ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso star Ryza Cenon says no to indecent proposals


PEPtalk: Lumalamig na ang panahon at nagsisimula nang umulan, pero may pahabol pa ang PEPtalk Summer Bodies Special. Sa episode na ito, nakipagkuwentuhan sina Rommel Llanes, associate editor at Abby Mendoza, staff writer ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Kapuso star na si Ryza Cenon. Napag-usapan sa bahaging ito ang pag-pose sa kauna-unahang pagkakataon ni Ryza sa men’s magazine na FHM, ang naging reaksyon ng mga taong malalapit sa kanya, pagharap sa indecent proposals, at ang napapabalitang pagiging “curious” niya sa girl-to-girl relationships. Narito ang panayam ng PEPtalk sa Kapuso artist: Abby: "What’s up, Pepsters? Welcome to the PEPtalk Bodies Special! "At dahil mainit po ang panahon ngayon, mainit na mainit ang ating guest. Please welcome, the sizzling FHM May 2013 cover girl, Ms. Ryza Cenon! "Sir Rommel, you’re so engrossed over there. It’s your turn to ask." Rommel: "Hindi, kasi tinitingnan ko ‘tong bagong May issue ng FHM where Ryza Cenon is the cover. So, ano ba? Ang tanong kasi parang Ogie Alcasid lang—bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang nag-pose? Is this a career move? Statement?" Ryza: “Kasi ngayon lang siya dumating sa buhay ko... Hindi. Kasi ngayon lang ako naging ready. “Kasi before, sinasabi ko lagi na hindi pa ready yung katawan ko. Nene pa siya. So, hindi siya bagay sa magazine na parang magmumukhang pilit. “So, ngayon, ready na ako na pisikal, emotionally, mentally ready talaga.” Rommel: "So, hindi naman ‘to may kinalaman dun sa sinasabi ng iba na, because sabi, it’s a 'desperate move' daw?" Ryza: “Hindi naman, hindi naman. Hindi naman lahat ng nagpo-pose sa FHM is yun yung reason. “Siyempre, meron din yung parang mag-boost ng confidence, saka siyempre, tumatanda na rin ako.” Rommel: "Ilang taon ka na ba?"   Ryza: “Twenty-five. “Hindi. Siyempre, gusto ko meron ako, pagtanda ko, papakita ko sa mga apo-apo ko na, ‘O, eto ako nung bata ako.’ Gusto ko siya ma-experience din.” Rommel: "So, kamusta nga yung experience?" Ryza: “Masaya siya. Masaya na parang other side of me yung makikita nila dito. Ibang-iba sa totoong Ryza Cenon. Sabi ko nga, ‘Eto ang Ryza Cenon version 2.0.’” Abby: "So, Ryza, ano ba ‘to? Is this the sexiest the public has seen you? And also, are you willing to do more, to bare more than you did there?" Ryza: “Yes. Eto na yun. And willing din naman ako na gawin lahat ng mga sexy scenes, matured role. Ready naman akong gawin lahat yun.” Abby: "Pero before, nagkaroon ka na din ng roles na medyo edgy, di ba?"   Ryza: “Yes, Sa Langit Sa Piling Mo. Naging mistress ako ni Kuya Tonton Gutierrez saka naging pole dancer din ako dun.” INDECENT PROPOSALS. Inalam din ng PEPtalk kung handa ba si Ryza sa pagharap sa indecent proposals. Abby: "Ryza, yung indecent proposals kasi, di ba, hindi ka ba natatakot sa mga ganun?" Ryza: “Kung magkaroon man ako, o maka-encounter man ako ng ganun, siyempre tatanggihan ko. “Kaya nga ako nagtatrabaho, naghihirap ako mag-isa na tinatayo ko yung sarili ko kasi hindi ko kailangan ng tulong ng iba. “Hindi ko kailangan ng mga ganung offer para lang makuha ko kung anuman man yung gusto ko, o matupad ko yung mga pangarap ko. Gusto ko pinaghihirapan ko.” Abby: "So, pero before, nagkaroon na?"   Ryza: “Wala. Kasi kung meron, wow! May bahay na ako ngayon. Kasi ngayon, naghahanap pa ako ng bahay.” Rommel: "'Tsaka bakit ka pa mag-aartista, di ba?" Ryza: “Korek!” REACTION OF LOVED ONES. Inusisa rin ng hosts ang naging reaksyon ng mga mahal sa buhay ni Ryza nang malamang siya ay nag-pose para sa isang men’s magazine.   Rommel: "Alam mo kasi, itong pag-pose mo, maraming nabigla, maraming nasurpresa. Noon kasi, it’s a different image. Ibang image dun sa dating Ryza, e. "So, ang gusto ko lang malaman, ano ba'ng reaction ng mga loved ones mo saka ng mga friends mo nang makita nila ‘to?" Ryza: “In fairness naman sa kanila, like yung lola ko, siya yung una kong... Before ako offer-an ng FHM, sinabi ko talaga na, ‘Wait lang po. Magpapaalam lang ako sa lola ko.’ Kasi baka mabigla.” Rommel: "Ano sabi ni Lola? 'Go!' Ganun?" Ryza: “‘Lumabas na ba? Bibili ako.’ Yun ang sabi. So, lalo akong na-excite na gawin yung FHM. Kaya sobrang thankful ako kasi napaka-supportive nila sa akin. Yung family ko saka yung friends ko.” INDEPENDENT WOMAN. Hindi alam ng marami na mag-isa lang na namumuhay si Ryza. Choice niya ba ito? Rommel: "Si Lola [saan] nakatira... magkasama ba kayo?" Ryza: “Nasa Gapan siya ngayon, e. Kasama po yung anak niya.” Abby: "So, you live alone?" Ryza: “Yes.” Abby: "How long have you lived alone?" Ryza: “I think mga four years.” Abby: "Yung distance ba, paano yan? Gusto mo ba yan?" Ryza: “Hindi naman. Pero kasi, mom ko kasi, patay na nung two years old ako. And then, yung father ko, meron na siyang sariling pamilya. So, ako na lang yung mag-aano sa sarili ko. "Good thing din kasi para malaman ko at matutunan ko kung paano…” Rommel: "[Yung] independence." Ryza: “Oo. Saka kung paano i-handle lahat. Kasi ganun din naman kapag lumaki ka na, e. Kapag lumaki ka na, ganun din ang ending mo. “Mamumuhay kang mag-isa. Gagawa ka ng sarili mong pamilya. So, at least, alam mo na kung paano i-handle lahat.” GIRL-TO-GIRL. Hindi rin naiwasang matanong si Ryza tungkol sa kanyang love life at sa diumano’y curiosity niya sa same-sex relationship. Abby: "Siyempre sa pag-pose mo, wala kang kinonsider na opinion ng iba? Walang nagalit na boyfriend, because you’re single right now." Ryza: “Kasi, para sa akin ngayon, yung mga guwapo saka... “(showing the cover text of FHM) Kaya ito yung ano, o... 'Is panget the new pogi?' “Ngayon kasi, hindi ko na alam kung ano... Marami akong friends na gay, pero hindi mo alam kung guwapo or... “Ngayon hindi mo alam kung lalaki ba or bakla yung magagandang lalaki ngayon, at magagandang katawan.”   Abby: "Parang may pinanggagalingan?" Ryza: “Hindi naman... siyempre madami akong friends na gay na guwapo na magaganda yung katawan. So, ngayon, kasi mahirap na... Or kung hindi man bakla, masama ang ugali.” Abby: "Ryza, paano sa ‘kin?" Ryza: “Aayyy! Kino-consider ko rin naman ang babae.” Abby: "Alam ko. Kasi kaya kita hinawakan, kasi PEPsters, sa previous interview ni Ryza, sinabi niya na curious siya sa girl-to-girl [relationship]. Explain. Bakit?" Ryza: “Hindi, kasi minsan talaga, dumadating yung point sa akin na pag sobrang crush ko yung babae. Sobrang ganda. “Dahil maganda lang siya, or kahit anong anggulo, ang ganda ganda niya. Parang natotomboy ka talaga sa kanya? “So, minsan, naku-curious ka kung ano'ng feeling pag ang ka-relationship mo is babae.” Rommel: "Sino ba yung mga crush mo na babae?" Ryza: “Ngayon, crush ko si Angel Aquino, kasi maganda siya.”   Abby: "Yung tanong kanina, may expectations ka ba na mangyayari sa career mo?" Abangan sa susunod na episode ang sagot ni Ryza. Click here to watch the PEPtalk episode with Ryza Cenon! Click here to view the behind-the-scenes pics from the shoot! -- Margie Alberto and Cathrina Maulion, PEP  
Tags: ryzacenon