktor. Ayon naman sa dating aktres, walang naman daw sulat na nakarating sa kanya. “Saan? No, I’m not familiar,” mabilis niyang pagtanggi. “I don’t know what I have done to this people, I have not been visible, I’m no longer in politics, I’m not longer in showbiz. I don’t cross paths with anybody so I really don’t understand what that's about.” Di naman itinago sa amin ni Marjorie na wala silang komunikasyon sa ngayon ng dating asawa. “No, I have zero communication with Dennis. Kaya ko namang buhayin ang mga anak ko, di lamang financially but also in decision making so there’s no really for me being in communication with him,” paliwanag niya. Support from daughters Sa interviews ng mga anak na sila Julia at Dani ay nabanggit ng mga ito na buo ang suporta na binibigay nila sa kanilang ina sa isyung kinasasangkutan nito. Labis naman itong pinagpapasalamat ni Marjorie lalo’t sa mga anak niya raw siya kumukuha ng lakas. Aniya, “Mahal na mahal ko ang mga anak ko because they’ve been very understanding kung anuman ang mangyari sa buhay namin. Ganun siguro, that’s how a family is supposed to be, understanding and supporting each other no matter what.” “Lakas ko? From my kids. Sabi ko nga kanina sa isang interview wala kang karapatan na malugmok, or to get depressed or to stay in one corner and feel bad about anything kasi may umaasa sa iyong mga bata. “You’re an example to them, kailangang ipakita mo na in life ang dami mong pagdadadaanan, ang daming gugulo ng buhay mo, nasasaiyo yun if you will give them the power to be successful na guluhin ang buhay mo,” saad niya. — Pep.ph