ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek Ramsay and Cristine Reyes split after less than a month


Derek and Cristine during happier times.PEP.ph

Break na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Ito ang balitang nakarating sa PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) kahapon, September 30.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, si Derek daw ang bumigay sa relasyon nila ni Cristine.

Wala pang isang buwan ang itinagal ng relasyon ng dalawa.

Kinunan ng pahayag ng PEP si Derek tungkol sa balitang ito, ngunit ayon sa text message na ipinadala niya kay PEP senior staff writer Nerisa Almo kagabi: "I'm sorry but I don't want to talk about it."

Matatandaang inamin ni Derek ang relasyon nila ni Cristine noong August 29.

Sabi niya sa phone interview sa kanya ng PEP at Cinema News, "Yeah, we confirmed it yesterday, it’s one day pa lang."

Ibig sabihin, naging opisyal ang relasyon nila noong August 28.

Nagsimula sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Derek at Cristine.

Maging ang aktor ay hindi pa makapaniwala noon na nauwi sa mas malalim na pagtitinginan ang kanilang samahan.

Aniya, "We’re both in shock, we both find it really awkward.

"Magkaibigan kami and the last two weeks, the last week and a half, something different happened, and we decided that it’s worth taking the risk...

"It’s just weird and awkward that it turned out this way."

Wala raw ligawang nangyari sa kanila.

“We skipped the whole part na ligawan, we skipped the whole part na putting your best foot forward.

"Kasi kilala na namin ang isa’t isa, ang tagal na naming magkaibigan," sabi ni Derek.

Sa parte naman ni Cristine ay ayaw pa nitong aminin noong una na sila ni Derek.

Sabi niya sa press noong August 29, “Puwedeng bigyan n’yo muna ako ng time dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin iyan sa ngayon?” --Pep.ph