ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ruru Madrid, dream na makasama at maging leading lady si Marian Rivera.
Naging inspirasyon para kay Ruru Madrid ang dalawang beses na pagpuna at negatibong komento sa kanya sa bagong musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars (SAS). Ang isa sa “Big Four” judge na si Janno Gibbs ay dalawang beses nang nagkomento sa performance ni Ruffa sa dalawang unang linggo ng SAS. Sa panayam ni Ruru kay German “Kuya Germs” Moreno sa radio program nito, nagkuwento ang young actor tungkol sa karanasan niyang ito. Aniya, “Sa akin naman po, okay lang naman yung naging negatibong komento ni Kuya Janno sa performance ko. “Kasi, feeling ko, hindi talaga ganoon kaganda yung performance ko. “Especially noong unang linggo, kasi kabado ako noon, first time ko kasi sumabak sa mga production numbers na ganoon na may theme. “Kaya naman conscious na conscious ako na baka magkamali ako o baka makalimutan ko yung steps na nangyari nga.” CHALLENGE. Tanggap naman daw ni Ruru ang mga puna ng judges sa grupo nila ni Jennylyn Mercado. Sabi niya, “Pero after na marinig ko yung mga komemento ni Kuya Janno, hindi ako na-hurt o nagalit. “Mas nanaig po sa akin yung mas na challenge ako na galingan sa mga susunod pang production numbers namin. “Mas naging advantage din yun ng team namin, kasi ang naisip ng lahat na, 'Sige, every Sunday, ganito na gagawin namin. Mas gagalingan pa namin.' "At lagi daw akong pasabog. Kumbaga, magandang role yung mapupunta para mapansin na nag-i-improve ako. “Kaya every week ngayon, maganda yung role na napupunta sa akin at ginagalingan ko para hindi mabalewala yung effort ng grupo ko… “Na binigyan ako ng magandang role sa production number namin para magakabawi.” OBJECTIVE COMMENTS. Kahit kaunti ba ay hindi siya nasakta o hindi sumama ang loob niya kay Janno? Sabi ni Ruru, “Hindi po, natutuwa nga ako, e—napapansin nila ako. “Hindi ko naman kasi nakikita yung mali ko pag nagpe-perform na ako. “Kaya dahil sa kanilang puna, mas nalalaman ko kung ano pa ang puwede kong i-improve. “Kaya nga noong mga sumunod na production number namin, mas ginalingan ko at pinag-aralan ko yung role na ibinigay sa akin. “Noong nag-Superman po ako noong mga sumunod pang linggo, sabi ni Kuya Janno sa akin na, ‘Ang galing mo pala, Ru, ang galing mo!’ “At last Sunday, sinabihan din niya ako ng ‘magaling.’ “Kaya naman ang sarap sa feeling na mula sa negatibong komento, ngayon naman, magagandang komento na ang naririnig every time na matatapos ang performance namin. “Ibig sabihin noon, nag-improve na ako at gumaling na ako. “Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko at sa team namin na every Sunday, gagalingan ko at gagalingan naming lahat para manalo kami. “Tsaka mas maganda pala sa pakiramdam na mapuri ka sa ginawa at pinaghirapan mo—nakakawala ng pagod. "Kaya talagang every week, gagalingan ko.” DREAM PARTNER. Hindi nakasama si Ruru sa ibang nakalinyang projects ng GMA-7 dahil sa commitments niya sa labas ng network. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, sino ang gusto niyang maging kapareha? Ani Ruru, “Ang gusto ko talagang makasama at maging leading lady, si Ate Marian Rivera. "Kasi ang ganda-ganda niya at ang bait-bait niya. “Pero siyempre pag naging 20 [years old] na ako. Papaganda muna ako ng katawan siyempre, para bumagay kami.” Anong klaseng proyekto ang gusto niyang makasama si Marian? “Mas gusto ko po talaga, drama and comedy. "O kaya kung ano yung ibigay nilang project, gagawin at ibibigay ko yung best ko. “Alam naman po natin na mahusay na aktres si Ate Yan [Marian] mapa- drama o comedy, kaya kailangan galingan ko din. “Pero gusto ko din ng action na may temang drama para maiba naman po.” MUSIC ALBUM. Dream din ni Ruru na magkaroon ng sariling album at konsiyerto. “Actually, feeling ko, lahat ng artista nangangarap na magkaroon ng album, lalo na yung mga kumakanta talaga. “Ako, aaminin ko po, gusto ko rin subukan kung mabibigyan ng chance. “Gusto ko talaga magkaroon ng album, para pag nag-click po yun, concert naman ang gagawin ko. “Hindi naman masama mangarap, di ba? “Libre naman ang mangarap, kaya ngayon pa lang, pinapangarap ko na yun.” Speaking of album, anong type of songs ang gusto niyang maging laman nito saka-sakali? “Gusto ko po talaga mga pop-rock. "Medyo pop na may halong rock, kasi yun po talaga nag mga hilig kong kanta.” INDIE AND MAINSTREAM. Bukod sa Sunday All Stars, ano pa ang latest projects ni Ruru? “Project? Itong My Lady Boss, showing na kung saan ang role ko ay nakakabatang kapatid ni Marian. “Tapos, may ginagawa akong indie [film] kay Pepe Diokno, ang Above the Clouds, na ilalabas po siya abroad. “At yung ginagawa namin ni Direk Maryo [J. de los Reyes], yung Bamboo Flowers." Anong role niya sa Above the Clouds? “Ang role ko po doon, I’m a 14-year-old guy na namatay yung mga mahal ko sa buhay. “And then, may biglang may pumunta sa bahay namin na nagpakilalang lolo ko daw siya na si Sir Pepe Smith. “Dinala niya ako sa Baguio para maalala ko po yung mga magulang ko. “Kasi, doon daw po sila lumaki and the nagtuluy-tuloy po, pero magkaaway kami dito ni Sir Pepe Smith. “Pero at the end, naging close kami.” Yung sa Bamboo Flowers naman, anong role niya? “Isa po akong folk singer at folk dancer na na-discover to be artista and after that, may lolo din po ako doon. “At yung lolo ko ang nagturo sa akin na kumanta at sumayaw. “Noong nasa Manila na ako, ayokong bumalik sa Bohol, kasi sa Bohol kami nag-shoot. “Kasi, takot ako na baka pagbalik ko doon, patay na ang lolo ko. Pero may nag-tip sa akin na patay na nga yung lolo ko. “Actually, three stories po yun—the first story, sa akin; second story, kay Mylene Dizon at Yogo Singh; at yung third story, kay Max Collins. “Tapos, at the end, nag-meet po kami lahat.” Ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng indie film at mainstream movie? Sabi ni Ruru, “Malaki po talaga ang pagkakaiba, sobra. “Dahil sa mainstream, di ba, halos lahat ng Pilipino nakakapanood, di ba? “Pero ang indie, pili lang. Minsan kasi, konti lang ang interesadong manood. “Sa mainstream, kailangan masa o commercial para mag-hit. “Ang indie naman, kailangan natural lang ang acting mo. “Kumbaga, kung ano ang nangyayari sa totoong buhay, yun ang mapapanood mo. “Tsaka minsan ang indie film, di ba, parang ginawa para mag-compete sa ibang bansa? “At minsan, sa ibang bansa pa sumisikat at kinikilala ang ganda ng pelikula.” Saan ang mas gusto niya, sa indie o mainstream? “Pareho lang, kasi parehong trabaho naman po yun,. Kumbaga, the more the merrier!” tawa niya. WAITING. Ano naman ang bagong soap niya sa GMA-7? Aniya, “Sa ngayon, wala pa po. "Pero ang sabi naman nila, magkakaroon na ako, hinihintay ko na lang po. “Hindi naman ako nababakante, kasi may mga ginagawa akong indie films, kaya okay lang naman. “Mahirap din naman kasing pagsabayin ang pelikula at TV. “Pero regular naman ako sa Sunday All Stars at kasama din ako sa papalit sa Teen Gen, yung Dormitoryo,” pagtatapos ni Ruru. -- John Fontanilla, PEP Tags: rurumadrid
More Videos
Most Popular