ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anne Curtis and JM Rodriguez 'hug and make up'; Jake Cuenca denies pulling prank on Anne

("My good friend, Anne Curtis." This was how Privé co-owner JM Rodriguez introduced actress Anne Curtis in a corporate event earlier tonight, December 3. Anne made a scene at Privé last week when she slapped three people, including actor John Lloyd Cruz.-- Photo: Screen capture from Instagram account of JM Rodriguez)
Tila naayos na ang gusot sa pagitan ng aktres na si Anne Curtis at ng host na si JM Rodriguez.
Sa Twitter ngayong Martes ng gabi, December 3, may mga nag-post ng litrato nina Anne at JM, habang magkayakap, sa Dealer’s Night ng ineendorso ng aktres na Cherry Mobile.
Ayon sa kuwento ng nag-post ng larawan, isa si JM sa hosts ng event at siya ang nagpakilala kay Anne.
Ganito raw ang pagpapakilala ni JM kay Anne: "My good friend, Anne Curtis."
Pagkatapos daw ay mahigpit na nagyakapan ang dalawa sa stage.
Si JM ang part-owner ng Privé Luxury Club, ang lugar kung saan nangyari ang slapping incident na kinasangkutan ni Anne noong madaling-araw ng November 23.
Basahin: Anne Curtis, umaming lasing nang manampal sa isang bar sa Taguig
Tumangging magbigay ng detalye si JM tungkol sa insidenteng kinasangkutan din ng aktor na si John Lloyd Cruz at ng model-host na si Phoemela Barranda.
Sabi ni JM sa official statement na inilabas niya sa media nitong Lunes, December 2:
"Privé is a club that respects the privacy of all the celebrities, models, VIPs that patronize our establishment. This is why we are called PRIVÈ. So this is the last we will comment on the matter. Because as mentioned the incident happened almost half a month ago and all parties have settled their issues privately."
Isang araw pagkatapos maglabas ng statement ni JM ay nagkita nga sila ni Anne sa isang event ngayong Martes ng gabi.
At bilang patunay ng pagkakaayos nila, ibinahagi ni JM ang larawan nilang ito ni Anne na kuha mula sa event. May caption ang litrato ng: “Celebrating Cherry Mobiles success with my friend Anne Curtis!”
APOLOGY ACCEPTED. Sa report na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, December 1, idinetalye ni JR Isaac, editor at publisher ng Circuit Magazine, ang mga nangyari sa Privé noong madaling-araw ng November 23.
Dito ay sinampal ni Anne si JM, ang kaibigan nitong si Leah de Guzman, at ang aktor na si John Lloyd Cruz.
Nakatikim naman ng masasakit na salita si Phoemela Baranda mula kay Anne: "I can buy you, your friends, and this club!"
Sa isang punto ay sinabihan din ni Anne si JM ng: “You know, this is the worst club to have a party!”
Sagot naman ni JM: “We took care of you here. We took care of your party. How dare you say this!”
Sa VIP area ng Privé idinaos ang bacholerette party na inorganisa ni Anne para sa isang kaibigan niyang galing sa abroad.
Noong November 23 ng hapon, o ilang oras pagkatapos ng insidente, nagpadala raw ng text message si Anne sa mga taong naperhuwisyo niya at humingi siya ng paumanhin.
Isang linggo ang nakalipas nang lumabas ang balita tungkol sa insidenteng ito dito sa PEP noong December 1.
Ilang oras pagkatapos lumabas ng report, naglabas ng official statement si Anne sa kanyang Twitter account.
Dito ay inamin niya ang nangyaring insidente at humingi ng pang-unawa sa inasal niya.
Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis
Sa isa pang artikulo na lumabas din sa PEP nitong Martes, pinabulaanan ni Jake Cuenca na kasama siya nagbiro at kumalabog sa pinto ng banyo kung nasaan si Anne kaya nagalit ang aktres.
Matapos lumabas ang balitang pananampal ni Anne, lumabas naman ang mga balita sa Internet na ginawan ng masamang biro nina John Lloyd at Jake ang dalaga kaya nagalit.
Pero sa pamamagitan ng mga post sa Twitter account, pinabulaanan ni Jake ang pagkakasangkot niya sa naturang insidente.
Tugon pa ni Jake sa ilang katanungan ng kaniyang followers: "@jacquelinemegan nothing... yes i was in prive but i didnt see anything. I was busy minding my own buisness. Like things should be."
Isa namang follower ang nagtanong kay Jake kung totoong kasama siya na kumakatok sa pinto habang nasa loob ng toilet si Anne.
@nieva_uae @lapearl75 no i absolutley did not bang any doors and i didnt have any problems that night with anne or jlc...
Sa huli, ipinaliwanag ni Jake kung bakit tila defensive siya tungkol sa pagkakasangkot niya sa insidente.
“@TeamKatrinaPH: @ijakecuenca why are you defensive?” # its hard to be accused of something u didnt do. I was caught of guard but better now," ayon sa aktor. -- Nerisa Almo, PEP
Tags: annecurtis
More Videos
Most Popular