ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Direk Cesar: Dingdong Dantes, first choice sa Dance of the Steel Bars


Tatlong taon din ang hinintay ng mga direktor na sina Cesar Apolinario at Marnie Manicad bago maipalabas sa mga sinehan ang pelikula nilang Dance of the Steel Bars. Sa Miyerkules, June 12, Independence Day, ang showing ng pelikula sa SM Cinemas. Hindi naman itinatanggi ni Cesar, na isa ring GMA News reporter, na ang naging inspirasyon nila sa kuwento ng pelikula ay ang dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC), na naka-ilang milyong hits na sa YouTube dahil sa kanilang dance numbers. Sabi ni Cesar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong ginagawa ko ang Banal [2008], yung first film namin, napanood ko siya sa TV, sa 24 Oras. “It was featured as dancing inmates. "Pero a week prior to that, nakita ko rin siya sa CNN. Sabi ko, parang magandang ideya—rehabilitation through the art of dancing. “And at that time din, nakausap ko si Marnie. Siya ang line producer na sobra talagang tumulong sa pelikula naming Banal. Ang laki ng ginawa niya rin doon. "Kaya sabi ko, 'Sige, gawa tayo.' "So, I went home, I sat down and wrote the sequence treatment and majority of the characters. “Tapos yun, isinulat ko siya—may beginning, middle, ending, at mga character sketches na. "At saka namin inupuan ni Marnie and we developed into a script. “At first, kinausap namin ang GMA [Films] na meron kaming pelikula, eto ang pelikula namin, blah, blah, blah... “Nagustuhan naman nila and sabi nila, 'sige, sige, hanap tayo ng puwedeng mag-produce niyan para partner.'”   SEARCHING FOR THE PRODUCER. Nilinaw ni Cesar ang impresyon na sa huli na lamang pumasok ang GMA Films sa eksena. Sabi niya, “No, no, ganito ang nangyari… sabi nga nina Sir Joey [Abacan] at Ma'am Annette [Gozon-Abrogar], maganda 'yan kung hahanapan ng international producer. "So, hindi pa pumapasok ang Portfolio at that time. “Naghanap kami ng mga producers. Nagkaroon lang ng mga hindi nila nagustuhan yata. “Finally, pumasok ang Portfolio [Films] at nakita nila ang script... in Tagalog pa yun, ha? "Tapos, noong nakita nila, nagustuhan nila, natuwa ako. “Si Stuart Cameron, noong nabasa niya, we met after that. "Pero sabi niya lang, kailangang may character na foreigner na papasok sa loob na napagbintangan. “Kaya pumasok ang character ni Frank na naging kaibigan ni Dingdong sa pelikula at ni Joey Paras. “So, yun, natuwa ako. "Gaya nga ng sinasabi ko palagi, sa tagal ng pelikula, para akong nag-aral ng filmmaking sa abroad.” Ang tinutukoy na Frank ni Cesar sa pelikula ay ang Hollywood actor na si Patrick Bergin.   DINGDONG AS FIRST CHOICE. Ayon kay Cesar, ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes talaga ang “first choice” nila sa pelikula. “That time, nag-isip din kami, kasi si Dingdong talaga ang first choice, pero wala kaming choices. "So, ang ginawa namin, 'Marnie, ano, kung sakaling hindi puwede si Dong?' “Kasi nga, alam namin busy si Dong. Hindi pa rin namin nakakausap si Perry [Lansigan, Dingdong's manager] at that time. “Noong una ngang ini-offer namin ang Banal, dalawa ang movie niya, hindi niya makakayanan. "Kaya sabi namin, 'What if hindi puwede si Dong?'" Patuloy na lahad ni Cesar, “So, pumasok si Aga [Muhlach]. Naisip din namin si Aga kasi magaling din magsayaw, mag-English. “So, it’s really a toss-up between Dong and Aga. "But definitely, si Dong talaga ang first choice namin. “Pero at that time rin, ang dami rin ginagawa ni Aga. May pelikula rin yata siya. “Kaya nga sabi namin, 'Kapag hindi rin puwede si Dong, paano na 'to? Wala na? Nganga na lang!' “Documentary na lang ang gawin namin. "Kasi, ang inisip din namin, actor na magaling magsayaw at magaling mag-English. "Very eloquent si Dong.”   NO GAY UNDERTONES. May eksena sa pelikula kunsaan nagsasayaw ng jazz sina Dingdong at Joey Paras. Nag-iiwan ito ng impresyon na posibleng may relasyon ang dalawa sa loob ng kulungan o may naging kontekstong sekswal sa pelikula. Pero paglilinaw ni Cesar, “Sa kultura sa kulungan, dahil halos lahat sa kanila napagbintangang nakapatay, iniisip na kapag magaling kang sumayaw, graceful ka, iniisip na bakla ka. “Sa pelikula, hindi naman kailangang ipakita na bakla ka o hindi. I think, kailangan ninyong panoorin. Nasa audience. “It’s an open-ended story. "I think, iba rin ang pananaw ng gay community sa pelikula kapag pinanood nila. “Pero ang pinakagusto ko lang sabihin sa gay community, iniaangat namin sila rito.” Dugtong pa niya, “May kaibigan ako na sabi, 'Sana makapanood kami ng pelikula na tungkol sa kabadingan na hindi naghahalikan.' "So, sabi ko, 'eto na, ito na ang pelikula. Puwedeng sa sayaw. Sayaw talaga.” Sa preso, madalas na napag-uusapan o naipapakita sa ilang pelikula na may mga seksuwal na namamagitan sa kapwa inmates. Wala raw ganoong makikita sa Dance of the Steel Bars. Kaya naitanong namin, hindi kaya may magsabing “kulang” sa aspetong yun ang ipapakita rin nila na buhay sa preso? Sabi ni Cesar, “Well, ako ang masasabi ko lang sa magsasabi ng kulang, kapag ba tungkol sa kabaklaan, kailangan may sex na? “Kapag ba tungkol sa sayaw, kailangan ipakita mo na nadidikit ang katawan ng mga tao? Kailangan ilabas ang flesh? “Unfair for the gay continuity. "May mga gays diyan na hindi malilibog—sorry for the word. "May mga gays naman na... tama ba ko? I don’t know... "Kanya-kanyang atake 'yan kasi. May kaibigan din ako na gay pero mahinhin.” -- Rose Garcia, PEP