ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sikat na TV host-actor, may special guest appearance sa final week ng My Husband's Lover

Kagagaling lang ni Ryan Agoncillo mula sa ilang araw na bakasyon sa Amanpulo, Palawan, kahapon, Oktubre 4.
Kasama niya ang asawang si Judy Ann Santos at ang kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho.
Pagkalapag ng kanilang eroplano sa Maynila ay tumuloy agad si Ryan sa Eat Bulaga!, kung saan siya ay isang co-host, at pagkatapos nito ay dumiretso siya sa taping ng My Husband’s Lover.
Si Ryan ang special guest sa pagtatapos ng toprating drama series ng GMA sa susunod na linggo.
Excited ang TV host-actor sa partisipasyon niya sa My Husband's Lover, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez.
Kuwento ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung tinawagan ako para mag-guest para sa My Husband’s Lover, dali-dali, kahit buhul-buhol ang schedule, winork out talaga namin ng manager ko na talagang makaabot tayo sa kanilang taping.”
Nakiusap ang production staff ng My Husband’s Lover kay Ryan na huwag munang sabihin kung ano ang role na gagampanan niya, dahil surprise daw talaga at malaking twist ito sa takbo ng kuwento.
“Basta huwag silang pipikit, baka hindi nila ako makita!” natawang biro ni Ryan.
Dagdag niya, “Mabilis lang ang partisipasyon ko dito.
“Malaki ang impact sa buhay ng tatlong bida paglabas ng aking karakter na ang pangalan ay Sam. Yun lang muna ang masasabi ko.
“I just hope I get accepted by the followers of My Husband’s Lover.
"I understand this soap is very popular. Alam mo, sa Facebook, wala akong nakita kundi mga update tungkol sa My Husband’s Lover.
"I just hope they appreciate my presence in this soap, kahit medyo bandang huli na.”
RYAN AS KAPUSO? Sa pagsali ni Ryan sa sikat na teleseryeng ito ng GMA, lumakas ang bulung-bulungan na matutuloy na ang pagiging Kapuso nito, matapos ng ilang taong pamamayagpag ng mga programa niya sa Kapatid network.
Pabirong sagot ni Ryan, "Abangan na lang natin. Baka mamaya hindi ako Kapuso lang, kundi kapederasyon na rin!"
Pero dagdag din niya, “We’ll see, we’ll see how the ball rolls.
"And I’m just happy to be here, being part of My Husband’s Lover final week, and tingnan kung paano ang direksyon ng ihip ng hangin.”
Hindi naman itinatanggi ni Ryan na may malaking pagbabago na mangyayari sa kanyang career. Hindi nga lang niya masabi kung ano ang mga ito.
“Changes are always there naman.
"I’m just excited that this last quarter of 2013 become one of the most exciting part of my career.
"Kasi, katatapos lang ng Talentadong Pinoy, which was… sige, magbubuhat na ako ng bangko...which is quite a success.
"Pero ito, mukhang bigger things to come. So, I’m very excited.” -- Gorgy Rula, PEP
Tags: myhusbandslover
More Videos
Most Popular