ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pythos Ramirez now a proud Kapuso; admits crush on Kris Bernal


Lumipat na sa Kapuso network ang teen actor na si Pythos Ramirez.
 
Ayon sa young actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa hallway ng GMA Annex nang mag-guest ito sa “Sunday All Stars” (SAS) kamakailan, masayang-masaya raw siya sa pagiging Kapuso.
 
Sabi niya, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasa GMA na ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkalipat ko, bibigyan nila ako ng ganitong kalaking project. Ang saya-saya!

Na-starstruck daw si Pythos Ramirez ng una niyang makita si Kris Bernal (inset). Noel B. Orsal/Pep.ph
“Isa talagang magandang break itong binigay nilang project which is 'Paraiso Ko'y Ikaw.'
 
“Akala ko nga hindi sa akin mapupunta 'yung project.
 
“Grabe 'yung pressure sa akin, kasi noong three months [ago] ang taba-taba ko.
 
"Sabi nga ng manager ko, si Tita Becky [Aguila], 'Kung gusto mong maging successful sa career mo, mag-diet ka, magpapayat ka.'
 
“E, desidido talaga ako, kaya nagpapayat ako, kaya nag-gym ako, nag-diet para pumayat.
 
“Ang pini-peg ko kasi 'yung maging hunk ako, gusto kasi mag-Cosmo [Cosmopolitan Bachelor].
 
“Gusto ko maging part nun, pero papalaki muna ako ng katawan. 'Pag ready na ako, sasali ako.
 
“Sana nga ma-achieve ko 'yan ngayong year.
 
“Bale nakapanood na ako nung September [2013] kung papa'no sila rumampa at kung anong suot nila, kaya may idea na ako at ni-ready ko na sarili ko.
 
“Hopefully ako na 'yung next centerfold nila. Ha-ha-ha!"
 
Expectations as Kapuso
 
Ano naman ang mga expectations ni Pythos ngayong Kapuso na siya?
 
“Sana tuluy-tuloy lang 'yung pagbibigay nila sa akin ng magagandang trabaho, like 'Paraiso Ko'y Ikaw.'
 
“Lalo na't five years ang pinirmahan kong kontrata sa GMA Artist Center, kaya magiging Kapuso ako for five years at sana ay lumagpas pa ng limang taon.
 
“Ngayon pa lang nae-excite na ako sa iba pang plano nila sa akin.
 
“Basta ang masasabi ko lang masayang-masaya ako sa GMA,” deklara niya.
 
Ready to bare? 
 
Handa rin bang sumabak si Pythos sa mga mature o daring roles?
 
Ayon kay Pythos, “Willing na rin akong tumanggap ng matured roles, basta maganda 'yung project. Kahit mag-topless ako, okey lang.
 
“Pero aayusin ko muna 'yung katawan ko. Kapag may mga abs na ako at sa tingin ko ready na ako, 'yun na 'yung go-signal.
 
“Napag-usapan na rin naman namin 'yan ng manager ko at agree naman siya."
 
Kung sakali, papayag ba siyang gumanap sa mga kontrabida roles?
 
“Hindi naman, pero mostly kasi ang nabibigay sa aking project kontrabida kaya siguro ganun.
 
“Pero gusto ko rin namang mag-bida. Iba kasi 'pag ikaw 'yung leading man sa isang project tapos primetime pa.
 
“Hopefully, sana mabigyan din ako ng chance na magbida sa mga susunod ko pang projects.
 
“Pero if kontrabida pa rin ang ibibigay sa akin, okey pa rin. At least may work at hindi nababakante,” saad niya.
 
No rift with Kristoffer
 
Totoo ba ang bali-balitang may ilangan daw na namamagitan sa kanila ni Kristoffer Martin dahil kay Joyce Ching?
 
“Wala naman, kasi friends naman si Kristoffer at Joyce. 'Tsaka trabaho lang naman 'yung ginagawa namin.
 
“Alam naman ni Kristoffer na magka-partner lang kami ni Joyce sa 'Paraiso Ko'y Ikaw.'
 
“Kaibigan ko rin naman silang dalawa. Trabaho lang talaga, walang personalan.
 
“Lahat naman kami focused muna sa trabaho. Katulad ko, kakalipat ko lang sa GMA, kaya trabaho muna, masarap ang may trabaho.
 
Zero love life
 
Kumusta naman ang love life ng binata?
 
Paglilinaw ni Pythos, “Zero ang love life ko ngayon. Mas gusto ko munang mag-work nang mag-work.
 
“Wala pa akong time sa lovelife, 'tsaka na 'yan. May right time for that, not now. Marami pa akong gustong mangyari sa career ko.
 
“In love lang ako ngayon sa work ko at sa gym. Dun ako in love na in love ngayon.
 
Crush on Kris Bernal
 
Bukod kay Joyce at Kim gusto rin niyang makatrabaho si Kris Bernal.
 
“Gusto ko talaga makatrabaho si Kris Bernal, kasi dati napapanood ko lang siya.
 
“Ngayon nakikita ko na siya dito sa GMA at gandang-ganda ako sa kanya.
 
“Bukod sa hinahangaan ko siya bilang mahusay na aktres.
 
“Noon pa crush ko na si Kris, napapanood ko pa lang siya.
 
“Kaya nga nung nakita ko siya sa SAS, na-starstruck ako kasi ang ganda-ganda kasi niya. Nakailang tingin nga ako sa kanya.
 
“Hindi ko nga alam kung napapansin na ni Kris na paulit-ulit ko siyang tinitingnan.
 
“Lalo na 'pag ngumiti na siya, 'tapos mabait pa siya, kaya mas naging crush ko siya.
 
“Sana mabigyan ako ng chance na makatrabaho siya, para mas mapalapit ako sa kanya at mas makilala ko pa siya,” panalangin ng bagong Kapuso star. Pep.ph