ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Viva issues official statement on Anne Curtis incident


 
"We hope the public will respect the decision of the parties to amicably settle the incident among themselves," bahagi ng maikling pahayag ng Viva Entertainment, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kanilang prized talent and top celebrity endorser na si Anne Curtis.

Naglabas ang Viva Entertainment ng maikling official statement kaugnay ng kinasangkutang insidente ng contract star nilang si Anne Curtis sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23.

Inilabas ng Viva ang kanilang pahayag sa media kagabi, December 5—apat na araw pagkatapos mailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang insidente at maglabas ng sarili niyang official statement si Anne sa Twitter noong December 1.

READ: Anne Curtis, umaming lasing nang manampal sa isang bar sa Taguig

Ayon sa movie and talent management company na namamahala sa career ni Anne, ang nangyaring insidente sa Privé ay "private matter" sa pagitan ng aktres at iba pang sangkot sa isyung ito.

Inayos na raw ito ng mga taong sangkot bago pa man lumabas dito sa PEP ang tungkol sa insidente.

Hinihiling din ng Viva na respetuhin ng publiko ang desisyon ng mga sangkot na partido na ayusin nila ito "amicably."

Kahapon, December 4, ay naglabas ng kanyang sariling statement ang isa sa mga sangkot sa insidente—ang model-TV host na si Phoemela Baranda.

Dito ay pinabulaanan niya ang istoryang dinuro at sinigawan siya ni Anne ng mga salitang ito: “I can buy you, your friends, and this club!”

Si Phoem ay official talent din ng Viva Entertainment.

ANG NALALAMAN NG PEP.  Ang naging source ng PEP sa December 1 report nito ay ang Circuit Magazine editor na si JR Isaac, na nagsabing isa siya sa tatlong taong sinampal ni Anne noong madaling-araw ng November 23.

Ang dalawa pa ay sina Leah de Guzman, isang Globe executive, at si John Lloyd Cruz, talent ng Star Magic.

Si Leah ay hindi pa nagsasalita sa publiko.

Hindi naman binabawi ni JR ang kanyang December 1 interview sa PEP. Pagkumpirma ng magazine editor noong December 3, kay PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon: "I have said my piece, period."

Si John Lloyd naman ay hindi pa rin nagsasalita.

Sa pagkakaalam ng PEP ay ayaw talagang magsalita ng box-office draw dahil hindi naman niya isyu ang pangyayari, kahit pa naghihintay ang publiko ng paliwanag dahil siya mismo ay nasampal din at tinawag pang "addict" ni Anne.

Tinataya namang ito ay sa dahilang magkaibigan sa personal sina John Lloyd at Anne.

Sa parte ng Viva, si Anne ang pinakamainit at numero unong product endorser ng talent-management arm nitong Viva Artists Agency, na may humigit-kumulang na 200 talents.

VIVA'S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng Viva tungkol sa kinasangkutang insidente ni Anne:

"The Prive incident involving Anne Curtis is a private matter between Anne and the people involved.

"The incident has been settled by the parties days before the article on the incident was published.  

"We hope the public will respect the decision of the parties to amicably settle the incident among themselves." -- Erwin Santiago, PEP
Tags: annecurtis