ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pauleen Luna on boyfriend Vic Sotto: 'What we have is something real'
By ROSE GARCIA, Pep.ph
Ipapalabas na sa November 13 ang indie film na “Gaydar” na tinatampukan nina Pauleen Luna, Tom Rodriguez, at Rafael Rosell.
Sa pamagat pa lang, makikitang may temang kabadingan ang pelikula, pero di gaya ng karaniwang gay films na nagpapakita ng sensitibong mga eksena, ang “Gaydar” ay isang comedy film na pambarkada at pampamilya.
Ang salitang gaydar sa Ingles ay hango sa mga salitang gay at radar, na tumutukoy sa abilidad ng isang taong mabasa o matanto kung ang isang lalaki ay bading o hindi.
Sa pelikula, makikita kung magiging epektibo ang gaydar ni Pauleen sa pagkilatis sa kanyang dalawang leading men na sina Rafael at Tom.
WEAK GAYDAR. Naloka naman si Pauleen dahil sa presscon, ini-intriga siya kung malakas ang gaydar niya at kung naranasan na niyang magkaroon ng boyfriend na mukhang matikas na lalaki sa simula, pero dahil hindi umandar ang gaydar niya, hindi niya agad nabuko na bading pala.
Masaya niyang kuwento, “Mahina ang gaydar ko. I have friends na nalaman ko na lang na bading sila noong nag-out! Non-showbiz friends.”
Nagka-boyfriend na ba siya na hindi niya akalaing bading pala?
“Hindi ko alam,” natatawang sabi niya.
“Hindi ko talaga alam. Mahina ang gaydar ko. I have instances na feeling ko talaga, lalaki. Then, another friend would tell me, gay pala.”
Pilit naman pinagre-react si Pauleen na meron daw siyang naging boyfriend na gay.
“Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.”
Biro na lang niya, “If you know anyone, feel free to call me. Hahaha!”
Sa ngayon, marami namang nakakaalam kung gaano siya kasaya sa lovelife niya sa piling ng boyfriend niyang si Vic Sotto, at ni minsan ay hindi napagdudahan ang pagkalalaki nito.
Pero, kung sakali nga at nangyari na na-in love pala siya sa bading, papangatawanan niya ba ito o igi-give up niya agad?
“Hindi ko alam kasi, kasi, may mga relationship din naman na isang bading at at isang babae. Di ba, may mga nangyayaring ganun?
“I guess, respetuhan lang ‘yan. Pero kung sa akin, hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin,” pag-amin niya.
THANKFUL FOR VIC'S SUPPORT. Masaya si Pauleen na sinamahan siya ni Vic noong nakaraang premiere night nila para sa pelikula. Dahil kilala si Vic bilang isa sa mga hosts ng “Eat Bulaga!” at isa na rin sa premyadong komedyante sa larangan ng local showbiz, tinanong namin kay Pauleen kung ano ang naging pahayag ni Vic tungkol sa kanilang comedy film.
Ani Pauleen, “Ako, natutuwa ako, he’s a mainstream actor tapos kinagat siya sa comedy. I’m just happy na sinuportahan niya 'ko and, of course, sinusuportahan niya yung mga indie films.”
Natawa naman ba si Bossing sa pagku-comedy ni Pauleen?
“Noong una, seryoso, poker face! Sabi ko, 'Tumawa ka naman. Kahit show-off lang.' Hahaha!
“Tapos sabi niya sa akin, 'Ano ka ba, kahit nga sa sarili ko hindi ako natatawa.' Pero, eventually, nakita ko, tumatawa na siya.
“Kasi, yung role ko, si Tina, hindi naman siya masyadong nalalalayo sa personalidad ko na kikay-kikay. So, siguro, natutuwa siya na nakikita niya 'ko sa role.”
WEDDING PLANS? Going stronger nga ang relasyon nina Bossing at Pauleen. At itinanggi rin ni Pauleen ang isyung may biniling bahay si Bossing para sa kanya sa bandang north.
“Hindi, hindi totoo 'yan. Walang ganun. At saka, sa North? Ayaw nga namin doon dahil ang traffic,” paglinaw niya.
“Basta masaya kami and what we have is something real.”
Napag-uusapan na ba nila ang kasal?
“Siguro napag-uusapan, dumadaan lang siya. Pero, nothing serious.”
Anong feeling kapag napag-uusapan ang kasal?
“Siyempre, masaya. Masaya,” nakangiti niyang sabi bilang pangwakas. – Pep.ph
More Videos
Most Popular