ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
John Lloyd Cruz, dinala sa ospital matapos masangkot sa minor biking accident -- report

(John Lloyd Cruz had a minor bike accident during a shoot and he has undergone immediate medical treatment. He is fine and in good condition,” says Star Magic in a statement sent to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via e-mail this afternoon. PEP reported earlier that John Lloyd Cruz and his girlfriend Angelica Panganiban were involved in an accident in Tarlac.
However, Star Magic clarified that it is only John Lloyd who got hurt although Angelica was also at the scene.Photo: File photo (main))
Dinala sa ospital ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos masangkot sa aksidente habang nagba-bike sa bandang Sta. Juliana, Capas, Tarlac, nitong Huwebes ng tanghali, February 20.
Sa ulat ni Nerisa Almo na nalathala sa showbiz website na Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sinabing nagtamo ng gasgas sa kaliwang bahagi ng mukha ni John Lloyd dahil sa aksidente batay sa isang larawan na na-feed sa PEP.
Taliwas din sa naunang inilabas ng PEP na kasama ng aktor ang nobya nitong si Angelica Panganiban sa aksidente, nilinaw umano ng Star Magic sa isang maigsing pahayag na wala doon ang aktres.
“Angelica was present at the shoot but was not part of the scene and not involved in the accident,” nakasaad sa pahayag.
Dinala umano kaagad sa pinakamalapit na ospital ang aktor para magamot.
Tiniyak din sa pahayag na nasa mabuting kalagayan naman ang aktor. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular