ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ai-Ai delas Alas advises James Yap on how to become closer to Bimby

Si Ai-Ai delas Alas ang naging host sa announcement of winners ng PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013, na ginanap Huwebes ng hapon, March 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.
Kabilang sa dumalo sa presscon ang winners sa kategoryang Celebrity Pair of the Year na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.
Si Dennis ang napapabalitang crush na crush ngayon ni Ai-Ai.
Kaya naman nang umakyat sa stage si Dennis ay nagba-blush si Ai-Ai habang sinasakyan ang panunukso sa kanya ng press sa aktor.
Nakakatuwa na parang siyang mangisay-ngisay sa kilig habang kaharap ang Kapuso actor
“Sabi ko naman, ‘Wait lang at mag-i-speech pa ako!’ Hahaha!
“Pero nakuha ko naman nga ang number niya after, friend-friend lang.
“Hindi ko naman siya inalok ng Camaro!” pagtukoy niya sa isang brand ng kotse na ibinigay niya sa dating asawang si Jed Salang.
Biro pa ni Ai-Ai, “Hindi ko muna siya inalok. Next time, ri-recover muna ako from the pain!
“Hindi, nagpapatawa lang ako. Huwag na lang from the pain… from financial problem!
“Tsika lang!” tawa pa rin nang tawang sabi ng Comedy Queen.
Totoo bang gusto rin sana niyang maging leading man si Dennis sa gagawin niyang isang indie movie?
Sabi ni Ai-Ai, “Gusto ko nga sana.
“Kakausapin ko siya, pero I heard na may movie na pala siyang gagawin na indie.
“E, gano’n talaga. Pagkakataon ko na sana na matikman ko si Dennis dun!
“E, wala, ayaw i-allow.”
JAMES YAP. Biro naman ng ibang movie press kay Ai-Ai, ang nanalo bilang Newsmaker of the Year na si James Yap na lang ang kunin niyang leading man.
Magkatabi kasi sa upuan noong oras na iyon sina Ai-Ai at James.
“Huwag naman. Hindi kami talo niyan!
“At saka sabi niya [James] sa akin, ‘Friend, kahit maghubad ka sa harap ko, ‘no!’” tumatawa pa ring reaksiyon ni Ai-Ai.
Nakakatuwa na kahit napapabalitang hindi sila in good terms ngayon ni Kris Aquino, ang ex-wife ni James, walang nabago sa closeness nina Ai-Ai at James.
Saad ni Ai-Ai, “Sabi ko nga sa kanya, ‘Noong nag-away tayo, nai-stress ka at natatalo kayo sa PBA, ‘no?’
“Naiinis naman siya sa akin!
“Hindi. Alam niyo kung bakit talaga tumagal ang friendship namin?
“Tinutulungan ko siya sa anak niya,” pagtukoy niya kay Bimby, ang anak ni James kay Kris.
“Kung paano siya magiging mabuting ama. Kung paano matutuwa si Kris sa kanya.
“Ganun, tinuturuan ko siya.
“At nakikinig naman. Mabait naman si James.
“Friend ko siya. Friend ko rin naman si Kris.”
Nagkataon nga lang daw na hindi sila magkasundo ngayon ni Kris.
“In any relationship, ‘di ba? Sila [James and Kris] nga, nag-aaway, ‘di ba? Kami rin nag-aaway.
“Gano’n talaga ang buhay, ‘tapos magbabati.
“Bati na sila. Bati rin kami. Bati kami lahat.”
Pero hindi pa sila okey ni Kris?
Tumawa na lang si Ai-Ai at hindi na sinagot ang tanong na iyon sa kanya.
Pero sila ni James, nananatiling best of friends talaga.
Saad ni Ai-Ai, “Siguro, kagaya ng iba pang mga magkakaibigan, kami ni James kasi, bago kami naging magkaibigan, naging magkaaway muna kami.
“So, parang sweet ‘yon kapag nagkaalaman na kayo na, ‘Ganito, friend, pasensiyahan o sorry, kasi ganito talaga ang buhay.’
“Yung nagkapaliwanagan kayo. Mas, I think, nakikilala ninyo ang isa’t isa.
“And I think, iyon ang nangyari sa amin kaya naging close kami ni James.”
TEXTMATES. Magkaiba man sila ng propesyon dahil artista si Ai-Ai at basketball player naman si James, pero bonded pa rin sila bilang magkaibigan.
Kuwento ng komedyana, “Nagti-text kami lagi. Lumalabas kami, pero minsan-minsan lang.
“Hindi parati, kasi busy naman ako sa taping. Siya naman, naglalaro siya.
“So, text-text lang. Lagi kaming nagti-text.
“And ang nangyari kasi, parang ano, ‘di ba, si Kris friend ko, ‘tapos asawa siya [James] dati.
“’Tapos nag-away kami. Kumbaga, parang ang nangyari, nag-ano lang ulit kami… resurrection.
“Although kasi si Kris naman, ipinapaliwanag ko rin sa kanya [James] kasi na yung mga ugali ng babae, na minsan mahirap intindihin.
“Not only Kris, pati ako.
“Minsan kasi ako yung example na ibinibigay ko sa kanya, para maintindihan niya kung ano yung galaw niya.
“Ang kung ano yung makakabuti for them, lalung-lalo na for Bimby.
“Kasi iyon ang weakness niya, e, yung anak niya.
“So, dun ko siya medyo sinusuportahan. Kasi love na love niya yung anak niya, e.
“And inaanak ko naman yung si Bimby.” -- Ruben Marasigan, PEP
Tags: aiaidelasalas, jamesyap
More Videos
Most Popular