ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jake Vargas preparing a surprise for girlfriend Bea Binene on Valentine's Day

May inihahanda raw sorpresa si Jake Vargas para sa girlfriend niyang si Bea Binene ngayong Valentine’s Day.
Ngunit tumangging magbigay ng kahit man lang clue ang Kapuso young actor tungkol dito.
Sabay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jake at Bea sa Sunday All Stars noong Linggo, February 9.
Panay ang tinginan nila sa isa’t isa na parang pasimpleng nag-uusap nang mata sa mata bago sagutin ang mga tanong namin sa kanila.
Kuwento ni Jake, “Nung Valentine’s Day last year, magkasama kaming nagti-taping ng Pepito Manaloto.
“Hindi kami nagkaroon ng chance na mag-celebrate dahil may trabaho kami that time. Pero at least, magkasama pa rin kami.
“Pero itong parating na Valentine’s Day ulit, masu-surprise talaga siya sa gagawin ko!”
Natatawang reaksiyon naman ni Bea, “Kaya lang po, kapag ako ang kanyang sinu-surprise, madali po akong makakuha ng clue.
“Kaya kailangang sobrang bonggang-bongga ang surprise niya!
“Kasi kung chill-chill lang, malalaman ko siya.
“As in, madali akong mag-analyze ng mga bagay-bagay.”
BEST VALENTINE GIFT. Para kay Bea, ano ba ang Valentine’s gift na kanyang natanggap mula kay Jake na pinaka na-appreciate niya?
Sagot ng young actress, “Hindi naman Valentine’s gift, basta yung gift niya na…
“Kasi kabibigay lang niya ng puppy, na pinangalanan kong si York.”
Katuwiran naman ni Jake kung bakit isang tuta ang naging regalo niya kay Bea kamakailan, “Kasi, para iba naman, para naaalagaan niya.”
Marami na rin daw natanggap na regalo si Jake mula kay Bea, pero ang pinakanagustuhan daw niya ay ang jacket na ibinigay ng girlfriend.
“Ang mahal nung jacket na ‘yon. Naubos yata ang budget niya!” natatawang biro ni Jake.
Dagdag niya, “Gift niya sa akin ‘yon nung birthday ko. Last-last year pa niya ibinigay sa akin ‘yon.”
STRONGER THAN EVER. Noong 2013 ay naging shaky ang kanilang relasyon. Pero nang maayos ang kanilang naging problema, tila mas matatag na ang bigkis ng pagmamahalan nila ngayon.
Kaya asam ni Jake, “Sana mas maging matibay na matibay na nga.
“Na huwag kaming magpapaapekto sa mga intriga at sa ibang tao na naninira.
“So, dapat strong kami lagi.”
Nangiti namang sambit ni Bea, “I second the motion.
“Na katulad nga ng sinabi niya, kapag may problema, hindi agaw bibitaw. ‘Yon!
“And sana this would ba a happier and a better relationship kumpara sa dati.”
Ganun pa man, alam ng magkasintahang normal lang sa sinumang magkarelasyon na nagkakaroon ng tampuhan o hindi pagkakaunawaan.
Sabi ni Jake tungkol dito, “Hindi na lang namin iniintindi ‘yon. Binabalewala na namin ‘yon.
“Kasi kapag kami ang nagkatampuhan, sandali lang.
“Siguro mga five minutes lang, okey na ulit kami.
“Hindi na tumatagal, hindi na namin pinapatagal.”
Dagdag ni Bea, “Pero ako naman, kapag siya yung nagtatampo, hindi ko siya tinitigilang kulitin.
“Kaya after a few minutes, okey na kami. Wala na yung tampo niya.” -- Ruben Marasigan, PEP
Tags: jakevargas, beabinene
More Videos
Most Popular