ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pangamba noon ni Gabby Eigenmann sa pagpasok ni Andi Eigenmann sa showbiz, nangyari




Si Gabby Eigenmann lang daw ang kumontra sa pag-aartista ni Andi Eigenmann noong nag-uumpisa pa lang ang kanyang half-sister sa showbiz.

Pareho ng ama sina Gabby at Andi, ngunit magkaiba sila ng ina.

Si Gabby ay anak ng aktor na si Mark Gil sa dating aktres at commercial model na si Irene Celebre, habang si Andi ay anak ni Mark sa award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Sabi ng Kapuso actor, “Si Andi, when she was starting, ayoko siyang mag-artista talaga, e.

“Ayoko talaga. Actually, ako lang ang kumokontra, lahat okay lang.”

Bakit siya kontra?

“Mahabang istorya.

"Pero eventually, 'di ba, she gave birth at a young age, single mom?

"So, iyon ang winorry ko at nangyari!

“Pero sabi ko nga, ‘Nangyari na, what do we do?’

“Siyempre, we have to move on.

“Andiyan na, e, and she’s successful, she’s happy.

"Magaling umarte, masaya naman dahil hindi naging negative yung pinatunguhan.

“Hindi ka naman magiging positive kung wala kang negative, e.”

Isa pa sa gusto sanang mangyari ni Gabby para kay Andi ay nakapagtapos ito ng pag-aaral, na pinangarap din niya noon para sa kanyang sarili.

Saad niya, “I took up college, pero hindi ko din tinapos.

"Siyempre, growing up in a broken family, mahirap, e.

"Hindi ko sinasabing ayaw kong maging katulad ng daddy ko.

"My dad naman never turned his back on us, nandidiyan naman siya, e.

“Pero sabi ko, kung magkakaroon man ako, gusto ko buo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa pocket presscon ng PPL Entertainment, Inc. talents noong March 27.

HAPPY DAD. Apat ang anak ni Gabby, at isa siyang masayang ama sa pagtatapos ng anak niyang si Liam.

Kuwento niya, “Nag-move up, nag-Grade 12 na itong year na ito. In short, junior high na siya sa pasukan.

“Happy ako! Yung panganay [Josh], nag-graduate last year, so first year college na siya ngayon.

"Yung second [Gab], kaka-third year lang, e, 'tapos ito ngang nag-graduate."

Sina Josh at Gab ay mga anak ng asawa ni Gabby na si Apple sa aktor na si Joko Diaz.

Fifteen years na sila ni Apple at nasa poder nila ang mga bata.

Ang anak naman nina Gabby at Apple ay sina Liam at Matthew.

Asam daw ni Gabby, "Gusto ko buo, 'tapos iyon, mapaaral ko sila.

“My investment are my four kids, para kang bumibili ng kotse taun-taon.

"Maka-graduate lang at makita mong isa-isa silang nagga-graduate, malaking fulfillment na yun.

“Iba yung feeling kasi pinaghihirapan mo.

"At the end of the day, yung sa mga bata, yung future nila, nakahanda na."

MINDSET. Iyong ginagawa raw ni Gabby para sa kanyang mga anak ay hindi niya naranasan.

Aniya, "I never had that growing up when I was a teenager.

“Yung iba nagrerebelde, nagda-drugs, napapariwara, ako hindi.

“Yung mindset ko talaga was, you know, if I were to be a father, mas gugustuhin ko, you know, a normal life."

Kung sakaling gustuhin ng mga anak na sumunod sa yapak niya sa showbiz, papayag ba si Gabby?

Sagot niya, “That’s the last resort.

"Mas gugustuhin ko na they have a normal profession.

"But if the calling is there, kasi the whole clan artista, e, and there’s an opportunity, why not?"

Mapadpad man daw ang mga anak sa showbiz ay mayroon naman siyang maituturo sa mga ito.

"Sabi ko nga, the only legacy that I can leave in this world is to be known as a professional actor.

"Hindi mahirap kasama, hindi mahirap katrabaho," seryosong pahayag ni Gabby.

COUSIN GEOFF. Samantala, no big deal daw sa pinsan ni Gabby na si Geoff Eigenmann ang naging isyu nito kay Aljur Abrenica.

Nagsimula ang isyu sa pagseselos diumano ni Aljur kay Geoff dahil sa kasintahan ng una na si Kylie Padilla.

Nagkatambal sina Geoff at Kylie sa nagtapos nang fantaserye ng GMA na Adarna.

Sabi ni Gabby, "It’s really no big deal, deadma lang.

“Kung nagselos man, saan ka pupunta kung lagi kang magseselos?

"Trabaho 'yan, e.

"I’m not saying na wala sa lugar o ano, pero it wasn’t really an issue to begin with."

Paliwanag pa nito, "Kami, yung generation namin nina Sid [Lucero], Geoff at Ryan [Eigenmann], pinalaki na marunong rumespeto.

“For us to be respected, we have to respect other people also.

“And respect is hard earned.”

Kumusta si Geoff at ang girlfriend nitong si Carla Abellana?

Sagot ni Gabby, “They’re okay, they’re having a rough patch lang.

"Sa relasyon naman, it’s never perfect, will never be perfect.

“There are always bumps and obstacles along the way.

“Pero naaayos naman ang mga bagay na ganyan, e.”  -- Rommel Gonzales, PEP