ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Regine Velasquez almost quit showbiz, Martin Nievera reveals
Back in 2003, nagkatambal sa isang major concert sina Regine Velasquez at Martin Nievera.
Voices ang title ng concert nila na matapos magkaroon ng very successful 4-night run sa Araneta Coliseum ay nagkaroon din ng tour sa U.S.A at Canada.
Kuwento ni Martin nung mga panahon na yun, nag-rent ang producer ng concert na si Felix Co (MaxiMedia International boss) ng two-seater na Mercedez Benz para sa kanilang promo sa U.S.
Doon naihinga ni Songbird kay Madman na gusto na nitong tumigil sa pagkanta dahil pagod na pagod na ito.
"Regine, who is my favorite singer in the whole world, is tired. She wanted to stop this [performing].
"'Please, don't!' sabi ko," kuwento ni Martin sa presscon ng kanilang upcoming Valentine concert na Voices of Love na ginawa sa Luxent Hotel kanina, January 13.
Heart-to-heart talk daw yun.
Habang ikinukuwento ni Martin ang pinagdadaanan niyang breakup noon (with ex-wife Pops Fernandez), si Regine naman daw ay nagkukuwento kung bakit gusto na nitong tumigil sa pagkanta.
"'I don't wanna do this anymore. I don't want to sing, I'm so tired...'" ang mga linyang sinabi raw ni Regine kay Martin.
Si Regine naman, pinayuhan din daw si Martin sa love life.
"She also told me not to give up," kuwento ni Martin.
"So, here we are [in the present], and she's the one with a happy love life. Thank you."
Natawa na lang tuloy si Regine sa sinabing ito ni Martin.
Nag-segue din si Martin sa pagbigay ng parang tribute kay Regine, sa pagsasabing isang inspirasyon si Regine sa lahat.
"The person that she has become is a perfect role model for, I think, every artist who has, or wants to become a big, big star in this industry."
Sana raw mahawa si Martin ng mga magagandang katangian ni Regine.
Nagbiro tuloy si Regine na, "naiyak naman ako dun!" sa sinabi ni Martin.
"Parang ni-rehearse mo yun," biro pa ni Regine na sinakyan naman ni Martin.
"Sinulat ko dito," sabi ni Martin sabay tingin sa iPhone niya.
Wala raw tuloy masabi si Regine bilang ganti sa mga sinabi ng makakasama niya sa Voices of Love concert sa SM MOA Arena sa February 14.
"Ika-cash ko na lang, ha," biro na lang uli ni Regine kay Martin. - PEP.ph
Tags: showbiz
More Videos
Most Popular