ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Maria Isabel Lopez not ready to marry boyfriend of eight years

Kasama ng beauty queen-turned-actress na si Maria Isabel Lopez ang kanyang non-showbiz boyfriend na dumalo sa FILA Polo Cup 2014.
Ginanap ang event sa Manila Polo Club sa Forbes Park, Makati City, noong Linggo, January 26.
Ipinakilala mismo ni Isabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang kanyang long-term boyfriend na si Wade Rowland.
Sa aming panayam sa dalawa, sinabi ng dating beauty queen na walong taon na silang magkakilala ni Wade.
“We’re friends… friends with benefits,” biro pa niya.
Best Man daw si Wade sa isang kasal na ginanap noong 2005 sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, nang makilala niya ang 1982 Bb. Pilipinas-Universe.
Biro ulit ni Isabel, “He was the best man in the wedding and I was the worst woman.”
Hindi na nagkaroon pa ng ligawan sa pagitan nilang dalawa dahil hindi na raw uso ito sa edad nila.
Sabi ni Isabel, “When you’re already old, you don’t do courtship anymore.
"You know why? We’re not young.
"We’re running out of time.
"Sa mga bagets lang ang ligawan.
"But you know, for us, wala na."
Dagdag naman ni Wade, “We have no time.
"I can be hit by a bus tomorrow.
"I have to move faster.”
Ngunit nang tanungin kung may balak pa silang pakasalan ang isa’t isa, pabirong sabi ni Isabel, “I’m not open to get married with this guy. I’m not open to getting married.”
Sagot naman ni Wade, “We’ve been dating eight years.
"I’m madly in love with her, just like that.
"She’s madly in love with me; I’m madly in love with her.
"It’s complicated.”
Wala mang balak magpakasal sa ngayon ang dalawa, tila nagparinig naman si Isabel sa kanyang boyfriend na huwag itong bibitaw sa kanilang relasyon.
“I told him, ‘You’re the most stupid man on the planet because you shouldn’t let a woman like me go. You have to hang on to me.’”
Taong 2006 nang magdesisyon si Maribel at ang dating asawang si Hiroshi Yokohama na tapusin ang kanilang 15-year marriage.
Nagkaroon sila ng dalawang anak—sina Mara (22) at Ken (16). -- Nikko Tuazon, PEP
Tags: mariaisabellopez, isabellopez
More Videos
Most Popular