ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rhian Ramos at Piolo Pascual, magtatambal sa pelikula

Magtatambal sa isang romance thriller movie na Silong sina Rhian Ramos at Piolo Pascual. Ang nabanggit na pelikula ay unang full length film umano ng direktor na si Jeffrey Hidalgo, na dating miyembro ng singing group na Smokey Mountain.
Sa ulat ni Mell Navarro na naka-post sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, sinabing natapos na ang shoot ng pelikula noong nakaraang taon.
Isa umano sa mga executive producer ng pelikula si Piolo, kasama sina Angelo Santos at Darlene Catly Malimas.
Bagaman may naunang tweet na umano si Rhian tungkol sa proyekto, nitong Martes lang nagbigay ng pahintulot ang produksiyon na ipaalam sa publiko ang tungkol sa nasabing pelikula.
Nakasaad umano sa logline ng Silong na: “A widowed country doctor rescues a badly beaten woman and struggles with finding love again after the death of his wife.”
Kasama rin sa cast sina Angel Jacob, Guji Lorenzana, at debut film ni Raymond Concepcion, ama ni Sam Concepcion. -- PEP.ph
Tags: rhianramos, piolopascual
More Videos
Most Popular